Amanda
Tanghali na at nandito pa rin ako sa office ni Hedrix sa Manila hindi ko lang alam saan 'to sa Manila hindi ko na tinignan kanina sa sobrang badtrip ko.
"Tanghali na hindi ba naisip ni Hedrix kumain?" Bulong ko saaking sarili.
Para lang akong shunga rito sa office n'ya iniwanan n'ya lang ako rito ng makadating kami at sabi ay dito lang daw ako babalikan n'ya ako e, iniwan n'ya ako rito ng six ng umaga twelve na ng tanghali wala pa rin s'ya. Nagugutom na kaya ako.
"Kumain na kaya 'yun? Umalis kami ng walang kain, sanay ako eh ayun kaya?"
Para lang akong may sapak sa ulo na kinakausap ang sarili na animoy may sasagot saakin. "What if may sumagot saakin dito?" Natatawang kausap ko muli saaking sarili.
"Good morni-"
"Puday ka!" Naputol ang sasabihin ng nasa likod ko ng mahulog ako sa swivel chair ni Hedrix sa sobrang gulat ko.
Agad-agad akong tumayo bago pa ako matulungan ni ateng pumasok na wari ko'y nag pipigil tumawa. Subukan n'yang tumawa susuntokin ko ngalangala n'ya.
"Ehem. Y-yes? G-good morning." Utal kong saad at saka tumayo ng tindig na parang walang nangyari.
"Good m-morning din po ma'am Emma," nauutal din itong bumati saakin pabalik habang naka yuko. "Sir told me to assist you for the meantime at hingin ko raw po ang gusto n'yong kainin para sa lunch," pag papatuloy nito.
"A-ah bakit? Asaan s'ya?" I asked.
"Nasa meeting pa po s'ya," sagot nito.
Tumungo nalang ako at saka muling umupo sa swivel chair ni Hedrix para makapag isip ako ba masarap kainin.
Kapal ng muka kong dito sa office table ni Hedrix mag isip ng kakainin pero bakit ba e wala naman s'ya.
"Ahm ano nalang jollibee?" Patanong kong saad sa secretary ni Hedrix na nag iintay. Nalaman ko lang secretary s'ya ni Hedrix base sa Id nito.
Sa sobrang daming company ni Hedrix lahat kaya ng secretary n'ya ron natatandaan n'ya? Or isa lang talaga ang pinaka main n'yang secretary?
Mukang nag iintay pa ito sa ipapadagdag ko. "Ikaw na bahala basta dapat merong coke float," dagdag ko.
Tumungo na ito at saka lumabas na muli at ako ay naiwan nanaman mag isa rito sa kalaki laking office ni Hedrix.
Hindi ako nakapag tingin tingin dito dahil pag kadala n'ya saakin dito ay nakatulog agad ako sa pagod sa bayahe. Hindi ko nga alam saang mundo kami ng galing bakit ang tagal ng bayahe namin papuntang Manila.
"Perness.... Malinis ang office," saad ko.
Merong mini sala ata ito dahil meron sofa at center table meron ding malaking TV dito kaya mukang sala nga ito. Minimalism ang peg ng design ng mini sala n'ya. Hindi ito 'yung building na pinuntahan ko noong unang kaming mag kita.
"Taray may mini bar s'ya rito ah, 'nu 'yun pag nag breakdown daretso agad dito tapos tagay tagay," natatawang saad ko habang hawak hawak ang isang klase ng alak.
Malaki itong office n'ya dahil meron itong book shelves, mini sala, mini bar, at office table n'ya. Mas malaki pa nga ito sa bahay namin e.
Pero pinaka gusto ko rito sa office n'ya ay itong napaka laking glass window sa likod ng office table n'ya. Pag gabi ay siguradong lalong maganda rito dahil matatanaw mo mula rito ang mga sasakyan sa baba at mga iba pang building. Ang atake n'ya sa gabi ay city lights view oh kabog.
Bakit kaya ang yaman yaman na ni Hedrix eh nagawa pa s'yang iwanan? Bakit sobrang guwapo naman ni Hedrix eh nagawa parin s'yang lokohin? Bakit kahit mahal na mahal ni Hedrix eh nagawa pa rin s'yang ipag palit?
BINABASA MO ANG
HIS CAPTIVATING LOVE
RomanceAmanda Cruz who has been drowning in misery for a long time and Hedrix Ace Vozenilex who has everything everyone can wish for but still feels something is missing. What if each other's paths cross? Can Amanda help Hedrix to find and build his missin...