hello ,
Ako si vanessa , ang forever bestfriend ni kyle , simula bata magkaibigan na kami .
sabi niya parang kapatid na daw niya ako . kaya ako naman lahat ng umaaway sa akin , sa kanya malalagot .
Hay , kakaibang bestfriend .
lahat ng mga gusto at ayaw ko alam niya , pati ata mga secrets ko eh . pero may isang bagay na ayaw kong ipaalam sa kanya ...
alam kong mali itong nararamdaman ko para sa kanya . alam kong mali ang mahalin si kyle , higit pa sa bestfriend , ayaw ko kasing masira ang pagkakaibigan namin . ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa akin , natatakot ako , itatagi ko na lang ito , hangga't kaya ko .
pero paano na lang kung hindi ko na kaya ?
paano na lang kung makahanap na siya ng babaeng mamahalin niya ?
minsan naiiyak ako dahil lang sa kakaisip ng mga ito ....
nalulungkot ,nasasaktan .
alam ko kasing bestfriend lang talaga ako sa kanya .
minsan nga kapag may kasama akong ibang lalake , iniisip ko na sana nagseselos siya .
pero ako yung nagseselos pag may kasama siyang iba eh ..
bakit ganun ? ang unfair talaga ... sana may milagrong maganap , sana nararamdaman din niya yung nararamdaman ko para sa kanya .
"VANESSA , halika dito ! Dali ! "
"bakit kyle ? anong meron ? " lumapit ako sa kanya at tinignan yung tinuturo niya .
"di ba si andrew yun ? yung crush mo . ba't may kalandian na naman ? "
Aba , galit na galit pa itong si kyle , Di ko naman talaga crush yun e , imbento ko lang yun para hindi mahalata ni kyle , para narin magselos siya kahit papano , pero waepek e . siya parin yung bestfriend na kuya .
"crush lang naman e ! wag ka ngang OA " sabi ni vanessa
"tapos tignan mo yung girl ! mas maganda ka pa dyan e ! dapat ikaw na lang ! "
dapat ako na lang para sayo
"nako , kung ako yung andrew na yan , liligawan na kita ! "
sana ikaw na lang talaga
"wag ka na ngang malungkot , naha-heart broken ka na naman dyan e ..."
heart broken sayo , hay ! , kung alam mo lang .
"teka-teka , hindi ko na crush yun noh ! may mahal na akong ----- "
whaaaa ..!! muntikan na akong madulas
"may bago na akong gusto ! tsaka tumahimik ka na nga , kanina ka pa sigaw ng sigaw . nabibingi na ako "
Grabe , muntik na talaga yun , buti na lang nakabawi agad ako . buti na lang ...
nakakaasar na kasi eh , lagi na lang siyang ganyan pag nakikita si andrew na may kasamang babae , nakakairita .. kaya delikado akong magsalita eh .. aaminin ko na kaya na mahal ko siya . pero paano ??
nakakatakot .
"huh ? may bago ka ng gusto ?! ba't di mo sinasabi sa akin ? bestfriend mo ko di ba ? sino ?? "
"ika------"
Ay tanga !
nakatayo lang kaming dalawa . parang huminto ang oras . dumating na ung araw nakinakatakutan ko . unti - unting tumulo ang luha ko . hindi ko mapigilan eh . bago pa man siya makapagsalita , sinubukan kong mag-explain , sabihin ang totoong nararamdaman ko . kahit na hindi ko kaya ginawa ko . ayaw kong marinig ang sasabihin niya , baka pagtawanan niya lang ako , baka tanggihan niya lang ako , kaya bago pa man siya makapagsalita , agad akong tumakbo pauwi sa amin .sigaw lang ng pangalan ko ang tanging naririnig ko .pero hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa hindi na niya ako nasundan .
magdamag lang akong nasa kwarto ko . nakatunganga , asar na asar sa nangyari kanina , naka off ang cellphone ko , ayaw ko munang kausapin si kyle , hindi pa ako handa , kasalanan ko lahat ito eh .
"ate may nagpapabigay ng sulat ! "sabi ng kapatid ko .
"sige , iwan mo na lang jan sa may pintuan "
hay , makasigaw naman , akala mo ang layo , pintuan at pader l;ang naman ang pagitan parang si kyle kanina , wala ngang pagitan eh ....
ano ba yan , bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko . naalala ko na naman siya .
kinuha ko yung sulat galing kay kyle .. parang sumisikip ang dibdib ko , sobrang nanginginig ako , hindi ko alam kung bubuksan ko na o hindi pa .
himinga ng malalim at pinilit maging kalmado , binuksan ko yung sulat at sinimulang magbasa .
habang nagbabasa , hindi ko mapigilang umiyak .
VANESSA ,
Aaminin kong nagulat ako sa sinabi mo kanina .hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala , sorry kasi pinilit kitang sabihin yun kanina , alam kong natatakot ka sa magiging reaksyon ko . natatakot ka na baka mapahiya ka lang .sinundan kita nung tumakbo ka. pero napatigil ako , na realize ko , takot din pala ako , takot kaninang malaman kung sino yung mahal mo , takot na baka masaktan ka lang . takot baka hanggang FRIENDZONE lang ako .akala ko mali ang nararamdaman ko akala ko mali ang mahalin ka , pero paano ko malalaman na mali , kung hindi ko aalamin . kaso naunahan mo ako eh ... alam mo ba na araw-araw paggising at gabi-gabi bago matulog nagdadasal ako sa diyos na sana mahalin mo rin ako .
mahal na mahal kita vanessa
kyle .....
<3 hope you like it <3
BINABASA MO ANG
BestFriend-Zoned
Short Storybkit sakanya pa? bakit sia pa? bakit ikaw? sa dinamidami ng lalake bakit ikaw pa mahirap talga pag na fall ka sa bestfriend mo., masaket sobra kasi mahal mo sia pero ayaw mong masira ang pinagsamahan nio. bestfriend nga eh. at ang mas masaket a...