You can't create a monster, then whine when it stomps on a few buildings – Yeardley Smith
THE ROZOVSKY HEIRS 7 | DAMIEN ALFONSO
CHAPTER EIGHT | PARENTS
PEYTON
"Petra. Petra. Bumangon ka na diyan. Alas-otso na."
Umungol pa ako at nagtalukbong ng kumot para hindi maistorbo ang pagtulog ko pero bigla din iyon nawala dahil sigurado ako na hinila ng nanay ko.
"Bumangon ka na diyan." Ngayon ay may diin na ang boses ni Nanay.
"'Nay, inaantok pa ako." Reklamo ko at kinakapa-kapa ko ang kumot na inalis niya sa akin.
"Paanong hindi ka aantukin? Anong oras ka na umuwi kagabi? Akala mo ba hindi ko alam na alas-dos ka na umuwi? Hindi na lang ako umimik nang mahiga ka diyan sa kama mo. Nakikita mo ba ang hitsura mo? Ang mukha mo, punong-puno pa nang kolorete. Hindi mo man lang nagawang maghilamos dahil sa kalasingan mo." Naramdaman kong kinurot pa ako sa tagiliran ni Nanay kaya napa-aray ako ng malakas.
"Aray naman, 'Nay!" inis na akong bumangon at ang sama ng tingin ko sa kanya. "Kasama ko naman sila Owen. Kasabay kong umuwi." Katwiran ko.
"Iyan na nga ang sinasabi ko. Sama ka nang sama diyan kina Owen. Alam mo naman na pinagbawalan ka na ni Mrs. Conti na dumikit sa mga anak niya pero bakit hindi mo pa rin tinitigilan? Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na iba ang buhay natin sa buhay ng mga Conti. Palamunin lang tayo dito. Mga alipin na kung kailan nila maisipang sipain paalis, gagawin nila."
Napaikot lang ang mata ko at sumimangot. Ang aga-aga naman magsermon ni Nanay. Masakit pa ang ulo ko sa puyat at hangover. Ang dami-dami pa naman naming ininom nila Owen. Pagkagaling namin sa party ni Pasquale, may pinuntahan na naman kaming party pa kaya inumaga na kami ng uwi."Kumilos ka na diyan at pumasok ka na sa eskuwela. Kapag nakita pa ni Mrs. Conti na nandito ka pa, baka talagang itigil na noon ang pagpapaaral sa iyo. Hindi ka magtino. Puro kalandian ang alam mo." Inis pang sabi ni Nanay.
"At least ang mga nilalandi ko, gusto ako. Kayo? Nag-uubos na kayo ng pera pero hindi pa rin kayo pinapansin ng Tatay ko. Pati pamilya niya ginagastusan n'yo." Hindi ko na napigil ang hindi sumagot.
Malakas na sampal ang ibinigay sa akin ni Nanay. Nagulat din ako sa nasabi kong iyon. Hindi ko naman iyon gustong sabihin pero kusang lumabas sa bibig ko.
"Kung ano man ang ibinibigay ko sa Tatay mo, karapatan niya iyon dahil nagmamahalan kami. Oo. Alam kong mali dahil may nauna na siyang pamilya pero alam ko na ako ang mahal ng tatay mo at hindi lang niya maiwan ang pamilya niya. Kaya tutulungan ko siya hanggang sa makakaya ko at wala kang pakialama doon." Nanginginig ang boses ni Nanay sa galit nang sabihin iyon.
Hindi na ako kumibo at inis na lang na umalis sa hinihigaan ko at kinuha ang tuwalya tapos ay lumabas. As usual, ipagtatanggol pa rin niya ang walang kamatayang pagmamahal niya sa manloloko kong tatay. Ibang klase ang Nanay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng gayuman ang ginamit ng tatay ko sa kanya.
Dumeretso na ako sa banyo at doon nagbabad. Kung puwedeng dito na lang ako maghapon. Ayaw ko na munang lumabas at makakita ng tao. Masakit ang ulo ko dahil sa puyat at ang gusto ko ay matulog pa talaga. Pero kailangan ko ding kumilos dahil may pasok ako ng alas-diyes.
Paglabas ko sa banyo at pabalik na ako sa kuwarto namin ni Nanay ay naramdaman kong may pumulupot na kamay sa baywang ko at humalik sa pisngi ko. Alam ko naman na si Owen ang may gawa noon kaya mabilis akong lumayo sa kanya.
"'Tangina, Peyton ang bango mo. Amoy Dove ka." Nakangisi pang sabi niya.
"Ang kulit mo din. Sinabi ko na sa iyo na tigilan mo akong harutin dito. Malilintikan ako sa Mommy mo." Inis kong saway sa kanya.
BINABASA MO ANG
ROZOVSKY HEIRS SERIES 7: DAMIEN ALFONSO (complete)
Ficción GeneralBLURB I knew about the story of my father. He was the famous hotelier that everyone wanted to be. Stanislav Vaughn Rozovsky was the epitome of power. He had it all. Fame. Power. Money. My loving mom Sofia, me and my siblings. We were the perfect fam...