Be KER POL ! (NEVER GIVE UP)

38 2 1
                                    

Naranasan nyo bang magkamali? syempre napaka obvious naman ng tanong ko dahil lahat ng tao nagkakamali. . kung uo ang sagot mo, mga ilang beses na? nabilang muba? kung nabilang mo, aba! npaka henyo mo naman at nabilang mo pa yun. Kumpara mo sakin, kapag nagkakamali ako, baon na agad yun sa limot kasi kapag naaalala ku pa yun nagiging malungkot ako. Pero  imbes na magemoemohan ka dahil sa mga kasalanan at mga problema na nagawa muna sa iyong buhay,  gawin muna lang itong aral para sa susunod hindi muna ito uulitin. kaya ang masasabi ko sayo , BE KER POL!

natatawa ako kapag naaalala ko ang aking karanasan itong College lang.Oo tama nga naman ang aking profesor na pinag-iisipan ang bawat pagdedesisyon sa ating buhay, Pero mukang naiba ata ako ng landas sa pagsagot ko nung magkaroon ng graded recitation sa Business ethics. Alam mo ba kung anung sinabe ko sa aking profesor? hmf.. natatawa ako kasi ang sinagot ko sakanya nagdedesisyon ako ng basta-basta at hindi na pinag-iisipan. At ang resulta nito, binara nya ako at pinagtawanan pa ako ng buong klase. "Awkward"! ang saya diba!

Nakakapanibago talaga ! hindi naman ako ganito dati mag-aral ee, Hindi sa pagmamayabang,pero  Honor Student ako dati nung kinder at elementary. Pero nakapagtataka dahil nung High School, bigla akong nawala sa Top at tinamad na mag-aral. Hayy kaasar kasi yung isa kong kaklase grabe kung makapanghusga sakin akala mo napaka perfect  nya.. ikaw na teh!. hmf. oo nga pala guys, musician pala ako kung hindi nyo naitatanong..at  Bakit nyo nga pala itatanong eh hindi naman tayo close..haha . Grabe uso na talaga ang pangtratrashtalk kahit saan ka man pumunta, Kahit matatanda nakikigaya narin. Nice naman jologs na si lola ! Astig!

Napansin  kulang, computer programming ang course ko pero music ang hilig ko. Ang gulo. grabe. Nagbabanda ako at Lead Vocalist. Kahit hindi ka maniwala marunong akong kumanta hindi lang talaga halata. Pagbigyan muna ako minsan lang yan mangyari sa buong buhay ko. Wag munang balaking umepal dahil wala kaparin magagawa. minsan nagrrythm kapag kinakailangan.Sabe ng mga klasmeyt ko dapat sa music school ako nag-aral at hindi sa computer schools. nako. maling field nga ang napasukan ko. Pero may magagawa pa ba ako? nasimulan kuna  at dapat kuna itong tapusin. Pero naisip kurin kung sinunod ko ang aking mga magulang na kuhain ko ang course na education malamang mahihirapan parin ako. Kasi medyo maiksi lang ang pasensya ko lalo na kapag sobrang makulit na ang estudyante ,, yung tipong nasa kagubatan na ang klasroom nyo. 

At dahil muka namang walang sense ang mga pinagsasabi ko sainyo, pagtyagaan nyo nang basahin ito. naiinspire lang akong sumulat dahil sa paborito kong writer walang iba kundi si Bob Ong. Minsan lang akong sipagin kaya nilubos kuna.

hayy, Advice pala guys, kung nahihirapan na kayo sa mga subjects nyo, huwag kayo basta-bastang susuko. Gawin nyo nalang yung mga gustong ipagawa sainyo ng mga guro nyo. Kasi isa din yang paraan para makapasa kayo, Ako nga , nahihirapana din ako sa mga subjects ko pero nakatatak na isip ko na kaya ko ito kahit alam ko magkakamali nanaman ako, Kaasar talaga kapag feeling mo ang tanga-tanga mo ng sobra. Pero naniniwala talaga ako sa kasabihan na "WALANG PERPEKTO" kung meron man, si Lord yun  at wala ng iba. 

Change topic tayo. Naransan nyo na bang masaktan sa pag-ibig? nako karamihan sa mga kabataan ngayon kapag broken hearted nagsuisuicide lalo na kapag sobrang minahal nila ang girfriend at boyfriend nila. Pero iba ako sakanila kapag tinamaan ako ng pag-ibig. masaya ako, laging inspire at laging masaya. Oh diba inlababo talaga ako kasi inulit kulang yung ibang salita sige shabu pa. 

Akala ko dati katapusan na ng mundo simula nung malaman kong hindi nya ako gusto.Feeling ko ang pangit-pangit ko. wala nang magkakagusto sakin at higit sa lahat tatanda akong dalaga. Napaka Exag. ko sobra!  ganyan ako mainlab, gulong-gulo ang isip at hindi alam kung anung gagawin . Pero dahil mahilig ako sa music, idinadaan ko lahat sa kanta at sa paggitara, Dahil yun lang ang paraan para maibsan ang sakit mula sa kaibuturan ng aking puso. 

Minsan kailangan mudin iiyak yan lalo na kapag sobrang nasasaktan kana. Kasi kapag hindi mo inilabas yan maiipon ang sakit, baka magkasakit kapa sa puso nyan, Broken hearted kananga magkakasakit kapa.. ang malas mu naman, May mga tips pala ako para hindi mo maalala na broken hearted ka. Syempre unang-una sa listahan ay libangin mo ang sarili sa isang bagay na kinahihiligan mo. Halimbawa sa pag-aaral. Magfocus ka at ituon mulang ang iyong isipan sa pag-aaral. Pero kung waepek parin maghanap kanalang ng ibang solusyon tulad ng talent mo. Ang pangit kasi kung maghahanap ka ng ibang mamahalin habang hindi kapa nakaka move on. Unfair yun para sakanya kasi ang posibleng iisipin nun sayo , ginagawa mo lang syang rebound mo. kaya guys dont do that to others and dont do that me.!

Alam naman nating lahat masaya tayo lalo na kapag meroon tayong minamahal. Aminin kapag inlababo ka, napapangiti ka mag-isa. Minsan nagsasalita ka mag-isa. Minsan nagdaday dreaming ka, At minsan hindi ka mapakali kapag nawala sya sa paningin mo. ayeeh! Pag-ibig nga naman parang Love.. at ang buhay nga naman parang Life! ansabee?

Pero guys BE KER POL lang at hinayhinay lang tayo sa pag-ibig minsan kasi kapag sobra tayong magmahal hindi maiiwasan na madala tayo ng ating temptasyon. Kaya nagbubunga ito ng hindi maganda lalo na kapag wala pa tayo sa tamang panahon. Oo curious tayo sa bagay na yun kaya minsan gusto nating gawin sa ating boyfriend o girlfriend. Alam ko masarap yun gawin guys pero sana alam natin ang ating limitasyon. Paano kung nadisgrasya mo ang girlfriend mo at narealize muna hindi pala sya ang babaeng gusto mong makasama sa habang buhay, Anak ng putot-kutsinta napak kamote mong bata ka! anu yun? tikiman lang kayo. Kapag swak na swak na kayo tsaka nulang iiwan basta-basta. hayy nako.  

"Ang babae hindi dapat pinaglalaruan, dahil ang tunay na lalaki hindi naglalaro ng BARBIE" natawa ako sa post na yan sa Facebook. Tama nga naman. Hindi dapat pinaglalaruan ang mga babae dahil tao rin sila tulad nyo mga lalaki. Pero alam nyo guys minsan gusto rin ng babae na gawin yung masarap na bagay na yun. Kasi kung hindi nya ginusto malamang walang mangyayari. Kaya patas lang ang laban. Girls once na nagalaw na kayo at hindi naman ito nagbunga, BE KER POL na nxt time. Dahil mahirap ang magiging  responsibilidad mo bilang isang ina lalo na kapag nasa minor age kapalang

Paanu kung nalaman nyo na nabuntis na kayo? sasabihin nyo ba sa mga magulang nyo ang nangyari? panu kung hindi nila matanggap at palayasin ka nila? anung mga posibilidad na maari mong gawin? 

Unang-una syempre dapat huwag kang unahan ng takot na aminin sa magulang mo kung ano talaga ng totoong nangyari sayo. Mag open ka ng mga problma at ikwento mo ang buong detalye saknia. Minsan kasi kapag sobrang takot  naten pinapaabort nten eung bata sa ating sinapupunan. Masamang gawain yun. Dapat ipagpatuloy lang iyong pagbubuntis sapagkat blessing nadin yan para sayo, At kung iniwan ka man ng boyfriend mo, let it be dahil napakalaking bagay ang pinakawalan nya. 

S Panahon ngayon kailangan KER POL na KER POL tayo. Mahirap at masyadong moderno na ang ating mundo kaya kailangan ng pag-iingat lalong-lalo na sa mga taong laging nasasabihan ng "BE KER POL!" 

Lagi kong uulitin sayo, BE KER POL. BE KER PO. BE KER POL. parang AMALAYER lang yan .Basta paalala lang sa mga katulad kong careless , mag-iingat na tayo sa bawat kinikilos nten. Mas maganda kung baguhin naten ang ganung attitude. Libre lang magbago ng ugali, yun nga lang dapat consistent na yan kapag nagbago kana. Basta ako isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko. NEVER GIVE UP ! :D

Be KER POL ! (NEVER GIVE UP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon