Prolouge

18 0 0
                                    


DISCLAIMER: ALMOST EVERYTHING IN THIS STORY IS PURELY FICTIONAL. SOME OF THE PLACES HERE IN PHILIPPINES OR IN OTHER COUNTRIES THAT MAY BE MENTIONED. CREDITS AND WE'RE NOT STEALING ANYTHING. PLEASE BE AWARE! THIS STORY CONTAINS: NUDITY, SWEARING AND SOME THINGS THAT ARE NOT APPLICABLE TO YOUNGER READERS. THANKYOU & ENJOY THE STORY!


~ ESTRANGHERO ~

by: @delightfaves

***


"Rizz, sige na, sumama ka na kasi!" Pamimilit ni Abby, blockmate / kaibigan ko. 


Gusto niya kasi ako sumama sa birthday-an! Hindi ko naman kilala sino ang may bithday! Bakit ako sasama?


"Abby, hindi nga p'wede, nakita mo ba? Ang dami ko pang plates na tatapusin!" Sabi ko, sabay kamot ulo.


"Mamaya na 'yan! Ako rin naman marami pang plates na tatapusin pero biyernes naman 'te! Kaya i-grind 'yan!" Pangungulit pa niya. 


"Eh kilala ba namin kung sino'ng mag bibirthday?" Tanong naman ni Nicole, bestfriend ko since highschool na batchmate ko rin.


Sa telepono ko sila kausap habang gumagawa ako ng plates. 1st year college ako ngayon sa Adamson University of Manila. At finals week na in 2 weeks kaya kailangan ko talaga 'to tapusin para makapag review!


"I don't know! Basta sumama na kayo please!" Pamimilit niya pa.


"Eh sino ba mga tao ro'n? Baka naman mga hindi ko kilala!" Sabi ko naman.


"Marami! It's party time, girl! Kaya bilisan niyo na! There is no room for being pagong, duh!" 


"May pogi ba ro'n?" Malanding sabi ni Nicole!


"Marami!" Sabi naman ni Abby.


Napakamot na lang ako sa ulo at pinatay na ang tawag para makapag-ready na!


Nag bihis na lang ako. Plain white tube ang suot ko ngayon at nag patong ako ng crocheted cardigan na brown. Nag baggy pants na lang ako at saka kinuha ang shoulder bag ko. Nag-make up na rin ako ng kaunti at saka bumaba sa dorm ko.


"Ang tagal niyo naman!" Pangungutya ko nang tumigil ang sasakyan ni Abby sa harap ng dorm. Paano ba naman at fifteen minutes ako pinag intay!


"Sorry! Traffic! Tsaka sinundo ko pa 'tong isang lekat na 'to, oh!" Turo niya naman kay Nicole.


"Kasalanan ko pa 'ata! Eh kaninang sabi mo na on the way ka na, naliligo ka pa lang no'n, eh!" Panunumbat ni Nicole. 


"Whatever!" Umikot na matang sabi ni Abby. Pinindot niya na ang lock sa tabi niya para ma-unlock ang pituan ng kotse't makasakay ako.


Estranghero | by: delightfavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon