02: Added you as a friend.

4 0 0
                                    


"Rizz!" Sigaw na pag-tawag sa akin ni Nicole! "Lapit daw sa teachers para akuha ang jersey para sa awarding!" 


Epal naman!


Nakatayo lang ako sa harap ni Kuyang chinito habang nakatalikod para marinig ang sinasabi ni Nicole.


I cleared my throat and faced the guy in front of me.


"Sige, go lang," sabi niya na para bang alam niya na na mag papaalam na ako umalis kahit wala pa ako sinasabi!


Eh! Ayoko pa umalis! Gusto ko pa siya makausap!


"Ah... eh.." Sabi ko naman, nag iisip ng sasabihin!


Ano ba 'yan, Rizz! Mapapahiya ka naman sa ginagawa mo, eh! Okay ka pa ba?! Okay ka pa naman, 'di ba?!


Tumaas ang isang kilay ni kuyang chinito at natatawa sa inaasal ko ngayon! Hinihintay niya lang 'ata ako umalis para makaalis na siya!


"May gusto ka pa bang sabihin-"


"Good bye po, kuya! Nice to know you po!" Nakapikit na mariing sabi ko!


Oo! Okay na 'yun!


Tumalikod na ako at pumunta na roon sa kabilang gilid kung saan kukuhanin ang mga jersey for awarding.


Kinabukasan ay ang game 2 kaya naman sinuot ko ulit ang jersey na sinuot ko kahapon.


Ganon ulit, attendance bago mag game. Hinanap ko pa si Kuyang Dale pero hindi ko siya nakita..


Sayang naman, baka absent. 'Di niya ako magogoodluck niyan... Hayyyy!


Hindi ko na siya nakita kaya nag focus na lang ako sa game. Lamang kami sa first round. Pero parang tyamba lang 'yun kasi sa mga susunod na round, talo na kami agad, eh! 


Natalo kami today, pero okay lang! May bukas pa! 


4 days kasi ang intrams namin at ang fourth day ay ang awarding day.


Okay lang din naman pala na wala today si Kuyang Chinito kasi natalo kami! Wala siyang rason para i-congratulate ako, 'no! Nakakahiya rin! Baka mabadshot pa ko sa kaniya!


Pakiramdam ko tuloy ay lucky charm ko siya! Kahapon nakabawi kami sa Juniors pero ngayon, dahil wala siya, hindi kami nanalo! Baka nga gano'n! Charot!


" 'Wag na kayo malungkot! Ano ba kayo, may bukas pa! May chance pa tayo manalo bukas!" Pampalubag-loob ko naman sa mga kakampi ko.


"Eh, kasi naman, ang lalakas nila ngayon, eh!" Sabi ni Kathrine. 


Estranghero | by: delightfavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon