Kabanata 13

4.9K 163 59
                                    

Kabanata 13

"Where are you going, Kyren?" I snapped back to reality when I heard my mother's voice. Bumagsak ang phone na hawak ko nang makita ko ang videos and pictures namin ni Ma'am na kumakalat. I don't know what to do.

"I need to go, Mom. May aasikasuhin lang ako. I'll be back, okay?" I kissed her cheeks before I bid my goodbye.

Narinig ko pa ang tanong niya patungkol sa akin at kay Ma'am, pero wala ako sa wisyo upang sagutin ang mga tanong niya.

I need to check her. I'm pretty sure that she already saw that video, but I hope it's not. Hindi p'wedeng mangyari ito. Maaari siyang mawalan ng trabaho! At 'yong nagkalat, sino kaya?! Anong kailangan niya sa amin?!

Pumasok sa akin ang sinabi ng mga kaibigan ko na maaaring mawalan ng trabaho si Ma'am, dahil mali ang namamagitan sa amin. Mali ba talaga? Is this my fault?

Tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag. I saw Aeron's number.

Kinuha ko, nakatuon ang paningin sa daan bago sinagot, "Hello? Mamaya na tayo mag-usap. May gagawin pa ako—"

"Nandito si Ate."

"Ate? Sinong ate?"

"Ma'am Vasquez," halos sumakit ang ulo ko sa naririnig. Ate? Sino? Si Ma'am Vasquez?

"I'll explain it to you later. I'll send the address—"

"Magkapatid kayo ni Ma'am?" pinutol ko siya.

"Kyren, I'll explain it later, okay?!" pasigaw niyang sagot.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang gulo gulo. Paanong naging magkapatid si Ma'am at Aeron?!

"Just explain it now, Aeron!" I shouted back.

"Oh, God! Mamaya nga—"

Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinasabi dahil sa malakas na pagbusina ng isang truck wheeler na sumalubong sa akin na naging hudyat na malakas na pagtama sa aking sasakyan.

"Kyren!" I heard Aeron's voice.

Masakit. 'Yan lang ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay naipit ang isa kong paa dahil hindi ko ito magalaw. Ramdam ko rin ang pagtulo ng kung anuman sa aking noo at leeg. Ganoon din ang basag na salamin na nagkalat sa aking inuupuan.

Narinig ko ang tunog ng ambulansiya, sigaw ng mga tao, ang ilaw na nakakahilo na nakapalibot sa akin. Nakita at narinig ko ito bago ako mawalan ng malay.

"Crush ka ni Aki, Ate Adel!" mabilis kong tinakpan ang bibig ng katabi ko nang sabihin niya iyon.

"Zack!" ani ko sabay padyak ng paa ko.

"Ano?! Totoo naman, ah? Sus, kunwari ka pa! Crush mo na kaya si Ate Adel simula elementary! Kaso hindi ka gusto kasi straight siya, diba?"

Umirap ako ng marinig ko iyon. Well, he's right. I have a crush on Ate Adel. She's my neighbor. We're not close but our parents are. And Zack is right, she's straight. I'm 14 years old, and Ate Adel is 17 years old.

I don't know if she's aware that I like her, but I think yes. Halos ipamukha na ni Zack kay Ate Adel na gusto ko siya.

Bumaling ang tingin ko sa lalaking katabi ni Ate Adel, si EA, ang bunsong kapatid ni Ate Adel. We're on the same age, kaya naman magkasundo kaming dalawa.

"Aki!" tawag ni EA at mabilis na lumapit sa akin.

"Bawal lapitan si Aki!" masungit na saad ni Zack at iniharang ang katawan sa akin.

Paper Planes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon