Chapter 1

5 0 0
                                    

Diana's POV

"Hoy! Ano ba't ang bagal mo naman maligo Sabrina?! Male'late tayo nito!" Kinalampag ko ang pinto ng CR.

Paano ba naman ei mag-iisang oras na siyang nasa loob. Malapit na mag alas otso, 8:30 start ng first subject namin. Si Soleil nauna na kanina pang alas siyete kasi dadaan daw siya sa mansion.

Nag-alala na ako nang wala akong nakuhang sagot kay Sab. Agad kong chineck ang kalendaryo at yun nga, tama ako. Hinanap ko yung susi para sa pintuang ng CR sa drawer namin sa kwarto. Dali-dali akong tumakbo at binuksan ang pinto ng CR.

Pagpasok ko ay agad bumungad ang umiiyak na si Sab. Namimilipit siya sa sahig. Ganito talaga siya kapag first day ng period. Sanay na kami pero nakakapag-alala pa rin.

Binalutan ko na siya ng tuwalya, buti na lang at tapos na siya maligo. Inalalayan ko siya papasok sa kwarto at hiniga. Dahan dahan ko siyang tinulungan magbihis at mag-apply ng pad sa underwear n'ya. Hinandaan ko na rin siya ng hot compress tsaka binigyan ko na rin ng pain reliever at tubig.

Pinabayaan ko muna siya tsaka ko kinuha ang cellphone ko para tawagan si Soleil.

Soleil: Oh, hello! Ano?

Kung makasagot naman 'to parang kung sino lang ako ah.

"Nasa room ka na ba?"

Soleil: Oo, bakit? Kanina pa ako andito, antagal niyo.

Napaka reklamador -_-

"Excuse mo kami, inaatake ng period cramps si Sabrina."

Soleil: Naku, patay! May quiz tayo ngayon sa Contemporary.

"Kaya nga iexcuse mo kami para makapag take kami bukas."

Soleil: Oo na, sige na. Andito na si Mr. Fritz. Uuwi na lang ako mamayang tanghali.

Sabay baba ng call.

Bastos.

Sinilip ko si Sab. Medjo kalmado naman na siya kaysa kanina. Ganiyan talaga siya kalala magka-period cramps, hindi na makausap puro lang iyak.

Tumuloy na ako sa CR at naligo. Pakiramdam ko magiging napakahabang araw ng araw na 'to. Medjo pabor pa naman sana sa'kin na huwag pumasok para hindi makita yung maarteng Veronica.

Kahit ako hindi ko rin alam bakit ang init ng ulo nun sa'kin. Basta isang araw na lang, bigla akong pinuntirya nun tapos tinawag na malandi kahit wala naman akong ginagawa.

After kong maligo ay nagbihis na ako. Napansin kong marami na ang nakatambak na labahan namin. Dalhin ko na lang muna 'to sa laundry shop.

"Sab, dalhin ko lang 'tong labahan sa laundry shop. Okay lang bang iwan muna kita?" Paalam ko kay Sab.

"Okay lang Ana, kaya ko naman na." Ngumiti na siya, ibig sabihin ayos na talaga siya.

Bago ako lumabas, chineck ko na rin kung may stock pa yung ref at kitchen cabinets. Tama nga hinala ko, wala ng stock na groceries.

Lumabas na ako bitbit yung labahan at dumiretso na sa kotse. Pagdating ko sa laundry shop, inabot ko na lang sa nagtatao dun yung labahan tsaka umalis papuntang mall.

Nagtingin tingin na rin ako ng napkins kasi baka ubos na yung pads ni Sabrina. Dumiretso ako sa section ng instant goods. Masyado tong convenient kapag tinatamad kami magluto. Next is egg, kailangan namin to kasi nagma-muscle build up kami. Pero hindi naman ganon kalaki yung muscle namin sa mga nasa weightlifting contest.

Didiretso na sana ako kaso may lalaki sa unahan kong parang may-ari tong daanan. Di naman ako makakaikot sa likod ko kasi may tatlong namimili rin.

"Excuse me? Pwede paraan?" Ang bait ko na sa part na 'yan ah?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Those Rotten LiesWhere stories live. Discover now