Huwag po Itay!

84.5K 385 189
                                    

 Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking Itay isang gabi. Hinding-hindi ko  makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni’t maalinsangan ang simoy ng hangin.

Nagsusuklay ako noon sa loob ng aking silid. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa pinto ng aking kwarto. Nang sagutin ko ang pagkatok nya, sinabi nyang kailangan daw naming mag-usap at nakiusap syang papasukin ko sya.

May pag-aalinlangan binuksan ko ang pinto at siya’y kaagad na pumasok sa aking silid. Laking gulat ko nang ipinid nya at susian ang pinto. Kumabog ang aking dibdib. Kinabahan ako bigla. Natakot. Mabilis na hinawakan ni Itay ang aking kamay. Hinaplus-haplos nya ang aking buhok at ang aking mukha. Pinaraan nya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi, at sa aking mga labi.

“Itay…huwag po! Huwag po! Ako’y inyong anak! Utang na loob Itay!...”

Ngunit parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy nya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong Makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy nya ang kanyang ginagawa sa akin. MAriin ang aking pagkakapikit. Hindi ko magawang lumuha.

Bigla kong narinig si Inay. Sumisigaw sya habang binabayo ang nakapinid na pinto ng aking kwarto. Nagpupumilit syang pagbuksan ng pinto. Garagal ang naghuhumiyaw nyang tinig.

“hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin yan sa sarili mong anak! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan!”

Subalit wala ring nagawa si Inay. Hindi rin sya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin sa akin ni Itay.

Pagkalipas ng ilang minute ay biglang tumigil ang aking Itay. Iniharap nya ako sa salamin at ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin si Itay. Bakla pala siya. Ngunit hindi ako nagalit sa kanya, kundi’y labis akong nagalak sa galling at husay na ipinamalas nya. Naisip ko, matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at kapwa kami napaluha sa labis na kagalakan.

Masaya na kami ngayon at nabubuhay ng matiwasay.

                                                                                         Lovingly yours,

                                                                                                BADONG.


==================================================================

halaw mula sa aklat ng Retorika.

All Rights Reserved.

(c) 2013

==================================================================

hi! dedicated nga pala kay ate Rushelle! nyahahahaha. hi Idol! UD ka na po. puh-lease???? namimiss ko na si Mint!!!! T.T basahin nyo din story nya. The Virgin Writer by Crushyrushy maganda promise:) kikiligin kayo kay Mint for sure! pero no trespassing. akin na si MintXD si Yu Shirota kay ate Rushelle, pero akin si MintXD

-Mrs. Mariano

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Huwag po Itay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon