Unending

5 0 0
                                    


"Faded love is a reminder that not all stories have happy endings, but they still hold moments of beauty and growth."

Astrace and Psalm is a young couple living in Cavite. High school sweethearts sila kung matatawag, ehemplo ng pagmamahalan sa murang edad pa lamang at ang love story nila ay kinai-inggitan ng mga nakakakilala sa kanila.

Bata pa lamang nang magkakilala ang dalawa. Pareho'ng magkaibigan ang kanila'ng mga magulang kaya halos araw araw ay nagkikita at nagkakasama sila.

"Huhuhuhu, bakit ba ayaw niyo'ng makipaglaro sa akin?" Umiiyak na sinasabi ng bata'ng si Astrace. Pula'ng pula ang kaniya'ng mata marahil sa kakakusot nito haba'ng nakatingin sa mga bata'ng naglalaro sa play ground ng subdivision nila. Maikli'ng buhok at may bangs na sa sobra'ng ikli ay para'ng aabot na sa anit. Nakasuot ng makulay na bestida na pinart-neran pa ng sneakers na puti na may malaki'ng guhit, marahil ang ama ang pumili at panigurado'ng terno pa sila'ng dalawa.


Makikita ang maganda'ng mukha ng bata kahit pa puno'ng puno ito ng luha. Makikita rin sa kaniya'ng mga mata ang labis na sakit at katangunan kung bakit ayaw ng mga bata'ng ka edaran na siya ay makalaro. Nais lang naman niya'ng maranasan ang mga bagay na nilalaro nila. Sa isip ng mura'ng edad ay mas masaya ng may kalaro. Palibhasa'y only child lamang, sabik na sabik siya'ng may makasama habang naglalaro. Naghihimutok ito habang mahigpit na humahawak sa doll niya sa kanang kamay at ang kaliway kumakapit sa bestida'ng suot haba'ng nag aantay makalaro ang mga bata sa kaniya'ng harapan.

Bago pa man makapagsalita ang mga bata ay agad na dumating ang isa'ng bata'ng lalaki na nakasuot ng polo shirt at tokong na pinart-neran rin ng sapatos na may malaki'ng guhit sa gitna ng tela. Maputi ito at maganda ang gupit sa buhok na tila nilagyan pa ng gel. Kumunot ang noo nito at nagsalubong ang tila makapal na kilay haba'ng tumitingin ang asul na mata sa bata'ng si Astrace na hindi pa rin matigil kakaiyak. Lumapit siya rito at hinawakan ang likod na para ba'ng sinasabi nito'ng tumahan na siya sa simple'ng hawak niya.

"What's happening here? Why is Astrace crying?" Tila galit na tanong ng bata'ng lalaki sa mga bata sa harap nila. Agad naman napaiwas ng tingin ang mga bata'ng hindi nagsali kay Astrace sa laro. Kahit hindi nakatingin sa dalawa'ng bata ay nagsalita ang isa'ng bata'ng babae na may suot na bestida at may partner na head band na kapareho ng kulay ng damit niya'ng maroon.

"Eh kasi, Psalm, hindi naman namin gusto ang laro na makasama siya. Also, we only want to play with you because you're a boy so that you can act as my husband and we're already full in our family play. So wala na siya'ng pwesto dito!" Bigla ito'ng tumingin ng diretso sa bata'ng si Psalm at tila nakikipaglaban ng galit sa tigin pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Ramdam mo ang inis sa boses ng bata'ng babae. Sumang ayon naman ang iba'ng mga kalaro. Bumababa ang tingin ng bata mula sa mata ng bata'ng Psalm papunta sa mga kamay nito'ng humahagod pa rin sa likod ni Astrace at makikita ang inggit at sakit sa mata na nararanasan nito ngayon sa mura'ng edad.

Patuloy lamang sa pagiyak si Astrace at hindi na alam kung paano ba makakahinga ng maayos. Gusto lang naman niya'ng may makalaro. Am I not worthy to be their playmate? To be their friends? Ito ang tumatakbo sa isip ng bata'ng si Astrace.

Bigla'ng inalis ng bata'ng si Psalm ang kamay sa likod ni Astrace at inilagay ang huli sa likod niya na para ba'bg pino protektahan ito sa mga bata'ng nasa harapan, higit na sa bata'ng nagsalita kanina.

"I'm not gonna play with any of you. Also, I won't marry you. I will only love, care and marry Astrace!" Galit na napasigaw na si Psalm dahil sa inis na nararamdaman niya sa mga ito. Hindi maintindihan ng mura'ng edad niya kung bakit ayaw ng mga ito'ng makalaro si Astrace. Si Astrace na laging nakangiti, mahilig yumakap at tumawa nang mahinhin ay ayaw kalaruin ng mga ito. Ano'ng ayaw ng mga ito kay Astrace?

Severing TiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon