Chapter 9

6 2 0
                                    


Reklamo ako ng reklamo dahil hindi ko mabuksan ang gate, kalawang na ito at puro halaman na ang nakapaligid.

"Bubukas din yan ysa." Humihikab na sambit ni Bert.


Inirapan ko siya saka umupo sa tabi ni Chip na natutulog. May oras pa talaga siyang matulog!!


"It well open at exactly 12am." Aniya ni Bert


Hindi ko siya pinansin saka nagmukmuk sa tabi ni chip, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya dahilan para gumalaw ang braso niya, mas binabaan niya iyon para makahilig ako ng maayos.


"Tagal naman mag alas dose ng gabi." Reklamo ko


Hindi ako makakatulog sa lugar na to kaya naisipan kung tanungin nalang si Bert.


"Pwede mo na ba sakin sabihin kung bakit pumunta kayo ni Zira dito?" Tanung ko sakanya


Bumuntong hininga siya saka tumabi saakin. "Actually kasama namin si scobby nun and chucky." Tumigil siya ng sabihin niya ang pangngalan ni chucky. "The real chucky I mean." Tiningnan niya ako saka ngumiti.


Namilog ang mga Mata ko sa narinig, pano niya nalaman?


"Chucky's soul is stuck here." Tiningnan niya ang gate ng cathedral. "Katawan niya nalang ang meron kami and gamit iyon ni Chip na narinig ko kanina sa pangngalan niya."


"Pano naman si zira?" Tanung ko


Tumahimik siya bago sumagot ulit "I don't know.. magkasama sila ni scobby nun napahiwalay ako." Aniya


"Napahiwalay?" Tanung ko


Tumango tango siya "Ysa hindi si scobby ang kasama natin sa cooler kanina." Aniya na mas lalong kinamilog ng mata ko.


Umiling iling siya "hindi si scobby yun.. habang tinatago ko kanina ang cooler ay binuksan ko yun.." agad siyang tumahimik at nag masid sa paligid. "W-wala dun ang katawan niya."


Hindi na ako nakapagpigil pa at tuluyan nang umagos ang luha sa mga Mata ko. "Nag babalat tao sila ysa." Dagdag niya


Tiningnan ko siya sa mga mata niyang namumula na, na parang may pinipigilang lumabas doon na tila likido.


"Ikaw ba Bert... ikaw ba talaga yan?" Tanung ko


Hindi niya ako sinagot ng ilang sandali. "Yeah its me.." tipid niyang sambit


"Prove it then." Giit ko

Kinakabahan na ako sa puntong to, dahil baka isa itong trap at hindi pala siya si Berto.


"Nung time na naligo tayo sa ilog kasama sina zira at scobby and even chucky the real chucky to be exact.. tayo lang dalawa ang nakakaalam nun..." aniya na hindi ko parin ma accept.


Tumaas ang isang kilay ko naghihintay sa susunod na sasabihin niya. Bigla siyang tumawa na kinakunot ng noo ko. "Nakakatawa?" Giit ko


"Na may parehas tayong nunal sa pwet." Tumagalpak siya ng tawa "Yung sayo nasa kanan, yung akin nasa kaliwa oh ano naniniwala kana?"


Nawala ang kaba sa puso ko ng mapagtantong si Bert nga ito. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.


Una akong kumawala saka bumalik sa pagsandal sa braso ni Chip. "Pano mo nalaman na nandun ako sa basement?" Ani ko


Hindi niya ako sinagot "Anong nangyari sa bahay ni Zira bat ang gulo?" Pagpalit niya ng topic.


Hindi ko maiwasan na mangamba ulit, bakit niya ba kasi iniiwasan ang tanung ko?!!


Church SearchingWhere stories live. Discover now