PANGAKO

2.9K 114 18
                                    

PANGAKO

Nangako sila sa isa't-isa na hindi maghihiwalay, na kahit ano, kahit pa kamatayan ay hindi kayang humadlang sa kanilang pagmamahalan.

Dumating ang araw ng kanilang kasal naghintay siya sa simbahan para sa lalaking kanyang iniibig. Ngunit isang masamang balita ang kanyang natanggap.

"Hindi ito maaari, nangako kami sa isa't-isa.." panaghoy niya..

Lumipas ang mga araw, siya'y nawala sa sarili. Walang nakakaalam kung saan siya nagpunta, nawala siyang parang bula. Natagpuan na lamang siya sa lugar kung saan nakahimlay ang lalaking pinakamamahal.. Madumi ang puting traje de bodang suot niya, puno ng lupa ang mga kamay niya..

"Tumupad ako sa PANGAKO.. Walang makakapaghimalay sa atin.." paulit-ulit niyang bulong habang nakayakap sa naaagnas na bangkay..

BITS of HORRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon