One Great Love

13 0 0
                                    

Naniniwala ka ba sa " One Great Love?  " Yung meron isang tao na para sa'yo lang? na sa kanya mo lang puwedeng ibigay ang sarili mo nang buong buo? na sa kanya ka lang talaga magiging totoong masaya ?

 Yuck,ang corny

Lol :D

Pero ... why not? What if ?

Ang gulo ko naman ... ganito daw kapag nasobrahan mong manuod ng mga Koreanobela or mga masasakit sa dibdib na Korean Melodramas kung tawagin.Kakatapos ko lang kasi magbabad sa mga pelikulang Windstruck at The Classic for the 983,234,345th time kaya ganito ako ngayon. You don't know Windstruck and The Classic? Pfttt. Sige, take a moment para i-Google muna yang mga pelikulang yan. No Intrnet Connection ? Ano ka, Ice Age?

Moving On,kaya ko lang naman naisip 'yang " One Great Love " na kaek-ekan na 'yan ay dahil ilang buwan na akong possessed. In short, wala sa sarili. In shorter, praning. In shortest? Suicidal. Dahil ? sa lalake. Dahil? Gago ang mga lalake ( OK fine, hindi lahat ) At OK fine, OA moment ko lang na sabihing suicidal ako. Pero aminin mo, minsan nakaramdam ka na rin na parang guguho ang Pyramids of Egypt kapag iniwan ka niya. Kung hindi, manhid ka siguro or kung hindi, sa malamang hindi mo pa nami-meet si " One Great Love " na either mamahalin ka nang bonggang bongga or papaiyakin ka na parang $345,984,823 ang halaga ng bawat patak ng luha mo.

And no, this is not a lovestory. This is my attempt to understand the term " One Great Love "

Pa'no mo ba malalaman na ang meron kayo ay tinagurian nang " One Great Love? " Kapag ba (a) Masaya ka kahit na puro bagsak  grades mo basta ang mahalaga ay magkasama kayo? (b) Parang may mga paru-paru sa daanan niyo tuwing nag sostroll kayo sa Burnham Park? (c) Pipilitin mong magising magdamag para lang titigan siya sa pagtulog? or (d) Kaya mong i-give up ang lahat lahat para sa kaligayan ninyong dalawa?

May nabasa ako dating quote: " One cannot question the exsistence of feelings they are there, Row and Undeniable. But one can choose not to nurture what is felt .. yet no matter what they say, what has been felt will always be more honest than what was chosen "

Oha Oha, Huwag ka nang kumontra, unless makasawa ka din ng quote na mas matindi pa diyan. " Yung English din dapat " Pakiforward na lang sa'kin kung meron 0919876**** ( nilagay niya po talaga no. niya pero hindi ko na ilalagay :D ) And, no hindi ako naghahanap ng textmate Jologs mo ha.

Pero ang katotohanan diyan ko naintindihan ang " One Great Love ". Na hindi dahil sa 234,345,452 years na kayong mag-on ay siya na ang " One Great Love ". Dahil kung hindi siya ang " One Great Love " mo ay meron at merong darating na gigisingin ang natutulog na totoo mong damdamin. Dahil dalawa lang naman ang magpapatunay na  na-meet mo na si " One Great Love " mo, at heto ay ang mamahalin ka niya nang bonggang bongga at pagkatapos ay paiiyakin ka niya na parang $345,984,923 ang halaga ng bawat patak ng luha mo. Oo, inulit ko lang 'yung sinabi ko kanina. Suwerte mo kung mamahalin ka lang niya na parang Merry Christmas araw-araw.

 Si " One Great Love " ko ? Ayun ginawang Biyernes Santo ang araw-araw ko inaantay ko na lang na malunod ako sa sarili kong mga luha na parang The Great Flood Part 2. Minsan lang kasi kung gamitin natin ang ating mga puso. Minsan ka lang magmamahal na parang Happy New Year tuwing magkasama kayo. Minsan mo lang ipapagamit ang puso mo, hindi uso dito ang ukay-ukay. Pero hindi ibig sabihin na magiging mapili at mapagmatyag ka dahil lalo mo siyang hindi makikita. Hintay lang, magbabanggaan din kayo. Madadapa ka at pupulutin ka niya. Malulunod ka at bibigyan ka niya ng mouth to mouth resuscitation. Tatalon ka sana mula sa 689,895,489th floor pero hihilain   ka niya at aakapin nang mahigpit.

Minsan lang .. sayang, hindi ko naipaglaban 'yung sa'kin ....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

985,443,340Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon