4 - Chances

57 2 2
                                    

I am trying to call him but he's not answering my call. Nasa labas kami ng restaurant mag-aalas diyes na at di pa rin kami nakakauwi. Wala din masyadong dumadaang taxi at kung meron man ay may laman iyon. I looked at the kids — Sandy is already freezing. Si Forester naman ay maputla na.

Pinakiusapan ko ang staff ng restaurant na kung puwede ay papasukin sa loob ang mga bata habang ako ay naghihintay ng taxi. Pumayag naman sila pero hindi rin nakatakas sa akin ang awa sa mga mata nila at hindi ko gusto 'yon. Ayaw ko nang kinakaawaan ako.

I tried to rub my hands to make it warm. Naninigas na ang mga 'yon. Halos pumagitna na ako sa kalsada para hintuan ako ng mga taxi na dumadaan pero wala talagang gusto magpasakay sa amin. Magsasarado na ang restaurant ng alas onse at kapag nangyari 'yon ay papalabasin na ang mga bata. Nangingilid na ang mga luha niya. She's so desperate to go home. Kailangan nilang mag-usap ni Jimin.

Sinusubukan niyang huwag maiyak sa sitwasyon nila ngayon pero nag-aalala siya sa mga bata. Kung siya lang ay kaya niya naman pero kasama niya ang mga anak nila. Ayaw niyang magkasakit ang mga ito.

Dahan-dahan niyang ini-angat ang mukha niya ng may humintong sasakyan sa tapat niya. She's waiting for the driver to roll down the window to see if who is it. At no'ng magtama ang mga mata nila ay bigla siyang nahiya. Nakaramdam siya ng awa para sa sarili niya. Sigurado siyang alam na nito ang balita, nakita na nito ang trending sa Twitter. Pinagtatawanan siguro siya nito ngayon.

"Are you just going to stand there? Kunin mo na ang mga pamangkin ko at ihahatid ko kayo sa inyo."

It's Heaven.

Mabilis siyang kumilos at kinuha ang mga bata sa loob ng restaurant.

"I don't have a car seat for Sandy and Forester. Hindi kaya mahuli tayo nito? Nirentahan ko lang 'tong sasakyan na 'to."

Tanong niya sa akin. At do'n ko lang naisip ang sinabi niya. Pero bahala na basta ang mahalaga ay makauwi kami.

"Ayos na 'to. Bahala na basta ang mahalaga maiuwi ko sila."

Inayos ko ang seatbelt ng dalawa sa back seat. Pareho na itong inaantok kasi gabing-gabi na. Pagkasakay ko ay pinaandar niya na ang sasakyan.

Ilang minutong katahimikan. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya kami nahanap pero mas pinili kong huwag na lang itanong iyon.

"Heaven, the pictures —'

Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko ang pinutol na niya ito.

"Wala kang dapat ipagpaliwanag sa akin. Mas dapat kang magpaliwanag sa asawa mo."

Ilang minuto na kaming bumabiyahe pero napansin ko na hindi ito nagtatanong man lang ng direksyon papunta sa bahay.

"I visit you sometimes kapag nandito ako sa Korea. Sinisilip ko lang minsan ang mga bata. Nakuha ko kay Jimin ang address ng bahay niyo."

Mukhang nahulaan nito ang nasa isip ko.

"Bakit hindi ka tumuloy? Puwede ka namang pumasok para mas makita mo ang mga bata. Kilala ka naman nila."

Hindi ito umimik sa sinabi ko. Tutok na tutok ang atensyon nito sa pagmamaneho.

"Jake and tatay will visit next week. I hope you're still here that time para makakain naman tayo sa labas na kumpleto tayo."

"I'm not sure. May kailangan lang kasi akong ayusin dito kaya ako nandito ngayon. Soon I will go back to the US."

Hanggang ngayon ay malayo pa rin ang loob niya sa amin at hindi ko naman siya masisisi tungkol do'n. Si tatay ay gusto siyang makasama pero hindi naman ito umuuwi madalas ng Pilipinas.

Caught In A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon