This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The picture I used as book cover isn't mine so credits to the rightful owner.
"Alicia! Welcome back!" Ate Mariella exclaimed when she saw me. My smile grew wider at dali dali nang naglakad palapit sa kan'ya.
The Airplane just landed at si Ate Mariella ang sumundo ngayon sakin dito sa airport. She hugged me tight before grabbing my suitcase from me. Napatawa ako doon at s'ya din.
I spent 5 years in Canada. Doon ako nanirahan after ng nangyari. Philippines reminds me of bitter sweet memories but then, still good to be back.
"Grabe ang fit mo na lalo!" aniya at sinuyod ng tingin ang katawan ko habang namamangha. Puro work out ako doon e. Iyon ang pinagkakaabalahan ko kapag nabo-bored ako.
"Bunga ng paghihirap" I laughed. Sinundot n'ya ako sa tagiliran.
"Baka bunga ng break up!" tumawa s'ya ng malakas kaya hinampas ko s'ya.
Nang makarating kami sa bahay ay naroon na rin ang ibang relatives ko kaya agad ko silang niyakap isa isa. I don't have a parents anymore. They died when I was still 5 years old. Lumaki lang ako kasama ang mga tita ko.
"Okay kana ba, hija?" tanong sa akin ni Tita Julie nang maiwan kaming dalawa sa kusina dahil nasa labas na ang iba.
I smiled.
"Oo naman po. Tagal na din po e" sagot ko at ngumiti. Ngumiti naman s'ya pabalik.
Kinagabihan ay nagkaroon kami ng welcome party sa isang high-end club. Si Vien ang may-ari no'n kaya nakalibre kami. Halos lahat ng kakilala ko noong High School ay naroon kaya marami akong nakakausap. Hindi mataas ang alcohol tolerance ko kaya ilang shot palang ay tumalab na agad sa sistema ko. Hinila ako ni Vien sa dancefloor at nagsayaw kami roon. Bumalik din naman agad kami dahil nahihilo talaga ako.
"Oh, Dash you came!" si Vien.
Hindi ko na pinansin dahil naikot na talaga ang paningin ko. Nakapikit lang ako habang hinihilot ang sentido ko. Argh! I hate alcohol!
"You invited me. Nakakahiya namang hindi pumunta" saad nung lalaki.
Tumawa si Vien bago ako hilahin ng kaunti sa braso. Iminulat ko ang mata ko saka tumingin sa kan'ya. Napatingin din ako sa lalaking kausap n'ya. Tila nawala ang alak sa sistema ko nang makilala ang lalaking dumating. Bakit nga ba hindi ko pinansin ang pangalan n'ya nung sabihin kanina ni Vien.
"I invited him over, Ali. I know naman na you already moved on so his presence won't affect you anymore, right?" usal ni Vien sa tabi ko.
Napailing ako bago hilutin ulit ang sentido ko. Damn it! e ano naman kung moved on na ako? bakit kailangan pa n'yang papuntahin ang lalaking yan?
"Sakit na ng ulo ko, Vien. I need to go home" tanging nasabi ko.
Tumayo ako at muntik pang matumba ngunit nakabawi din naman agad.
"Dash, ihatid mo na si Ali" napatingin ako kay Vien at tinaasan ito ng kilay. She smiled "I can't take you to your house right now, Ali. Sorry, I need to entertain some VIP's pa e" paumanhin n'ya.
"I can go home by myself, Vien. Don't worry. Thanks for tonight" I smiled before leaving.
Hawak ko ang ulo ko habang naglalakad papunta sa elevator. Pinindot ko na agad ang button pagkapasok ko ngunit may pumigil no'n. Napatingin ako sa pumasok na lalaki at agad nahugot ang hininga. Tumingin nalang ako sa bawat floor na nadadaanan kesa intindihin ang lalaking katabi ko.
Lumabas na ako agad ng elevator nang makarating sa parking lot. He followed me right away. Inisip ko nalang na uuwi na rin s'ya kaya dumiretso din s'ya dito sa parking lot. Hinanap ko agad ang susi sa hand bag ko kaya natapilok ako. But before I landed to the floor, a firm arm wrapped my waist to prevent me from falling. Napatingin ako kay Dash at nagulat nang makitang sobrang lapit ng muka n'ya sakin. Natauhan ako agad kaya pinilit kong kumawala ngunit mas humigpit lang ang yakap n'ya sa bewang ko.
"Dash, let me go!" I said firmly. Hindi n'ya ako pinansin. Pinilit ko s'yang itulak pero hindi rin s'ya natinag.
"I'll take you home" aniya kaya agad akong umiling.
Ang kapal naman ng muka n'ya. And F.Y.I may sasakyan ako!
"I have a car with me! Let me fucking go, you asshole!" tinulak ko s'ya ng buong pwersa bago maglakad palayo. Kahit nahihilo ay pinilit kong ituwid ang lakad ko. Dash pulled me back kaya napairit ako ng konti.
"I'll take you home, you're fucking drunk Alicia" nagpipigil n'yang saad. Inirapan ko s'ya.
"Oh, you're worried about me!? I'm not drunk and I can still drive! Stay the fuck away from me, you two-faced idiot!" nangangalaiting sigaw ko. Dala na rin siguro ng alak sa sistema ko. Dumilim ang tingin n'ya sakin kaya medyo kinabahan ako.
Ano, galit s'ya! ako dapat ang galit dito dahil ako ang niloko n'ya!
"Watch your mouth, woman" seryosong usal n'ya.
I sarcastically laughed.
"Ano? totoo naman na two-faced ka! kapag kaharap mo ako lalaking lalaki ka at kapag wala ako, lumalabas ang pagkababae mo! You cheated on me with a fucking man, Dasher! And that man was Felix, my ex-suitor! at ngayon you're telling me to watch my mouth when in fact I'm just telling the truth! a truth behind your fucking dark secret!" sigaw ko ng buong lakas dahil na rin sa alak.
Pumikit s'ya ng mariin at tumingin sa'kin ng walang kung anong emosyon sa kan'yang mga mata. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko nang maalala ang nakaraan. They both betrayed me. Ang kakapal ng muka nila.
"I did not cheat on you, Ali. I can't do such thing you know that" ubos ang pasensyang giit n'ya. Lumambot ang ekspresyon n'ya nang makita ang pagtulo ng luha ko.
Akala ko okay na ako. Ang sakit parin pala.
"Please, leave me alone" pagmamakaawa ko dahil nanlalambot na rin ang tuhod ko at alam kong ano mang oras ay baka bumagsak ako at humagulhol sa harapan n'ya. I don't want him to see me in that kind of situation. Never.
"I can't leave you like this. Let me take you home" mahinang sambit n'ya ngunit umiling lamang ako.
"Stop. Stop talking and leave me alone. I don't need you anymore. I don't need anyone like you. You're ruining me again" matigas na saad ko bago s'ya talikuran at naglakad palayo.
Don't make me play your dirty game anymore.
--
YOU ARE READING
Why does it have to be you?
RomanceEvery glance conveys a distinct message. Every motion attempts to communicate something. Can you accept what he is trying to say? Of all the people in the world, why does it have to be him?