Poor

106 2 0
                                    

 CHAPTER 1

                Poor

 3rd year college na ko at business ang tinetake kong course, active din ako sa school activities. Sa isang private at prestigious school ako nakapasok, scholar at kapapanalo palang bilang isang Student Council President! Astig di ba?!! Pero minsan ang perfect na buhay mo sa school hindi all the time, kasi may mga darating na kontra bida na hindi mo inaasahan.

“Good morning to each and every one of you! I ‘am your Student Council President, Sandra Castillo! Expect this year that all of you will excel not only in your academics but also on your extra-curricular activities. We, the Student Council will do are best do give you what you’ve want while in here at school.”

Nagpalakpakan ang lahat at mga nakangiti dahil sa mga sinabi ko, ako naman sobrang kinakabahan pero masaya. Nose bleed kaya, English eh?!!! Hehehe, joke lang, at tinuloy ko ang speech ko.

“Please cooperate with us so that together we will rise among others! Thank you and have a good day everyone!”

Nagpalakpakan lalo sila, yung mga classmates ko humihiyaw pa. Ayos na sana ang lahat ng biglang……….

*clap* *clap*

“Well done Ms. President! Ang galing mo!” sabi ni Maggy, isa sa member ng pink perfect

[A/N: pink perfect means grupo ng mga babaing sobrang arte at mayayaman na allergic sa mahihirap]

“Maggy what’s going on?” sabi ni Ms. Guevarra, teacher namin sa physics

“Miss excuse for a moment I have something to announce!” maarteng sabi ni Maggy

Ha?!! Announce? Eh hindi nga siya nagpaalam sa amin! Nagkatinginan tuloy kami ng mga kacouncil ko!

“Listen every one! Our president is a liar!!” nashock ang lahat sa sinabi ni Maggy, ha?!! Ako liar? Bakit?

“And oh! An imposter too!” dagdag niya, aba teka namumuro na ‘to ah?!! Anung problema nito?

Bigla akong nagsalita sa microphone, “Excuse me Ms. Maggy Stewart, if you have something to say about  me, let’s talk about it later. Not in the public.” Sabi ko, kanina pa nag-ienglish eh! Sabayan ko nga!

“No! No Ms. President! I will tell why, here in this crowd!” sarcastic niyang banat!

“Ms. Stewart, please stop all of this drama!!!” pag-awat ng assistant dean namin kay maarteng Maggy

“Shut up Mr. Rodriguez! Or else I will fire you!” napahinto si Sir at nanahimik, ang lakas ng loob niya, porket isa ang parents niya sa major holder ng school na ‘to. Kung ganun ganunin na lang niya ang mga professors namin.

“And you Ms. President, or should I say, Ms. Imposter/Liar! Get out on this school!”

Ha?!! Bakit? Pagtataka ko!

“But why Ms. Stewart? Why are you so angry?”

“We have rules here at school and being popular have responsibilities and requirements as well!”

Requirements?!! Anu yun?

“And what is it?!! Tell me!”

“That a popular student must be pretty, smart and rich! And you know what?!! You’re not a rich kid as we ever knew, you lied to us!”

Nashock ako at nagalit na,

“I’d never tell that I’ am rich? And I’d never act as one! I have no responsibilities on telling all of you on my status in life, you’d never ask me anyway. I’ am not a liar nor an imposter!”

“Well Sandra! It’s your duty! We set the rules here at school and we don’t like poor individual like you! So, if you have some manners remaining, give your position for someone who deserves to be! Or else, your scholarship will be at risk!” tapus ngumiti ng pangdemon

Tumakbo ako palayo sa lahat, umakyat ako sa rooftop ng school at dun bumuhos ang luha ko. Ang sama niya, ang sama nila! Walang karapatan maging popular ang isang mahirap na katulad ko?!! Bakit? Dahil dumi lang kami sa paningin nila? Dahil ba wala kaming alam?!! Ang sakit na ng dibdib ko kakaiyak at hirap ng huminga pero ayaw paring tumigil ng luha ko!

“Ang sakit sakit! Bakit ganito? Napahiya ako, nainsulto, at gusto akong tanggalin sa pagiging presidente ko?!!, hay grabe ang ganda ng araw ko!! Ahhhhhhhhhhhh!!!!” sigaw ko habang umiiyak

Biglang may kumaluskos sa sulok at napatingin ako banda dun

“Ang ingay naman oh?!! Tama bang dito sumigaw?!!” boses yun ng lalaki, bakit may tao dito?

Lumabas siya bigla dun sa sulok na pinagtataguan niya, at laking gulat ko na si Jerome Vasquez ang lumabas. Isa siya sa pinaka sikat sa school dahil bukod sa tennis player siya na ilang beses ng naglaro sa abroad at nanalo ng 1st place, sikat siya sa mga babae dahil gwapo siya! At oo kahit ako nagagwapuhan sa kanya, pero wala ako sa mood para kiligin.

 “Miss, kung may problema ka, sarilinin mo na lng, kasi nakakaistorbo ka eh?!!” irita niyang sabi

“Hindi mo ‘to pag-aari nuh?!! Kahit sinu, basta estudyante ng eskwelahang ito, pwedeng gawin kung anung gusto niyang gawin dito!” pasigaw kong sabi

“Wala ka sa bahay mo para gawin kung anung gusto mo, nasa school ka at may mga rules and regulations na dapat mong sundin nuh?!!”

Natahimik ako, tama siya. Napaka ko talaga, wala nako sa kundisyun para makipagtalo, umiyak na lang ako ng nakatalikod sa kanya para ‘di niya makita. Maya maya may panyo siyang inabot sa akin na kulay blue.

“Kunin mo na, minsan lang ako mag-offer ng ganyan, maswerte ka!” yabang niya

Tumingin ako sa kanya “hindi ko kailangan yan, baka hanginin pa ako kapag ginamit ko yan eh!”

“Dali na! dami pang arte eh!!” pinilit niyang ilagay sa kamay ko yung panyo sabay  alis

Ang weird, kanina nagtatalo kami pero sa huli naging mabait siya sa akin. Umiyak ulit ako dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina at this time ginamit ko yung panyong binigay niya.

5 in 1 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon