Secret Admirer part 2

4 0 0
                                    

Hi! I'am back, medyo natagalan lang sa pag-update dahil sa ssssoooobbrang pagkabusy, pero tatapusin ko na talaga 'tong mga story ko. Nawa'y hindi kayo magsawa, kamsa..:) Papalitan ko narin pala yung mga characters ko dito as in FF na ito ng ibang member ng EXO, hehe. Pacencia na, thank you ule.













[Sandra's POV]

Hinatid na ako ni Stephen pauwi, masaya kaming nagpaalam sa isa't isa. Nang makaalis na siya ay sinalubong ako ni mama,

"Oh bakit hindi mo pinapasok dito si Stephen?"

 


"Uwi na daw po siya ma, may reporting daw po kasi sila bukas sa isang subject nila. Hi daw po sabi niya, at sorry daw po kung hindi na siya makakapag-greet sa inyo."


 

"Napakasweet ng batang yun at napaka-galang pa. Tara na anak sa loob, kumain na tayo ng hapunan."


 

"Opo, ah ma!" napahinto si mama ng tawagin ko siya para pumasok sa bahay,


 

"Bakit anak?!"


 

"Si S-stephen po, ahmmn, nagsabi na po siyang manliligaw sa akin. Umamin po siya kanina." Kinabahan akong aminin yun kay mama, hay panu naman kay papa niyan.


"Oh mabuti naman, akala ko patatagalin pa niya eh. Hahahaha!" ngiting tagumpay ang mama ko, ha? Anung ibig sabihin nun? Mabuti naman? Bakit?


"Ah ma, anu pong ibig sabihin nung 'mabuti naman' na word? Alam niyo na po yung balak niya?"


 

"Anak nagpaalam na siya sa amin ng papa mo nung nakaraan lang"

Balita na sa buong school ang pag-amin ni Stephen sa akin kahapun, at oo trending kami sa buong school. Panu naman daw hindi, eh pareho kaming popular dito sa school at parehong nasa student council, kaya naman kinikilig sila. Marami pa nga akong narinig na tama daw sila ng hinala, hahaha may ganun pala. May mga nagcongrats pa sa akin, para san naman yun? Eh hindi ko pa nga sinasagot? Hahaha. Yan tayo eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5 in 1 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon