MY DREAM

147 7 13
                                    

Author's Note:
Hello to you readers! I just wanna share my dream while I'm sleeping. Haha. Medyo weird ang panaginip ko at magulo kaya intindihin niyo na lang. Haha oh well, I don't care. Gusto ko tong i-share sa inyo dahil kinikilig lang talaga ko. Isinulat ko ito para kahit mabura na sa isipan ko, I can still remember and read it with the help of wattpad. Yun lang. Here it goes.

PS: Yung mga pangalan ng kasama ko sa panaginip ko ay hindi totoo. I used to name them in their initials. I really don't know who are they in my dream. Haha

-hottiekhimy
------------------------------------

June 4, 2015 (Thursday)

MY POV

(School Garden)

"Uy. Paano na yung project natin?" Tanong ko kay J.

"Oo. Gagawin na natin mamaya." sabi niya.

"Siguraduhin mo lang." sabi ko.

Tinignan ko kung saan siya nakatitig. Btw, nandito nga pala kami sa bridge.

"Anong tinitignan mo dun?"

"Nakikita mo ba yung parang looban dun?" Tanong niya.

Tumango ako tinignan siya na nakakunot ang noo.

"Anong meron dun?"

Tinignan ko ang nakasulat dun na may nakalagay na "NO STUDENTS ALLOWED."

"Curious lang ako kung ano meron dun." Sabi niya at bago pa ako mag-react nakaalis na siya papunta dun.

Tumakbo ako at sinundan siya.

"Uy!!! Mas uunahin mo pa ba yan kesa sa project natin ha?"

Tumakbo lang siya ng mabilis kaya wala akong nagawa kundi sundan siya. Pagkatakbo ko..

*BOOGSH*

"Aray. Huhuhu tuhod ko." Daing ko.

"Tangina naman kasi. Bakit mo ko sinundan ha?" Aniya habang naglalakad papunta sakin.

"Oh ano? Patingin nga ko ng sugat mo. Kaya mo pa ba maglakad?" Tanong niya.

"Ahh oo." Sabi ko.

Naglahad siya ng kamay para makatayo ako. Naglakad kami papunta dun sa looban. Nakaakbay lang ang braso niya sakin at naaabot ng kamay niya ang braso ko para maalalayan ako maglakad. Ang itsura namin dalawa para kaming couple na naglalakad sa park.

Huminto kami sa may parang open narrow road. May nakita kaming matandang lalaki na masama ang tingin samin.

Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at hinigit na ko paalis dun.

(AN: Hahaha ang weird diba? Okay lang kung ayaw niyo ituloy. IDC hahaha)

Weird nitong lalaking to. Bakit kaya namin tinakbuhan yung matandang lalaki?

Inalog ko ang kamay ko nang nakarating kami sa bridge dahil nakahawak pa rin siya.

Tinignan niya ang kamay niya at nagulat siya kaya inalis niya agad.

Nagpaalam na siyang umalis para asikasuhin ang project namin.

Pagkaalis niya, sinubukan kong puntahan ang looban na pinuntahan namin.

Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa puno. Gwapong lalaki. Pinuntahan ko siya at tumabi sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Bawal estudyante dito ah. " Tanong niya.

"Alam ko." Sabi ko.

"Ang magic dito sa looban ng garden na ito, pag may nagbigay sayo ng bulaklak mamayang alas sais ng gabi, ibig sabihin ay, totoong mahal ka ng taong yun." Sabi niya at biglang naglaho.

Totoo kaya yun? Napailing na lang ako habang naglalakad pabalik sa booth namin.

Nakahandle sa akin ang survey sa mga bumibili. Books ang nakatoka sa booth namin.

Sa sobrang busy ko di ko na natignan ang cellphone ko at tama nga ang hinala ko na may nag text. Isa kay Papa at isa kay J. Nireplyan ko muna ang text ni papa.

Binuksan ko ang text ni J at nagtataka ko sa text niya.

J: Punta ka dito sa bridge.

Ako: Okay.

Bago pa ko umalis biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kinuha ko ang payong ko sa bag at sinukbit na sa balikat ang bag ko.

Nagpunta ako sa may bridge at nakita ko si J na nakatayo.

"Bakit ka nagpaulan?"

"Oh." Sabi niya sabay binigay niya sa akin ang isang bulaklak at hindi makatingin.

Bigla ko naalala ang sinabi nung lalaki kanina. Tinignan ko ang orasan at nakita kong 6:00pm na.

"Matagal ko na sayong gusto sabihin toh. I'm not good in these words but I think na-fall na ko sayo. I-I love you." Sabi niya.

Niyakap ko siya at nabitawan ko na ang payong ko. Hinayaan ko ng mabasa kami ng ulan.

"I love you too."

THE END.

Ang Nakakakilig Kong Panaginip (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon