Prologue

27 1 0
                                    

Si Meredith Tan ay isang hopeless romantic na babae. Naniniwala siya sa fairy tales. Naniniwala siya sa happy ending. Sabi nga niya, kung hindi ka pa happy hindi pa yun ang ending. Lubos niyang minamahal si Oliver Dawson ang kanyang bestfriend, pero hindi alam ni Oliver na higit pa sa pagkakaibigan ang pagmamahal ni Meredith sa kanya. Walang siyang lakas ng loob na ipagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman sa binata dahil natatakot siya na hindi sila parehas ng nararamdaman. Ayaw niya kasing ma-reject. Takot siya sa rejections. Kaya hangga't kaya pa niya, itatago na lamang nito ang tunay na nararamdaman sa binata.




Ngunit ng mag 2nd year highschool sila kailangan ng umalis ni Oliver ng bansa at doon na lamang niya ipagpapatuloy sa America ang pag-aaral. Nalungkot si Meredith ng nalaman niya iyon bukod sa nag-sosolong anak siya, wala na siyang ibang kaibigan kundi si Oliver lamang. Pinangakuan naman siya ng binata na babalik siya hindi lamang niya alam kung kailan pero babalik siya.




Pinanghawakan niya ang pangakong iyon at siya'y hindi nagsasawang mag hintay sa pagbabalik ng binata.





My Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon