Chapter 1

16 1 0
                                    

Natigilan ako sa kinakain ko ng may sumundot sa tagiliran ko. Pag lingon ko si Ada na nakanguso ang nabungaran ko.



"What?" I asked.



"Hellooooooo. Kanina pa kami usap ng usap dito, para lang kami nakikipag-usap sa hangin. Tulaley kana naman diyan." Reklamo ni Ada.



"Sorry. Ano ba yun sinasabi niyo?"



"Girl, si my loves ko kasi mag pe-perform bukas sa gym. Alam mo na kailangan todo support ako sa kanya, kaya kumuha na kami ni Ada ng tickets natin kasi for sure magkakaubusan ng bangko doon bukas." Hyper na sabi ni Kyle.



"Ummm. Sure." Tipid kong sagot. Todo hiyaw naman nung dalawa sa pag payag kong sumama sa kanila.




Silang dalawa lang ang kaibigan ko simula tumungtong ako ng college. Si Ada at Kyle I mean, Kyla pala. Binabae kasi siya. Once na tawagin mo siyang Kyle nagagalit siya. Silang dalawa ang kasa-kasama ko sa lahat-lahat simula ng mag kolehiyo parehas din kasi kami ng course. Parehas na fashion designing ang kinukuha namin. Gusto kasi ni mommy sundan ko ang yapak niya si Daddy naman may sarili rin siyang business which is may ari siya ng company. Solong anak lang ako at itong dalawang kaibigan ko ay tinuturing ko na rin na parang kapatid. Parehas kaming galing sa mayayaman na pamilya pero hindi namin ito ginagamit sa kayabangan. Hindi rin naman kami ganoon ka-sikat sa school dahil ayaw rin naman namin ng attention.



Masaya silang nagkwekwentuhan habang ako nakikinig lamang ng may narinig kaming tikhim sa likod. Sabay-sabay kaming lumingon.



"OMG! Baby Lance! Nandito kana pala, sorry baby hindi na kita nahintay kumain ang tagal mo naman kasi yung anak natin nagugutom na kaya nauna na akong kumain." Irit ni Kyle. Nag takip naman kami ng tenga sa kaingayan ng baklang 'to.



"Maka-baby ka naman bakla ka wagas. Mandiri ka nga oy. Wala kang matres kaya mag tigil ka diyan." Pang-aasar ni Ada. Natawa naman kami sa pag nguso ni Kyle, ang gwapo talaga nito sayang at naging bakla pa siya.



"Lance, why are you here? Sisilay kana naman ba kay Meredith?" Tukso ni Ada. Mag pinsan silang dalawa at matagal na rin may gusto sa akin si Lance. Hindi rin siya nahihiya mag sabi ng nararamdaman. Kung tutuusin hangga't hindi mo siya napapansin hindi siya titigil. Dahil sa kakulitan niya, naging close ko na rin siya. Mabait naman siya kaya nga lang may pagkapilyo. Gwapo naman si Lance kaya lang may mahal na kasi akong iba e. Hanggang ngayon kasi siya pa rin ang mahal ko at hindi ako magsasawa mag hintay sa pagbabalik niya.



"Hi, babe. Balita ko panonoorin mo ako bukas ah. Ikaw pa daw kauna-unahang bumili ng ticket para nasa pinakanguna kayo. Babe wag ka naman ganyan kinikilig ako e." Sabay pisil niya sa ilong ko. Natawa naman ako.

My Hidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon