Babala:
Expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and etc.
Chapter 2
A I R A H POV.
Hinayaan ko ang pag-agos ng malamig na tubig sa aking katawan. Napapikit ako at hinaplos ang peklat sa aking balikat. Mahapdi ang ibang sugat ko na nasa likuran na hindi pa naghihilom. Malungkot kong pinagmasdan ang sarili sa kaharap kong salamin.
Hanggang ngayon umaasa akong bumalik ang mga alaala ko. Nang malaman ko kung ano ang ginagawa ko dito. Kung sino ang lalaking kumupkop sa akin. Ilang buwan akong naospital dulot ng isang aksidente ang sabi ng doktor okay na daw ako.
Narinig kong may kumatok sa pintuan hinayaan ko muna ito. Nang matapos ay agad kong itinapis ang tuwalya sa aking hubad na katawan. Narinig ko ang pagclick ng pintuan , lumabas na ako ng banyo ngunit laking gulat ko nang makita kong nakatayo ang lalaking gumugulo sa aking isipan.
Binalot ng takot ang aking sistema. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tuwalya. Nanginginig ako sa lamig ngunit hindi ko yun ipinahalata sakanya.
"A-anong ginagawa mo? Bakit ka pumasok agad? " nauutal kong tanibg sakanya. He smirked.
" What are you doing here?" ulit kong tanong sakanya. Humakbang siya papalapit sa akin nakaramdam ako ng takot bigla dulot na rin sa walang emosyon niyang mukha.
"Balak mo bang magpakamatay? The maids are all worried. At wag kang pa feeling señorita dito. Kailangan mong maglinis bago ka kakain. Gawin mo ang ginagawa ng isang katulong sa bahay. Understand?"
"Ano?" Mahina kong tanong sakanya. "Magiging katulong mo ako?" hindi makapaniwalang sabi ko.
He smirked. " Bakit ayaw mo? Katulong naman talaga kita dati pa" Nagulat ako sa sinabi niya. Katulong pala ako dito?
"Ngunit hindi pa naghihilom ang mga sugat ko. Nanghihina pa ang katawan ko."
"I don't care. Gagawin mo ang gusto ko maliwanag?" Malamig niyang wika. Tinignan niya ako ilang saglit at bigla nalang nandilim ang paningin niya.
"Kumain ka na. Wag mong hintayin na magkasakit ka ayoko ng may nagkakasakit sa bahay." Tumalikod na siya at akmang aalis na pero nagsalita ako na ikinatigil niya.
" Bakit ka galit na galit sa akin. What did I do to you? Baka...baka sakaling may magawa pa ako para mapatawad mo. I really can't remember you and my past." Humina ang aking boses sa huling salitang aking binitawan. I really want to know my past.
" You want to know your past? " Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan. Sasabihin na niya talaga? Nakatalikod pa rin siya sa akin at hindi na ako hinarap pa at nagpapasalamat ako dun dahil sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay hindi ako nagiging kumportable.
" You're a slut, and a bitch. You destroyed me." Galit niyang sabi nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Ano ba talagang nagawa ko sakanya?
"I'm what?!"
"You heard me clearly , woman. Don't let me repeat." Aniya saka tuluyan akong iniwan sa kwarto. Pinanood ko na lamang siyang papaalis. Sana ay mapatawad mo ako kung ano man ang nagawa kong mali. Sana...
Napatingin ako sa ibang mga katulong na panay ang tawa at biro sa akin. Mababait sila sa akin kaya naman napalagay agad ang loob ko sakanila. Napailing ako ng sundutin ni Hara ang tagiliran ni yaya Neneng napaigik siya at tinampal ang kamay ni Hara. Pinagpatuloy ko ang paghihiwa ng baboy.
Tinutulungan ko sila sa pagluluto ako ang tagahiwa ng baboy at sila na ang bahala sa iba. Napatingin sa akin bigla si Ida tila sinusuri ang mukha ko. Nginitian ko lang siya. Naisip ko lang mahilig kaya akong magluto nung hindi pa ako naaksidente? Nasisiyahan kasi ako sa pagluluto. Parang napawi lahat ng lungkot ko.