Miss Day Dreamer

2 0 0
                                    

Ako si Ren. Ang babaeng mahilig mag daydream. Palaging nag iimagine ng mga bagay na gusto kong mangyari in the future.

Tulad ng pag amin ni Kris sakin. Si Kris? Siya yung ultimate crush ko. At aabot na ng limang taon ang pag iimagine ko na magiging kami and I believe, mangyayari't mangyayari yun.

Parang kasi this past few days palagi kong nahuhuli si Kris na tumitingin sakin. Siguro sign na din yun na may feelings din siya sa akin.

"Ano na naman ba ang iniisip mo at hindi ka nakikinig samin ha?"

"Sino pa?! Edi si Kris na naman!"

"Sshhh! Wag nga kayong maingay! Kayong dalawa talaga! Pano nalang kung marinig ni Kris?! Edi hindi na suspense pag umamin na siya sakin? O kung ako ang umamin sa kanya. Diba?"

Agad namang umirap ang dalawa. At talagang sabay pa ha?!

"Tsk. Malala na yan Ren"

"Sabi ko sainyo dalhin na natin siya sa Mental eh! Ayaw niyo pa kasing maniwala sa magandang tulad ko!"

"Tumahimik kayo! Lalo ka na Nami! Mas maganda ako sayo!"

Pagmamaktol ko sa dalawa kong bff.

"Speaking of... Ayan na pala ang kinaadikan mo Ren"

Kkyyaaaahh!! Ayan na siya. Kailangan ko nang mag paganda. Baka kasi maturn off siya sakin.

And wait. Papunta siya ditoo! Sabi ko na nga ba crush niya din ako eh!

Ayan na! Malapit na!

"Hi Ren!"

OMG. im gonna die! Ren? Ako yun diba!

"Ah.. H-hello Kris"

"Sus! Nautal pa!"

Ayy! Napakaingay talaga ng dalawang to.

"ssshh! quiet!"

Hinarap ko sila at tinignan ng masama. Yung tinging "Isa pa at mapapatay ko kayo" look.

"Ah Ren? Pwede ba tayong mag usap? Yung tayong dalawa lang?"

Sabi niya at sumulyap sa dalawang kaibigan ko na nakangiti.

Ha! Alam ko na to eh! Nabasa ko to! Sure akong kinuntsaba niya yung bestfriends ko dahil may surprise siya sakin at aamin na siya! Eto na talaga!!!

"S-sure! San ba?"

"Dun na lang sa food court"

Oo! Para matagalan tayo at maka prepare sila? Hmm! Excited nakoo!

Pumunta kami ni Kris sa foodcourt at nag order siya ng pizza at iced tea. tig isa saming dalawa.

"Salamat Kris. Your so kind"

Sabi ko at ngumiti sa kanya nang pagkatamis tamis.

"Welcome Ren. Ahm Ren. Pwedeng pahingi ng favor?"

Sus! Kinilig naman!

At tsaka wow ha?! Favor? Meganun?! Di ko alam to ah. Anong klaseng pag amin to.

"Sure! Anything for you."

"Ahm. Matagal na ba kayong magkaibigan nila Nami at Sheera?"

Kkkyyaahh! Dream come true!

"Oo Kris. Lalo na si Nami. Bff ko yun"

Ang dami pa talagang paligoy ligoy ng future boyfriend ko! Siguro natotorpe.

"Talaga?! Mabuti kung ganun. Ahm Ren?"

"Yes? Kris?"

Etooo na!! Kkyyaahh! I love you too!

"Pwede mo ba kong tulungan kay Nami? Gusto ko kasi siyang ligawan."

A-ano? S-si Nami? Hindi a-ako?

"Please Ren? Matagal ko na kasi siyang gusto eh. Kaso lang nahihiya ako"

Hindi ko alam pero sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang tinusok ng karayom yung puso ko ng paulit ulit.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Siguro sa sobrang sakit automatic silang tumulo.

"R-ren? Are you okay?"

Agad kong pinunasan ang mukha ko at nginitian siya.

"Oo. okay lang ako. Siguro sa pizza to. may sibuyas silang nilagay? hehe"

Tama nga sila. Hindi tama ang umasa. Dahil kakambal nito ang sakit. Sakit na malamang may minamahal siyang iba. At ang mas masahol, bestfriend ko pa.

Siguro lesson learned narin to sakin. Na hindi lahat ng panaginip, nagkakatotoo. lalo na ang kathang isip mong panaginip.

Mas mabuti nalang maging manhid kesa sa maging sobrang assumera katulad ko.

END

AN: Naramdaman ko to! Swear. Ang pagiging daydreamer.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Day DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon