Happened before nung nagwowork pa ko sa Call Center around Ortigas. Medyo boring ung araw na un kasi wala naman gawa tsaka nagaantay na lang kami ng oras ng uwian.. Nagkwento bigla yung TL namin. Tawagin na lang natin sya sa name na "Rick". He told us back then, when he was 15, sumali daw siya sa Youth Group. Maganda naman daw yung group na sinalihan nya kasi maraming kakaibang activities, tska games, events, at mga turo. Dahil daw sa bata pa lang siya that time, at ramdam niya yung sincerity ng mga kasama, mga "kuya" at "ate" niya dun, he treated everyone as "real sisters and brothers". Sobrang nag-enjoy siya sa group na yun dahil talagang ang lakas ng bonding ng bawat isa.
They even announced that "They're one real family" So, sobrang nagpasalamat sya sa mga yun dahil first day palang, talagang ipaparamdam daw nila sayo na hindi ka magiisa even if napakamahiyain daw nya noon. Halos lahat daw dun sa group nagiging close nya pati na rin sa mga proctors nung mga time na yun.
After nung 3-day event na yun, na-feel niya daw na naging malinaw sakanya ang lahat. Para daw siyang na-cleansed at ready ng tumulong sa iba at magrecruit pa ng maraming kabataan para sa ikagaganda ng lugar nila. Kung sasama lang daw yung ibang youth sa group nila, hindi sila mapapariwara. Andami daw doon na street children na nagbago yung perspective and path sa buhay nung nasali doon. Natatawa kami nung time na yun kasi yung kwento nya dapat masaya siya pero ang serious nya. Pero may grabeng dahilan pala.
Habang naglalakad daw sya palabas, yung tatlong proctors nyang guys e asa harapan niya lang. Medyo malayo din yung distance nila sa isa't isa kaya understood naman na hindi sya mapapansin nung mga yun and busy sila sa kwentuhan nila. Narinig niya yung usapan and ang topic? Yung mga ka-proctor din nila. "Si ganito daw parang gago kanina. Ang ayos-ayos daw ng pagkakasabi nya pero parang ang bobo daw ng mga pinaggagawa tska kung ano ano pa daw mga dinahilan..blablabla" and other b.s. stuff.. Ganun din yung the rest, sambulan sila ng mga kaplastikan sa loob.
So siya, bilang bata pa sa buhay-labas, na-shocked sya, and learned life the hard way. The fact na kakatapos lang nila magdasal then maririnig mo yung mga ganyang sa mismong mga "kuya" mo na dapat na magserve as the role models, Na-disappoint sya. Kinwestyon niya yung sarili niya kung sasali pa daw sya sa susunod at kung talagang legit yung motto nilang "One real Family" kasi ibang-iba yung na-experience nya nung asa loob sya. So parang ang dating eh parang artista lang pala sila. Dun niya daw unang nalaman na "Life is a b.tch". Which is true. Siguro kaya din siya naging team leader namin eh, nahasa na siya sa ganyang mga bagay. Naging mas observant siya sa mga tao dahil sa mga experience nya.. Hayy... iba talaga nagagawa ng experience. Either make you or break you.
From afar, nakita niya yung tatlo na binatuhan lang ng pera yung pulubi. (Yep, you heard that right). Imbis na ibigay, binato. Kitang kita nya daw na tumama sa mukha nung pulubi yung mga baryang binigay nila. Grabe diba? Maitim na Maitim daw ung pulubi and malalaki yung tenga kaya siguro parang pinagtripan nila. Yung pulubi daw hindi tinanggap yung barya, binato rin sakanila. Tapos imbis na hindi pansinin, pinagsisipa daw nila yung Pulubi. Grabe. Paano nila nagawa yun ? Yung mag front na mababait sila sa mga tupa nila tapos pagtalikod, in an instant, they will act like a complete ass. Such a Cruel World.. Habang padaan na si Sir Rick dun sa dadaanan nila nagbigay lang siya ng konting pera pero di niya daw alam gagawin niya kasi sobrang na-stunned sya sa mga turn ng events. Yung pulubi.. yung mata nung pulubi, awang-awa daw siya doon kasi parang nangungusap daw yung mga mata na parang paiyak na. Pero hindi niya talaga alam ang gagawin 'cause what do you expect? Bata pa lang siya noon.
Gusto daw niyang balikan yung pulubi the next day. Bibigyan niya daw sana yun ng maraming pagkain and magsasabi ng sorry, hoping na kausapin sya and who knows?, maging kaibigan nya pa un. So un nga, the next day, nagdala siya ng Tupperware na punong puno ng laman ng favorite niyang pasta. Tingin niya daw magugustuhan ng pulubi yung luto niya dahil ilang beses nya daw tinikman yun at pinasarap pa lalo kasi sobrang na-guilty sya sa nangyari nung araw na yun. So ayun na nga, papunta na siya sa sidestreet pero pagdating niya dun, nababalutan na ng mga diyaryo yung pulubi, hindi na gumagalaw. Syempre di na niya hahayaan daw yung sarili niya na mag-chickened out so pumunta siya sa kung sino mang officer malapit dun. Sabi naman natawag na daw sa baranggay yun. Pero kanina pa daw nila tinawag yun nung umaga pa, eh magtatanghali na. Medyo nalungkot ako kasi paglabas ng workplace palang, marami ka ng makikitang ganyan. Paano kaya sila pag nawala na sa mundo? Saan dadalin yung katawan nila, Sure may kukuha nung labi nila pero san naman kaya yun dadalin?.. wala naman silang memorial plan and ibang relatives na makakakilala sakanila. Ni wala nga silang identification.. nakakalungkot lang isipin. Sana may ginagawa yung government natin para dito. Sana nabibigyan sila ng disenteng himlayan kasi nakakalungkot na nagpakahirap sila for the rest of their lives then at the end, baka itapon lang din sila kung saan. I hope I'm wrong.
So yun, napansin din ni Sir Rick yung mga baryang bumagsak sa lupa. Dun na dun din daw yung place nun nung binato sakanya yung mga barya. Parang ngang hindi ginalaw at tinanggap nung pulubi yung mga perang binato nila kasi tulad natin, kahit ganoon na ang tingin sakanila ng mga tao, may dignidad pa rin sila dahil tao din sila e. It's just that we're privileged, and they're not. Medyo unti-unti ko na rin narerealize na hindi social status ang dapat na batayan ng tao. Kasi after all? Hindi naman talaga tayo magkakaiba e, Pareparehas din tayong nasasaktan, tumatawa, gumagawa ng mali, may respeto sa sarili. Kung meron tayo nun, sila ding mga pulubi meron din.
The same day, may nabalitaan siya tungkol dun sa tatlong proctors. Sinabi ng head ng group nila na kailangan magpatawag ng prayer meeting sa place ng activity center nila kasi patay na daw yung tatlo. Sobrang misteryoso at sobrang karumal-dumal daw yung ginawa sakanila kasi parang winakwak daw yung sa heart-part nung mga biktima, pero the strange thing is parang wala daw sign ng force sa mga biktima.Ang hihimbing nga ng tulog daw nila e, Mukha silang hindi nasaktan. Pero bahang-baha ng dugo yung kama nila. Parang tinurukan lang daw sila ng anesthesia kaya parang walang naramdamang sakit pero binubutas na pala yung mga dibdib nila. Wala daw silang makitang ebidensya nung mga time na yun sa paligid pero ang nagtutugma lang based sa mga accounts nung relatives nung biktima eh, the night before the incident, may naamoy daw silang sobrang kakaiba na ang lakas kahit yung mga biktima nagreklamo din nung mga time na yun.. Hindi nila maexplain kung mabaho yun pero basta matapang daw yun tsaka kakaiba. Hirap daw maexplain kasi parang hindi mo yun naamoy sa buong buhay mo kaya wala kang maicocompare. May mga media nga daw dun sa bahay nung mga biktima eh, pero parang di naman binalita sa tv. Sa radio daw un nafeature and hindi pa uso nung time na yun ang internet so kahit walang tv eh hindi pwedeng magviral yung story. Sabi din sa autopsy, Walang chemical na nakita sa katawan. All normal daw yung fluids na dumadaloy sa biktima. So parang supernatural yung nangyari. Kinilabutan daw sya kasi iniisip nya na baka naghiganti daw yung pulubi. Siguro, bago sya umalis sa mundo, sinigurado niyang hindi siya mamamatay na parang nung nabuhay lang sya. Neglected, abandoned, and loathed by many. Grabe yung kwento. Medyo natakot din ako kasi kilala ko personally si Sir Rick. Alam ko kung kelan yun nagbibiro and this time, he's dead serious. So, everytime na raw na may nakikita siyang pulubi, nagbibigay daw talaga siya at sinisiguradong inaabot niya at hindi binabatong parang tingin lang sa kanila e basurahan na i-shooshoot mo lang yung nilamukos na papel sakanila. At yung isa din sa kinakatakot ko eh pag may maamoy akong biglang kakaiba sa bahay namin. Oh, God, sana damit lang yun na kulob.
Natakot din ako dahil punong-puno ng hiwaga ang mundo natin. At the same time, you could see na may makukuha kang aral sa bawat pangyayaring umiikot sa buhay mo. I've never expected that I will look at them now in a different perspective nang dahil lamang sa isang boring na araw. Para sakin, it's like an eye opener na rin na kahit sino, kahit ano pa man sila, treat everyone with respect. Kasi hindi mo pala alam kung ano ang pwede nilang gawin sayo once you do something stupid to them. Hindi natin alam, yung pasimpleng pinagtitripan mo sa school or workplace mo, hindi pala sya katulad natin na nilalang lang. Iba pala sila. Something na bumibisita lang pala sa mundo natin at nag-aanyo lang na katulad natin. Hindi man natin alam kung anong reason bakit sila nandito sa mundo natin pero one thing is for sure.. kayang-kaya nilang kunin ang buhay mo sa hindi mapaliwanag na paraan.
BINABASA MO ANG
"Khiieyeyphfssii"
HorrorDISCLAIMER: The author does not intend to hurt other organizations' feelings. This is just PURE FICTION and nothing else. Kindness is not always applicable in a group. It is always on a person. How did I come up with that conclusion? Find out.