18. Jealousy

67 2 0
                                        

18. Jealousy

"Itaas niyo ang mga baso niyo. Ihahandog namin ang handaang ito para sa pagiisang dibdib ni Kyro Augustus at"

Tumayo si Kyro sa gitna pero bago iyon,

"Avery Marcella."

Natahimik siya at nanlaki ang mata.

Nilingon niya si Alessia na nasa gilid nakaupo sa tabi ni Axel sa kaliwa at sa kanan naman ay si Avery, Deon at Zeno.

Lumapit si Kyro sa harap ni Alessia bago lagpasan at kinuha ang kamay ni Avery habang nangangamba. Nanlisik ang mata ni Axel.

Habang naguusok ang ilong ni Zeno sa galit at pagtataka sa isang emosyon.

Nilingon muli ni Kyro si Alessia bago tumalikod.

Tumango si Alessia sa kanya.

Ngumiti si Alessia kay Kyro.

Nagulat ang lahat sa natanggap nilang balita.

Pinangako ng ama ko pero hindi pala sinabi ng mga Marcella na si Avery ang kanilang panganay na anak.

Alam ng mga magulang ni Kyro pati ni Kyro na si Alessia Marcella iyon.

"Ikaw ang gusto ni Kyro na tumayo doon."

Sabi ni Zeno sa gilid ni Alessia.

Si Axel naman parang nalaglagan ng bato ang ulo dahil walang nasabi sa nangyari.

Mali pala siya ng ginawa.

Dapat ang kababata ang kanyang pinili.

Ang totoo niyang mahal.

"Hindi naman kasi ako ang gusto niya."

Sagot ni Alessia at naluha. Hindi alam kung bakit.

"Bakit ka niya hahalikan kung hindi ka niya gusto? Sa kanya galing ang mga bulaklak at mga pagkain dahil siya ang nagtatagong tagahanga mo. Hindi si Axel o ako."

Sabi ni Zeno kay Alessia.

"Hindi, kasi pakiramdam ko last choice ako. Dahil kababata niya kong kaibigan."

Sagot pa nito habang naluluha.

"Mang-aagaw ka, Kyro."

Sabay na sabi ni Zeno at Axel.

Nagkatinginan sila.

Hindi pa rin naguusap si Avery at Kyro sa nalaman.

Basta alam nila.

Hindi ito pwede.

"Masunurin pa man din si Kyro. Hindi siya lalabag sabi niya hanggang hindi niya nakikita ang gusto niya."

Sabi ni Zeno kay Avery nung umaga.

Sumama si Kyro sa kanyang tagapaglingkod.

Ganun din si Avery kaya nagpaalam na si Avery kay Zeno.

"Mamaya na natin planuhin. Basta kailangan ko munang umalis. Babalik din ako, Zeno."

Banggit ni Avery na ikinatuwa ni Zeno kasi pangalan na talaga niya ang tawag nito sa kanya.

Nagkita si Kyro at Avery sa loob ng kwarto.

Kinulong sila sa isang kwarto.

Tinulak ni Kyro ang pinto pero nakasara.

Nagulat si Alessia nang hindi mabuksan ni Zeno ang pinto.

"Anong kalokohan ito?"

Sabi ni Alessia kay Zeno.

Somewhere We Only Know ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon