Sampung tupa...
Siyam na tupa...
Walong tupa...
Pitong tupa...
Anim na tupa...
Limang tupa...
Apat na tupa...
Tatlong tupa...
Dalawang tupa...
Isang tupa...
Wala ng tupa...
Juice ko, mahigit kumulang isang libong tupa na ata nabilang ko eh, wala, nandito parin ako, nakahiga sa malamig na lupa, at nagdidilih ng dugo dito.
Nakapikit lang ako, nakakainis mang isipin pero isa na siguro ako sa pinaka tangang tao sa mundo ngayon... hindi manlang ako nakahingi ng tulong sa reaper na yun para gamutin sugat ko tapos~ ay! Tanga din pala sya! Hindi manlang nya naisip na gamutin ako bago maglaho sa harapan ko, abay nagbigay pa ng second chance. bobo ata este joke lang pala, baka balikan ulit ako nun at kunin nya yung buhay ko.
Nakaramdam ako ng foot step sa malapit lang sa lugar ko, nakaramdam ako ng kaba. Tayiiii! Pano kung mabangis na hayop yun? Edi saying yung buhay ko kung kakainin ako nun? Tutsta! Huhuhu malas!!
Sinubukan kong abutin yung kahoy ng malapit sakin para gawin sanang tungkod para makatayo ako kaso~
"AHHHH!! Buset na palaka ka!!! Layas shupiiiiiii!!!!! Argh! Tayiiii Ansaket." Napahawak ako sa tagiliran ko, mas lumala na yung sugat, lalong napasok yung kahoy... tinitigan ko ng masama yung palaka sa habi ko ngayon.
Impaktito to ah, sa oras na gumaling ako gagawin ko syang adobong palaka tapos papakain ko kay madrasta, nakakairita. Kahapon pako sinusundan nitong rakistang palaka nayan eh. Tsk
Susubukan ko sanang abuti ulit yung kahoy ng may paang huminto at tinapakan yun.
"Um excuse me. Kukunin ko lang po yung kahoy" I politely said, kaso ayaw paring ialis sa pag kakatapak. Abat! Easy akase, masama magalit, kaya, easyyy
"HOI! DIBA ANG SABI KO KUKUNIN KO YUNG KAHOY BINGI KA BA?!! ASHFJSGFH~" *jaw drop* shocks nasa langit na ba akuuu?
May god, naiwan sa lalamunan ko yung boses ko. Ba-bakit may bench hottie dito? May photo shoot bang nagaganap? Eto ba susundo sakin para makasamang umabot sarurok ng~ teka wag na yun, bad.
Pasimple ko namang hinawakan yung garter ng panty ko, naku mahirap na, baka bigla nalang mahubad tapos mawala, eh ala naman kaming pambili.
"hi?" sabi nya sa malalim na maskuladong boses, teka pano ba malalamang maskulado yung boses? Ay basta sabi nya sa baritong boses... parang matutunaw ako sa titig ng gray na mata nya. Yah! Hawig sila ng crush ko.
Wala syang t-shirt kaya libreng view sa 6 packs abs nya, hmm ayus na yun, tapos messy hair pa na parang ilang beses pinadaanan ng kamay ang brown nyang buhok na parang endorser ng shampoo. Emegerd, eto naba ang tinatawag na tadhana? Baka kami ang meant to be, na magpapatunay na may forever?!
BINABASA MO ANG
Mahou University
Fantasy"CURIOSITY KILLS THE CAT, . . . . . BUT WHERE HUMAN BEINGS ARE CONSERNED, . . . . . THE ONLY THING A HEALTHY CURIOSITY CAN KILL IS IGNORANCE"