Bagong Buhay

61 2 2
                                    

This is a work of fiction. All names, characters, place, event and incident are pure invention of the author's imagination. Any form of distribution of this book by any means whether through uploading, scanning, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise without the permission of the author is illegal and punishable by law.


******************************************


A/N


Isang tribute ito para sa isang kaibigan. Clear ko lang hindi ito ang story ng buhay nya kundi sya ang naging inspiration ko para sulatin ang story. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang asawa ang tungkol dito pero sana naman walang pagtutol mula sa kanyang side. Kaibigang April alam mo naman pareho tayong gemini kaya multi-talented tyo salamat sa lahat ng alaala. Patawarin mo ako kung may nagawa man akong pagkakamali na hindi ko nalalaman. You will always have my love, friendship and respect. See you pagdating ng araw na iyon. Ikaw na ang lifetime angel namin.


Dont forget to comment and vote.


===============================


Apple's POV


Isang linggo na akong nasa Pilipinas pero ni isa sa kamag-anak namin o mga dating kaibigan ay walang alam sa pagbabalik ko. Naalala ko pa labag sa loob ko ang pagpunta sa ibang bansa. Marami kasi akong maiiwan ang mga pinsan ko, mga kaibigan at ang mismong buhay pinoy. Simpleng buhay kumpara sa mabilis na buhay sa New York. Isang occupational doctor ang aking Daddy at Nurse naman si Mommy kaya noong nagkaroon ng opportunity para makapagtrabaho sila sa US ay sinunggaban na agad nila ito. Panganay ako sa tatlong magkakapatid at ako lang ang nag iisang babae. Sa awa ng Diyos lahat kami ay nakapagtapos ng pag-aaral na ang degree ay sa medicine din. By profession isa akong oncologist; si Matthew ang sumunod sa akin ay isang anesthesiologist at ang bunso namin na si Robert ay neurologist. Bigatin di ba? Lahat bilib sa pamilya namin at madalas kong marinig ay mga lahi daw kami ng matatalino. Sagot ko naman nasa genes yan. Totoo naman lahat ng nangyayari sa katawan ng tao pati na ang traits ay nagmula sa genes ng magulang mo at mga ninuno mo.


Ngunit bakit nga ba ako biglang napauwi ng Pilipinas na walang pasabi sa pamilya ko at mga kamag-anak? Isa lang ang masasabi ko gusto ko lang ienjoy ang buhay ko. Marahil sa ibang tao iisipin na nababaliw na ako. Lahat ng bagay na pangarap ng isang tao ay naexperience ko. Nakapag-aral ako sa US at nakuha ko ang kursong gusto ko. Financial wala kaming naging problema over the years in fact halos taon-taon kaming nagtratravel bilang regalo sa amin ng aming mga magulang dahil sa aming pagiging masipag sa pag-aaral. Nakakapagpadala sila Daddy and Mommy ng pera sa kani-kanilang mga kapatid bilang share sa blessings na natatanggap nila. Ako naman personally magmula ng magtrabaho ay taon taon akong napropromote sa aking trabaho hanggang maging resident doctor na ako sa isang kilalang ospital sa New York - ang Presbyterian University Hospital of Columbia and Cornell. Ang aim ng bawat doctor lalo na ang isang oncologist ay maprolong ang buhay ng bawat pasyente at umaasang darating ang panahon na makakita na ng lunas para sa sakit na ito.


Habang ninanamnam ko ang cheeseburger meal na may french fries at ketchup sa loob ay napansin ko ang isang babae na umiiyak sa isa sa mga bench sa loob ng mall. Imagine sa nagkalat na taong namamasyal para malibang o kaya magpalamig ay may isang taong walang tigil sa pag-iyak. Hindi ko naman naririnig ang kanyang hikbi dahil mas nangingibabaw ang tawanan, kwentuhan at iba pang ingay pero sa isang taong mapangmasid ay mapapansin talaga ang babaeng ito. Hindi ko lang masyadong makita ang kanyang buong mukha dahil natatakpan ito ng kanyang panyo. Inisip ko na lang na baka may pinagdadaanan lamang sya kaya di na nya alintana na nasa public place sya umaatungal. Nakita ko tuloy ang sarili ko dalawang buwan na ang nakalipas nang umiyak ako ng todo sa Central Park. Ganun naman talaga dapat kung hindi mo na kaya ang nangyayari sa buhay mo iiyak mo lang. Malaki kasi ang maitutulong ng pag-iyak nakakaluwag ng damdamin at pagkatapos nito mas madali kang makakaisip kung anong dapat mong gawin. Hindi kahinaan ang pag-iyak kundi simula ng pagiging malakas.


Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa hotel kung saan ako pansamantalang tumira. I strictly instructed na wala dapat makaalam na sa Marco Polo Hotel ako tumuloy. Pero ewan ko ba pagbalik ko sa hotel naglong distance call ako kina Mommy.


"Hello Mommy."

"My God Apple Hija we were so worried. Where are you?"

Narinig kong biglang nagsalita si Daddy, "Give the phone to me."

"Wait I'm still talking with our daughter. Hello Hija where are you?"

"I'm here at Ortigas Philippines."

"You're in the Philippines. Why didn't you tell us that you want to go back there?" Mommy asked.

"Mommy I'm fine and besides I want to be alone. I need to be alone."

"When are you going to tell us why you didn't show on your engagement party?" biglang sabat ni Daddy.

"Come on Will can you just wait for your turn?" sabi ni Mommy.

"No. Apple what's going on?"

"Dad I just need to do this."

"What if we tell you we already figure it out?" asked Dad.

Bigla akong nanlamig sa tanong ni Daddy, "Dad."

"Apple Hija we're family. We will help each other and find a solution to your problem," said Mommy.

"I know but you guys must understand that I need to find myself to make myself strong before accepting any help from anyone."

"To be honest Apple I don't understand you but if this is what you want then we will give it to you."

"Will please don't say that," pagsusumamo ni Mommy.

"Mommy please trust me on this."

"Ok but for one condition you have to call us everyday or better give your number to us so that we will know what's going on."

"Yes Mommy we will talk everyday."

"Ok," said Mommy.

"Apple please be careful," said Daddy.

"Yes Daddy."

"I love you Anak," sabi ni Daddy.

"We love you Hija," dagdag ni Mommy.

"I love you both. I will send my number via online. I gotta go."


Kasabay ng mabilis kong pagbaba ng telepono ay mabilis ding nagbagsakan ang aking luha. Hindi ko kailanman ginustong iwan ang pamilya ko at ang aking pinakamamahal na boyfriend pero kailangan kong gawin para na rin sa sarili ko. At least dito sa Pilipinas walang masyadong nakakakilala sa akin. Malaki na rin kasi ang pinagbago ng physical features ko. Noong nasa high school pa ako medyo chubby ako kulot ang buhok at mukhang nerd dahil sa kapal ng lens ng salamin ko. Ngayon hindi naman ako payat hindi rin mataba katamtaman lang; kulot pa rin ang buhok ko pero hindi na ako nakasalamin. Pinalaser kasi ni Daddy ang aking mga mata para hindi ko na kailangang magsuot ng glasses. Kinuha ko ang organizer ko at tinignan ang mga nilista kong gagawin habang nasa Pilipinas ako.


1. Attend Religious Retreat

2. Join charity and medical works

3. Find old friends

4. Visit Palawan, Bohol and Cebu

5. Learn one dialect

6. Experience new adventure

7. Learn new cuisine


Bukas sisimulan ko na ang bagong kabanata ng aking buhay.





EVERYDAY I FIGHT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon