Strolling

16 2 0
                                    

A/N


Dont forget to comment and vote. Thanks and God bless.


==================================

Matapos ng maikling pagkikita namin ni Crissy ay nagpasya akong maglakad mula sa Galleria hanggang Podium. Hanggang Megamall lamang ang narating noon kasama ng aking pamilya o kaya naman ng aking mga kaibigan. Maganda ang Podium at nagpasyang tumambay muna sa starbucks para magpalipas ng oras. Habang nagkakape ay napansin kong napakaraming kalalakihang nakabarong tagalog at sa tingin ko member sila ng PSG o di kaya nama'y bodyguard sila ng isang kilalang tao sa ating bansa. Natatawa naman ako sa sarili ko dahil naging hobby ko na talaga ang magmasid. Pagkaraan ng tatlong minuto ay nakita ko ng may lalaking nakapolo ng kulay yellow ang naglalakad kasama ng ilan pang lalaking nakabarong din kagaya ng mga nasa labas at nakakalat sa loob ng Podium. May nagtangkapang magpapicture sa kanya subalit hinarangan sya ng mga lalaking nakabarong. Ibang klase itong araw na ito dahil sa harapan ko mismo dumaan ang Presidente ng Pilipinas. Natulala lang ako samantalang may ilang tao sa starbucks ang nagsipaglabas ng kanilang mobile phones para kuhanan sya ng litrato. Napangiti ako at ipinangako sa sarili ko na ilalagay ko ito sa ginagawa kong scrapbook. Instead na picturan ang presidente ay ang sarili ko ang aking kinuhaan at nilagyan ng caption "The President's malling day."


Sumunod na ginawa ko ay lumakad papuntang Megamall para mag"malling." Well kung may makitang maganda bibili ako pero kung wala naman ay titingin tingin lang. Dumaan din ako sandali sa theater para tignan kung may maganda bang palabas pero wala akong nagustuhan. Kaya naman hinanap ko yung chapel nila. Sa pagkakatanda ko maliit lamang ito subalit ng makita ko aba'y mas gumanda sya at malaki na. Agad akong nagtanong kung may adoration pa ba ang chapel and the guard lead me kung nasaan ang adoration kung nasaan naririto ang Blessed Sacrament. I admit hindi ako ganun kareligious noon hindi rin naman ako nakakalimot sa kanya. Kung baga I'm a so-so catholic hindi ganun kaactive hindi rin yung no-show-up basta ganun. Umupo lamang ako sa likod na bahagi ng Adoration at tinatanaw ang Blessed Sacrament.


"Father God dumaan po ako dito para magpasalamat dahil maayos po ako simula ng dumating ako sa Pilipinas. Iguide nyo po ako sa mga araw na buhay pa ako. If I die tomorrow give me a graceful exit that I may help people appreciate life. Please bless my family, Arnold, my friends and all the people in the world. I love you Father God, Jesus Christ and Holy Spirit."


Nagtagal pa ako sa pag-upo hindi ko alam kung umabot ba ako ng isang oras dito. Wala namang problema sa akin dahil hawak ko ang oras ko hindi kagaya dati na hinahabol ko lagi ang oras ko. Iniisip ko kung may mga nasayang ba akong panahon. Ang ginawa ko lang naman sa buong buhay ko ay mag-aral at magtrabaho at mag-aral ulet. Walang katapusang pag-aaral kasi lalo na sa career na pinasok ko. Dahil kung hihinto ako sa pag-aaral natatakot akong hindi ako maging epektibong doctor. Hindi ko rin naman makita ang sarili ko na iba ang ginagawa ko. Alam ko mula noong bata pa ako na magiging doctor ako. Pero ngayon narealize ko na kulang na kulang pa rin kaming mga doctor sa dami ng taong nagkakasakit hindi pa kasali ang mga taong biktima ng sakuna o aksidente. Napabuntong hininga na lamang ako. Sa tingin ko na dapat lamang na ang bawat pamilya ay maging eksperto sa first aid para kahit papaano may one step na sa pagsagip ng buhay. Hindi lang dapat kaming mga nasa medicine ang may responsibilidad na sumagip ng buhay. Nararapat lamang na lahat ng tao ay maalalang magkusang loob na tumulong. Sana magkaroon ng programa sa lahat ng lugar na mandated ang pagkuha ng libreng courses sa First Aid at basic skill sa pagsakit ng buhay. Ituturo ito sa bawat pamilya para kapag dumating ang araw na may naaksidente o may taong mangailangan ay mabilis na kumikilos ang lahat. Ang problema kasi madalas na gawin ay tumunganga muna well I understand na shock sila o di naman kaya may pagnanais na tumulong pero hindi alam kung saan magsisimula. Napatingin ulet ako sa Blessed Sacrament "paano ba ako makakatulong Panginoon ko? Iguide nyo po ako kung paano ito gagawin. Maraming salamat po."


Matapos kong magdasal sa loob ng Blessed Sacrament ay may nagbigay sa akin ng isang leaflet na agad ko namang nilagay sa aking bag. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naghanap ako ng restaurant na Filipino cuisine ang specialty at sa tingin ko matutugunan ng Barrio Fiesta ang cravings ko. Habang kumakain ako ay tumunog ang aking mobile phone. Sa pagnanais kong masagot agad ay hindi ko na tinignan kung sino man ang tumawag sa akin.


"Hello."

Ilang seconds bago nagsalita ang nasa kabilang line, "I miss you."

"A-aarnold?"

"Yes baby. Where are you? I'm here at Megamall."

"What?"

"When Tita Adelaine inform me that you're in Ortigas Philippines i immediately pack my things and went here."

"Seriously?"

"Seriously."

"Where in Megamall?"

"I took a cab and ask the driver to drop me in Ortigas Center. The driver said Megamall is part of Ortigas Center and so I'm here. Then I called your mother and requested to send your local mobile number so that I can reach you. Now where are you?"

Ako naman ang hindi agad nakapagsalita, "Ummm I'm currently having my lunch."

"Great lunch at 3pm huh. Where exactly are you?"

"Can I finish first my food?"

"Baby you don't need to hurry. Just tell me where are you and I'll find you or may open your GPS so that I can track you."

"Arnold!"

"Just tell me where you are? Im getting pissed because you are not answering my question."

"Alright I'm on the fourth floor of Megamall Atrium."

"Copy. Wait for me Apple. I'm begging please don't run away from me."

"I'm not going anywhere."

"Good."


Nawala na sya sa kabilang line. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil makikita ko na ang kaisa-isang lalaking minahal ko at iniwan dahil ayokong masaktan sya. Mabilis kong tinignan ang sarili ko gamit ang camera ng phone ko para malaman kung mukha pa ba akong presentable. Madalas ko itong gawin lalo na kung magkikita kami masyado kasi syang gwapo at hanggang ngayon hindi ko alam kung anong nakita nya sa akin at ako ang minahal nya.

EVERYDAY I FIGHT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon