16 December
"So, ano nang balak mo?"
Ibinalik ko sa papalubog na araw ang mga tingin. Paulit-ulit kong hinahalungkat ang kasagutan mula sa isip ngunit hindi ko mahanap.
Ano na nga ba ang balak ko?
Ewan. Hindi ko mawari. Hindi ko alam. Ano ba dapat? Mayroon ba dapat?
"Mamatay na lang siguro," tawa ko.
Napabalikwas ako ng tingin nang hindi siya sumagot. "O, bakit ganyan mukha mo?"
"Alam mo...tangina ka," nagsalubong ang kilay niya dahilan upang matawa akong muli.
"Pero sige, sasamahan kita sa balak mo."
Napatigil ang pagtawa ko nang marinig ang mga salitang hindi inaasahan. Ngumisi ako. "Sure ka ba?"
"Oo. Sigurado ako...siguradong-sigurado." Sabay kaming natawa sa paraan ng pagkakasabi niya.
"Pero seryoso, ano nga?"
Tumingala ako sa asul na kalangitan, hinahalungkat ang isip sa kasagutang ninanais niyang malaman.
"Siguro hahanapin ko muna ang ikasasaya ko."
Tiningnan ko siya nang mabanggit ang mga katagang nahalungkat ko mula sa isipan. Nakatitig siya sa papalubog na araw na nagtatago sa mga gusali ng lungsod. Ramdam din ang malamig na simoy ng hangin dito sa aming kinauupuan.
"Wow. That's the goal!" ngiti niya. "I hope mahanap mo ang ikasasaya mo." He gave me a smile while sipping on the cup of coffee that I brought with me.
"Epal! Huwag 'yang kape ko." Tinampal ko siya saka pilit na inagaw ang asul na baso na may tatak na Doraemon. Nang mapasaakin ito, simot na ang nilalamang kape.
"Tangina ka! Humanda ka talaga sa akin mamaya." sigaw ko saka siya hinabol papasok sa gusali kung saan kami nagtatrabaho.
Work went on till 10 PM. Nag-overtime ako para magkaroon ng free time bukas. I am now finishing a report to be submitted tomorrow.
It was indeed another tiring day. Bumaba na ako para umuwi. I nearly fell asleep while I am in the elevator. I am pushing myself too hard again. Well, most of the time this was the case.
Ito na lang kasi ang nakikita kong paraan para makalimutan siya. It's been years, yet I still remember everything about him. Almost all things around me remind me of him. He is the person I never wished to share time and memories with.
Siya 'yong taong nagmulat sa akin sa realidad ng mundo. I even promised to forget about him but here I am, not doing well on that.
Bukas ang lahat ng bintana ng sasakyan ko habang binabagtas ang kahabaan ng bakanteng kalsada. Hindi rin gaanong mabilis ang pagpapatakbo ko upang damhin ang simoy ng hangin. It keeps me awake and refreshed.
Nang makarating ako sa intersection malapit sa condo, napa-preno ako nang malakas nang hindi ko mapansin ang tumawid na pedestrian. Wala rin kasing stoplight dito, at jaywalking siya.
Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko nang makita ang nakabulagtang katawan ng isang lalaki. Nawala ang lahat ng butil ng antok dahil sa nasaksihan.
Agad akong tumawag ng ambulansya upang magpatulong dahil wala rin akong alam sa paglapat ng paunang lunas. Nang naibaba ko na ang tawag, bahagya akong napatalon nang makita siyang nakaupo na sa kalsada. Nakayuko.
"O-okay ka lang...Sir?" bakas ang bahid ng kaba sa aking boses.
Hindi siya sumagot. "Sir?"
Lumuhod ako para yugyugin ang mga balikat niya nang hawakan niya ang kamay ko. "Ah!" Napaigtad ako dahil sa gulat. Mas bumilis pa ang pagtambol ng dibdib nang unti-unti niyang iniangat ang ulo. May bahid ng dugo ang kaniyang noo.
Nang masaksihan ko ang kaniyang hitsura, mabilis na bumalik lahat ng alaalang pilit kong ibinabaon sa limot.
Ang mga pira-pirasong tagpong nagbigay ng kulay at sakit sa aking nakaraan.
"Tristan?!"
BINABASA MO ANG
Paper Flowers
General FictionTormented by the cruelty of life, Gino despises romantic relationships. Surprisingly, he embraced a meadow of paper flowers which Tristan carefully planted. Started: 12/22/22