I don't know what to write
I don't know how to start
All I can think about
How did I begin to fall in love
With someone, I have no chance with.
It was monday afternoon. Frustrated dahil sa nalalapit na thesis defense. Nagkakanda aligaga na ang lahat— lalo na ang mga kagrupo ko. Nasa classroom kami ni ma'am, binigyan ng oras upang tapusin ang mga dapat nang tapusin before submission na binigay niya exactly at 6 in the afternoon.
I was assigned to be the group leader where in fact I don't know how to handle this kind of thing. Si ma'am na mismo nag decide kung ano ang magiging role namin sa grupo.
"Hays! Shit!" Reklamo ko't napahilamos sa mukha. I heave a sigh at bigong napasandal sa upuan.
Hihinga muna sandali. Hindi na kaya ng utak ko. Bobo pa naman ako sa ganito. Tapos itinalaga pang leader, paktay na! Muli akong napahilamos sa mukha at tumingin sa kisame.
"Tara cafeteria?" Biglang pagyayaya ng isa sa mga kagrupo ko— si Shane.
Lahat naman ay nagkasundo tila ay yun na lang muna ang takas namin sa mga gawain. Sumunod kaming apat kay shane na nauna pang naglakad palabas. Kanya kanyang kantsawan at kwentuhan tila nililibang ang sarili habang naglalakad patungo sa cafeteria. Iniinda ang init na dala ng araw dahil sa tanghali na.
"Oh shoot!" Bigla kong untag nang may maalala. "Naiwan ko yung wallet ko!"
"Oh pasabay na rin ako ng cellphone ko naiwan ko sa table ni ma'am eh" dagdag naman ni Cham tila alam na wala akong ibang choice kung hindi ay bumalik sa classroom.
"Sige" naisagot ko na lang at patakbong bumalik doon.
Saktong pagtapak ko sa loob ay ang pagbungad ng gurong nagbibigay sakit sa ulo namin ngayon— beri beri slayt lang naman. Kagat lang ng dinosaur.
"Good Afternoon Ma'am" pagbati ko at tumuloy para kunin sa bag ko ang wallet.
"Good Afternoon, nag lunch na kayo?" Tanong niya kaya ay napatingin ako't inilipat ang atensyon sa kanya.
"Mag lulunch pa lang po ma'am" sagot ko at sumulyap siya sa mesa niya't inangat ang isang cellphone.
"Kanino 'to?" nagtatakang tanong nito.
"Ah!" Reaksyon ko tila ay may naalala, "Kay Cham po ma'am"
Napatingin ako sa cellphone at naglakad papalapit dito. Kinuha ko naman iyon at saglit na nagtama ang dulo ng aming mga daliri na siyang nagdala ng kakaibang pakiramdam sa tiyan ko.
My heart skipped a beat at tila ay hindi ako nakahinga ng ilang segundo bago nagdala ng para bang nagrarambulan sa aking tiyan. Shit. I thought.