PROLOGUE

14 4 0
                                    

Paano kung isang araw pag gising mo wala ka nang maalala kundi ang alaala na lang ng kahapon. Isang panaginip na akala mo ay makatotohanan. Ngunit paano kung ang panaginip na iyon ay konektado sa iyo, sa iyong buhay. Ito na kaya ang simula ng yugto ng buhay ni Gaille Angela Feliciano?

-----------

POV GAILLE ANGELA


Nag aayos ako ng aking mga kagamitan ng
may malakas na tinig ang tumawag sa aking pangalan mukang nag mumula ang tinig na iyon sa labas ng aming bahay kaya
nag tungo ako ng balcony para tingnan kung sino iyon, si Janine.

"Ano bhe tara na? " Nakatingalang sabi ni janine nang makita niya akong lumabas ng balcony.

"Wait lang janinay nag aayos lang ako ng mga gamit ko. " Saad ko

Umalis na ako ng balcony at dali-daling bumaba para pag buksan si Janine ng pinto.

"Pasok ka" sabi ko at pumasok naman siya

" Janinay ehh " nakasimangot na sabi ni janine

Kurutin ko kaya pisngi nito

"Ohh janine aalis na kayo? " Tanong ni mommy at nakipag beso-beso pa kay janinay.

well matagal ng kilala ni mom si janinay dahil naging mag kaklase kami nung fourth grade and six grade hanggang sa tumungtong na kami sa high school ay naging mag kaklase parin kami, same as Zachie matagal naring siyang kilala ni mom, since kindergarten ay kasakasama ko na siya.

"Ahhh opo tita, hinihintay ko lang po si LOVIEDABS " tingin sa'kin sabay tawa ng bahagya

Loviedabs amp-

Ohh bawal

"Loviedabs bilisan mo na diyan kanina ka pa nag aayos ng gamit mo hanggang ngayon ay hindi ka parin Tapos, may nag hinihintay pa sa iyo dito sa sala!" may pagkalakasang sabi ni mommy at dumaretso na papuntang kusina.

Hayss

Nakiki loviedabs nadin si mom... Whattt

Yuckkk, na alaala ko na naman tuloy kung sinong nag sabi no'n

Tumataas tuloy ang balahibo ko lalo na pag naririnig ko yung nickname na yon sa'kin, ang corny talaga

Nang ma tapos ako sa pag aayos ng aking gamit ay umalis na kami at sumakay sa kotse .

Maaga kaming nakarating sa bahay ng pinsan ni Janine, birthday kasi nito at imbitado kaming tatlo. Ilang minuto lang ay nakita kong may tumigil na sasakyan sa labas at bumaba na roon ang hinihintay naming dalawa, sawakas dumating na rin.



─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───




"Zachie!! " sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kanya

"Yes?! "

"Aalis kana ba talaga agad di mo na tatapusin yung party? " malungkot kong sabi sa kanya

"Hindi na eh sorry ah, ngayon kasi yung oras ng flight namin but don't worry babawi ako next year tsaka diba taon-taon naman ako nandito.. Wag ka na malungkot" habang niyayakap ako

"Hayy sige na nga, ingat ka sa flight mo ah" sabi ko at ginantihan din siya nang yakap

"Ingat kayo zachie!! " saad ni Janine habang kumakaway sa papaalis na kotse

"Tayong dalawa na lang ulit" malungkot na sabi ko kay Janine

"Oo nga eh lovi-"

"STOP" tiningnan ko naman siya ng masama at tinapunan naman niya ako ng parang nang-iinis na tingin

Pag talaga tinatawag nila akong ganon ay bumabalik sa'kin yung alala nung bansot na lalaking nang hingi ng pangalan ko

Naglalakad kaming tatlo dito sa isang street ng may madaanan kaming mga grupo ng kalalakihan

"Hi cutiecakes *kumindat* pwede bang.. mahingi ang pangalan mo" sabi ng lalaking kaharap ko ngayon tapos ay may unting lambing sa mga salitang binitawan niya

"Ayoko" pagsusungit ko

"Abahh masungitttt" sabi nung lalaki sabay tingin sa mga kasama niya

"Pake mo! "

"Dali na miss pangalan mo lang naman eh"

"Bigay mo na kasi yung pangalan mo bhe chosyyy ka pa" mapang asar na saad ni janine

"Chosyyy?! " kunot noo kong sabi at pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha at paa nang mabilis lang

"Fine ughh! "

"I'm gaille, G. A. I. L. L. E"

"Ohh oky loviedabs~ nice tu mit you gaille" saad nung lalaki at nag wink sa akin at ngumuso siya para halikan ako. Watduhh?

Dahil sa cringe na nararamdaman ko na sampal ko siya:)

Pero mahina lang yon ah

"Oh oww sorry" tapos sabay-sabay kaming tumakbong tatlo

"HAHAHAHA, oky LOVIEDABS~ nice tu mit chu mwuah mwuah" panggagaya ni zachie sa boses nung lalaki

"HAHAHAHAHA" pag tawa ni janine na akala mo wala ng bukas

Kaya ayoko tinatawag akong ganon eh,
once talaga na makita ko yon ayy talaga naman!

Thank you for reading my story ;)

Memory of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon