...
"Arinyaaaa! Bumangon ka na riyan at may pasok ka pang bata ka!" Agad akong napabalikwas sa kama nang marinig ang sigaw ni mama na rinig ata hanggang sa kapit bahay.
"Ito na po!" Sigaw kong pabalik bago bumaba sa kusina kung nasaan ang kapatid ko at si mama.
"Nagising ako sa alarm mo, ate, tapos hindi ka pa pala nagising doon? Ang lakas kaya ng alarm mong kill this love." Isang matamis lang na ngiti ang isinagot ko sa kapatid ko. Napuyat kasi ako kababasa ng Wattpad.
"Ready na ba ang mga gamit n'yo?" Tanong ni mama habang abala ito sa pag hahain ng niluto nitong umagahan para sa amin pati na rin ang gatas na paborito kong inumin.
"Opo, ma. Kagabi pa naka-ayos 'yong sa akin. Itong si ate ang tanungin mo." Nangi ngiti-ngiting sagot ng kapatid ko kay mama. Epal, ano namang gamit ang aayusin ko? 'yong isang yellow pad at ballpen?
Hindi na lang ako sumagot dahil sa na realize. Gosh, back to school na naman, makikita ko na ulit ang boyfriend kooo! Nangiti ako nang maalalang magkakasama na naman kami. Nag bakasyon kasi ito sa US para bisitahin ang ate n'ya na doon nakatira kaya puro video call lang kami buong bakasyon.
Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang tila nandidiring mukha sa akin ng kapatid ko. "What's wrong? May dumi ba sa mukha ako?" Tanong ko rito at dali-daling nag punas ng bibig.
"Wala naman, you look stupid kasi ngumingiti ka d'yan mag-isa." nandidiri nitong saad.
"Ano naman bang pake mo? Kumain ka na nga lang d'yan." Kunwari'y inis na turan ko sa kan'ya. Pero ang sisteh, sumagot na naman.
"Masaya ka na naman dahil makikita mo na naman si Noah." Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi n'ya at pairap pa talaga n'yang tinanggal ang tingin sa akin.
"It's kuya, Ayesha. Wala kang galang." Inis ko nang turan dito.
"Ah basta, kapag s'ya ang pinakasalan mo, hindi ako a-attend." Sagot muli nito na inirapan ko na lang kesa mag-away kami sa harap ng pagkainan. Tss.
Matapos kumain ay naligo na ako at nag-ready na. Light make-up lang ang nilagay ko. Kahit first day of school pa lang ay kailangan na agad mag suot ng university uniform. Mga epal kasi sila.
Lumabas ako sa kwarto at nadatnan na ready na rin ang kapatid kong unggoy. Agad ko namang hinanap si mama para makapag paalam dito na papasok na kami. After mag paalam dito at ma-kiss sa cheeks, agad na kaming lumabas sa bahay para sumakay sa sasakyan namin.
Isang McLaren 765lt cosmos-elite ang dina-drive ko. It's our grandpa's gift sa amin ng kapatid ko. Si Ayesha na rin ang namili nito dahil s'ya naman ang mahilig sa cars. Dalawa sana ang bibilihin para tag-isa kami pero tumanggi na si mama. Nakakahiya naman kasi.
Mayaman ang parents ni mama at hindi naman ka-angat sa buhay sa side ni papa. Pero kahit gano'n, pinili pa rin ni mama si papa at mas ginustong manirahan nang simple lang kasama kami.
Buhay pa both side ang grandparents ko pero mas close ko ang grandparents sa side nila papa at mas close naman ni Ayesha sa side ni mama. Mukha pera 'yan e. Sipsip pa. Ems.
Nasa 16 minutes ang byahe papuntang university namin. Katabi lang naman nito ang school na pinanasukan ng kapatid ko.
Sa kalagitnaan ng byahe ay biglang nag tanong ang katabi ko. "Ate, kailan kayo magbi-break ni KUYA noah?" May diing sambing nito sa word na 'kuya' kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nag-uumpisa na naman s'ya.
"Kailan mo ba matatanggap si Noah? Basta, I will marry him whether you like it or not." Inis na sagot ko na inismiran lang nito.
"Mas gugustuhin ko pang mag-girlf friend ka kesa sa lalaking 'yon." Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa narinig at agad na napagingin dito.
"Are you out of your mind!? I'm straight, Ayesha!" Inis na bulyaw ko na sa kan'ya dahil hindi ko na nagustohan ng mga lumalabas sa bibig n'ya.
Walang kumibo sa amin hanggang sa makarating kami sa gate ng school na pinapasukan n'ya. Dali-dali namang lumabas ito sa sasakyan at hindi na nag pa-kiss sa noo na lagi n'yang hinihingi sa akin bago pumasok. Bahala s'ya. Badtrip din ako.
Nang maayos kong ma-park ang sasakyan sa loob ng university na pinapasukan ko, nag-ayos muna ako ng sarili bago lumabas at hanapin ang best friend kong si denden.
Agad akong nag tipa sa phone para i-chat ito na nasa university na ako. Nag reply naman ito na nag hihintay na raw ito sa room namin para sa first subject.
Tulad ng nakasanayan, orientation lang ang naganap sa mga nauna naming subject at ngayon ay nag hihintay kami sa susunod na instructor na sa tingin ko ay bago pa lang sa university namin.
"First day na first day hindi pumasok ang group ni jea."
Napalingon ako sa nagsalitang si denden."tangi, lumipat sila ng section." Sagot ko naman sa kan'ya na ikinalaki ng mata n'ya.
"Ha? Bakit naman? E 'di ba best friend mo 'yon?" Sarcastic at kunwari'y gulat n'yang tanong.
Paano ko nasabing sarcastic? Alam lang naman kasi namin ang mga pinagsasabing paninira sa akin ni jea kapag nakatalikod ako at super nice naman s'ya kapag kaharap ako.
"Best friend mo ah" natatawa kong sabi sa kan'ya at umiiling-uling.
"Bakit naman kaya s'ya lumipat? Alam n'ya na kayang may alam ka na sa mga paninira n'ya sa'yo?" Tanong na naman ni bakla, ang daldal kahit kailan.
Umirap ako at sasagutin na sana ang tanong n'ya nang biglang bumukas ang pinto ng classroom namin at iniluwa ang isang gwapong lalaking dala ang nakakalaglag panty n'yang ngiti. Ems, may boyfriend ako.
"Good afternoon, class, section 2A, tama?" Agad namang um-oo ang mga kaklase ko at nagsi-ayos nang upo.
Umupo naman ito agad sa harap na table nang makumpirmang tama ang class na napasukan n'ya bago ulit magsalita.
"I will be your P.E instructor, I am sir Reign Francisco and I'm a new teacher here in your university at kayo ang unang class na hahawakan ko." Pakilala nito sa sarili at inisa isa kaming tignan.
"Aray!" pabulong kong daing at agad akong napatingin kay denden nang kurutin ako nito. "Ano ba'ng problema mo?" Inis kong tanong dito.
"Ang gwapo ni sir" nakangiti nitong sabi at kinikilig pa. Pwede namang kiligin na hindi nananakit ah?
"Now that I'm done introducing myself, it's now your turn." Agad na kinuha nito ang class list at tinignan ang mga pangalan namin doon. "Sasabihin n'yo lang ang pangalan, edad, at hobbies n'yo para mabilis tayong matapos, mag-umpisa tayo doon sa likod para maiba naman." Dagdag nito. Akala ko pa naman yung pagkakasunod-sunod sa class list ang tatawig para magpakilala.
"shit shit shit" dinig kong bulong ng katabi ko, sa likod kasi kami naka upo at s'ya ang pinaka dulo. Meaning, s'ya ang unang magpapakilala at sunod ako.
Tumayo na ito at nagpakilaka. "Good afternoon po, I'm Denise Eusebio, 19 years old, and my hobbies are singing and ang pagtugtog ng piano." Tumango si sir Reign at sunod na tumingin sa akin kaya agad na akong tumayo para magpakilala.
"Good afternoon, sir, i am Arinya Rae Tan, 19 years old, and my hobbies are playing volleyball and basketball, I also sing and play various instruments such as guitar, piano, and drums." Pakilala ko sa sarili na nagpa-wow at nagpalaki ng ngiti ni sir Reign.
"Talented naman" puri nito sa akin na nginitian ko na lang at umupo na.
"Ay wow, sumasapaw" bulong naman ng katabi ko na nagpa-irap sa akin. sampalin ko na kaya 'to?
Hindi ko na lang ito pinansin at nakinig na lang sa mga kaklase kong nagpapakilala.
"Class dismissed. See you on our next meeting." Huling sinabi ni sir bago lumabas ng room pagkatapos ng pa-introduce yourself n'ya at ma-discuss sa amin ang syllabus ng aming subject pati na rin ang rules n'ya sa loob ng classroom.
"Finally, uwian na rin" tila pagod na pagod na turan ng kasama ko sabay unat ng kamay at sinadyang tamaan ang ulo ko.
"Papansin." Inis kong sabi sa kan'ya at inirapan.
"Tingin ka sa labas, may unggoy." Agad na binalingan ko ang tinitignan nito sa labas at sinasabing unggoy.
Biglang nag init ang mukha ko nang makita ang taong tinutukoy nito. "Noah..."
BINABASA MO ANG
Achieving Both of Our Dreams Alone
De TodoShaniqua Shane Salazar Arinya Rae Tan ________________________ This is a girlxgirl love story so if you are not comfortable with it, mas magandang huwag mo na lang ituloy ang pagbabasa. Thanks!