Chapter Two

1K 51 8
                                    


Three weeks na ang nakalipas simula nung naging tutor ako ni David. Dahil parehas kaming busy sa school, ang naging set-up ay twice a week ko siyang tuturuan. Bagamat hindi ayon sa schedule ko, Huwebes at Sabado ang napagkasunduan naming araw dahil iyon ang maluwag ang schedule niya.

Siya ang client atsaka malaki ang charge per hour na binibigay kaya no choice ako kundi pagbigyan ang demand niya.

Noong unang araw na magsimula kami sa tutorial session ay sa library ko siya tinuruan. Ngunit hindi naging productive ang session na iyon dahil nahihiya si David sa mga kapwa naming estudyante na sumusulyap sa side namin habang tinuturuan ko siya. Kaya naman nagsuggest siya na kung pwede ay sa bahay na lang nila ang session.

Sa subdivision nakatira sina David at tanging ang Tatay niya lamang ang kasama niya sa bahay. Noong unang punta ko roon, nalaman ko na only child lang siya. Dahil sa natural kong pagiging chismoso ay tinanong ko sa kanya kung nasaan si Mama niya, pero ang sagot lang sakin nito ay 'wala na.".

Hindi ko alam kung ang ibig ba niyang sabihin ay sumakabilang buhay o sumakabilang bahay.

Kung sumakabilang-bahay, hindi ko maintindihan ang naging desisyon nito dahil bukod sa mayaman sila ay sobrang gwapo din ng tatay ni David. Pantasya ng karamihan. May babae bang umaayaw pa sa ganitong klaseng asawa? Ang tanga naman nila kung hahanap pa sila ng iba.


Calvin ang pangalan ng tatay ni David. Pangalan pa lang tunog pogi na.

Full package.

Walang tapon, ulo hanggang paa.


Halatang halata kung kanino nagmana si David. Parang pinagbiyak na buko ang mag-ama.

Magkasing-hulma at magkasingtikas.

Mula sa pagiging matangkad at pagiging magandang lalaki ay parang younger version si David ng Tatay niya. Kung pagtatabihin ay aakalain mong magkapatid lang sila.

Parehas ang naging reaksyon ko nang makita ko si David at ang Tatay niya.

Intimidated.

And at the same time,

excited.

Hindi ko maintindihan ang emosyong nabubuhay sa loob ko pero naeexcite talaga ako ng una kong masulyapan ang Tatay ni David. Kakaiba ang hatak sa mga kagaya ko. Para itong modelo na napapanood ko lang sa youtube o sa internet. Kung hahatulan at bibigyan ng marka, paniguradong 10/10 ito. If ever na sumali ito sa pageant, paniguradong mananalo ito o kung hindi man, hakot awards dahil sa lakas ng kanyang dating.

Sobrang daddy-ng daddy ang datingan. May mga muscle ang mga braso nito pero hindi ganoon nakakadiri pagtingnan. Maskulado at matigas ang tikas. Nakakaakit kung susumahin, hindi ito gaya ng mga batak na batak sa gym na namumutok ang braso.

Hindi rin malaki ang tiyan nito. Hindi kagaya ng mga kaedad niya na lango sa alak na dinadaig pa ang buntis na babae sa laki ng kanilang tiyan.


Hindi nakakaasiwang pagmasdan. Masarap, kumbaga.


Sabado ngayon at nasa labas na ako ng gate ng bahay nila David. Pang-limang beses na akong pumupunta rito pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa laki nito. Magarbo at sobrang linis. May maliit na garden pagkapasok mula sa labas at makikita rin agad ang mga nakagaraheng kotse at motor sa kabilang gilid, tatlong four-wheels at dalawang big bike. Masasabi mo talagang mayaman at marami silang pera.Ganunpaman, hindi ko nakikita si David na pini-flex ang yaman nila habang tutor niya ako. Sobrang down-to-earth nito, kaya nakakatuwang turuan. Hindi mo aakalain na mag-isa lang itong binubuhay ng tatay niya dahil sa sobrang ganda ng pagpapalaki sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tutorial ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon