𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄: 𝐏𝐫𝐨𝐟. 𝐊𝐢𝐦 𝐀𝐝𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐃𝐫. 𝐏𝐚𝐫𝐤.

15 5 0
                                    

"Maam ginawa na po namin ang lahat pasensya na po, saad ni Chanyeol.

"Bakit? Bakit mo pa siya inoperahan kung hindi mo naman pala siya kayang iligtas, saad ng asawa.

"Maam hindi nga po operasyon ang dahilan kaya namatay ang asawa mo bakit po ba hindi niyo maintindihan yun! Pasigaw na sambit ni Chanyeol.

Sabay nagwalk out ito at sinundan naman siya ni Suho.

Sa labas ng office ni Chanyeol ay nakatayo siya at tila hindi niya matanggap na hindi niya nailigtas ang pasyente niya.

Hanggang sa..

"Dr. Park, saad ni Suho.

"Prof. Suho?! Takang sambit ni Chanyeol.

"Bakit ganun ang inasal mo sa guardian  ng pasyente mo sa tingin mo ba tama ang ginawa mo! May galit na sambit ni Suho.

"Bakit? Bakit ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng asawa niya? Kasalanan ko ba na nagpakalulong yun sa alak at kasalanan ko ba na lasinggero ang asawa niya! Hindi diba pero bakit? Bakit parang kasalanan ko pa! Galit na sambit ni Chanyeol.

"Pero hindi pa rin dapat ganun ang inasal mo sa asawa ng pasyente mo! Saad ni Suho.

"Chanyeol sa trabaho natin hindi talaga natin maiiwasan ang makarinig ng masasakit na salita sa pamilya ng pasyente natin, pero alam mo kung ano yung madalas at pinakamasakit na naririnig ng mga doktor lalo na sa mga surgeon na katulad natin sa pamilya ng pasyente natin, saad ni Suho.

"(Bakit mo pa siya ginamot, Bakit mo pa siya inoperahan kung hindi mo naman siya kayang iligtas)", Pero chanyeol hindi ibig sabihin nun ay mawawalan ka na ng respeto sa kanila mga tao lang din sila may damdamin at nasasaktan, mahirap para sa kanila ang mawalan ng mahal sa buhay kaya imbes na sabayan mo ang pagluluksa nila dapat inuunawa o iniintindi mo sila, saad ni Suho.

Sabay napaiyak si chanyeol sa sinambit ni suho sa kanya.

"Magpakalma ka muna tapos bumalik ka doon sa taas okay, saad ni Suho.

Sabay hinawakan niya sa balikat si chanyeol pagkatapos ay umalis na ito, samantala hindi nila alam ay kanina pa pala nakikinig sa usapan nila si Callie.

Samantala umupo naman si chanyeol sa waiting chair sa labas ng office niya at habang nakaupo siya doon nilapitan siya ni callie at inabutan siya nito ng tubig.

"Uminom ka muna ng tubig para kumalma ka, saad ni Callie.

Saka umupo ito sa tabi ni chanyeol.

"Alam mo chanyeol naiintindihan kita kasi narasanan ko na rin yan pero alam mo kung ano yung mas masakit, yung namatayan ka ng pasyente kasi wala kang ginawa o wala kang magawa to save your patient, saad ni Callie.

"Pero this is what you will always remember whether or not we saved our patient, as long as we did everything we could to save them that is enough to prove that you are a good doctor, you know what good job ka kaya hehe, saad pa nito.

"Advice ba yan Saad ni Chanyeol.

"Ofcourse not pinapalakas ko lang loob mo ano hay btw maiwan na kita dyan may gagawin pa ako bye, saad ni Callie.

Saka umalis na nga ito samantala napangiti naman si chanyeol sa sinambit ni callie, hindi nila alam ay nakinig din pala sa usapan nila si Suho at sa narinig niya ay napangiti na lang ito saka tuluyan na nga siyang umalis at bumalik sa ICU.

Hindi nagtagal ay kumalma na si chanyeol kaya naman bumalik na siya sa ICU upang muling kausapin at humingi ng tawad ng maayos sa pamilya ng pasyente niya.

Habang nakikipag usap siya dito ay nakita naman siya ni Suho pati nina Callie at lumingon naman siya kay callie sabay nag tumbs up(👍) ito sa kanya , sa ganun palagay ay nangiti ng palihim si chanyeol.

Hanggang sa may next sa kanila mula sa ER kaya naman bumaba na sila upang magtungo doon.

Sa ER.

"Nars Wu ilang patients ang dadalhin dito? Tanong ni Callie.

"May banggaan sa trapiko sa pagitan ng bus at truck at marami daw nasawi, i think mga 15 patients po ang dadalhin dito, parating na po sila in 3 mins, saad ni Judy.

"What?! Gulat na sambit nina Ciara.

"Hay another patients na naman hayyyyy, akala ko pa naman makakain na ako, saad ni Baekhyun.

Sabay pinagtinginan naman siya ng mga doctors at mga nurse dito.

"Hehe sorry po gutom na kasi talaga ako hehe, saad ni Baekhyun sabay napakamot ito sa ulo.

"Okay guys narinig niyo naman yun kaya maghanda kayong lahat, make sure nandito lahat ng doctor na need natin, GS,CS,OS, EM then Nars Wu make sure na may enough beds tayo para sa mga pasyenteng darating, saad ni Callie.

"Copy that doc, saad ng mga kasama niyang doctor.

"Okay doc, saad ni Judy.

At naghanda na ang lahat hanggang sa....

"Pasyente! Sigaw ng Paramedic.

Saka nilapitan ito nila Yuri.

"Nagkaroon siya ng severe fracture, saad ng Paramedic

"Sir did you hear me, saad ni Yuri.

Saka cheneck nito ang pulso ng pasyente.

"Cardiac Arrest!, e CPR niyo then dalhin niyo sa Bed 7, saad ni Yuri.

"Pasyente! Sigaw ng Paramedic.

Sabay nilapitan ito ni Callie.

"Vitals? Tanong ni Callie.

"80/40 Heart rate 115, saad ng Paramedic.

"Sabi ng pasyente okay lang daw siya pero... Saad ng Paramedic.

"Dr. Park! Tawag ni Callie.

"Paki check if nadamage ang artery niya, saad ni Callie.

"Okay, saad ni Chanyeol..

Saka inasikaso na nga ito ni Chanyeol.

"Pasyente! Sigaw ng Paramedic.

"Vitals? Tanong ni Callie.

"95/50, Heart rate 126, saad ng Paramedic.

"Nagkaroon siya ng Femoral open fracture with Pelvis fracture, saad ni Callie.

"Dr. Oh! Tawag ni Callie.

"Nagkaroon siya ng femoral open fracture with pelvis fracture ihanda niyo ang CT scan tignan niyo ang fracture sa CT scan  , saad ni Callie.

"Then call me if there's severe hemorrhaging, saad pa nito.

"Okay, saad ni Sehun.

Saka inasikaso na niya nga rin ito.

"Nars Park paki ready ang gauze and saline, saad ni Sehun.

"Okay doc, saad ni Jay.

Samantala nilapitan naman ni Callie ang ilan pang parating na pasyente.

"Concious ba siya? Tanong ni Callie

"Bahagya po, saad ng Paramedic.

Saka dinala nila sa bed 10 ang pasyente.

"Dr. Zhang! Tawag ni Callie.

"Yes Doc? Saad ni Lay.

"Kayo ng bahala sa mga darating pang pasyente, saad ni Callie.

The Doctors Bk1(EXO)Where stories live. Discover now