PROLOGUE

17 1 0
                                    


Sariwa ang hangin na yumayakap sa katawan ko, hawak ko ang yosi sa pagitan ng mga daliri ko. Malalim akong huminga at tinignan ang yosi.


'Bakit andito nanaman ako?' Tanong ko sa sarili ko habang naka-tingin sa sigarilyong hawak ko. Mag-tatatlong taon na mula nung tinigilan ko ang yosi, magta-tatlong taon na rin simula nung nag-hiwalay kami. Bahagya akong natawa sa sarili sa kaisipang kinaya ko ang tatlong taon na wala siya, na ako lang mag-isa, na hindi dumedepende sa mga yakap niya. 


Hindi ako mag-sisinungaling, masakit pa rin. Sa tuwing naaalala ko kung paano kami nag-tapos, parang gusto kong masuka, gusto kong mag-laho, gusto kong matulog. Walang araw na hindi ko sinisi ang sarili ko sa nangyari samin, kasalanan ko naman talaga. Hindi kasi ako nakukuntento. Gusto kong laging may napapatunayan. Ganiyan ang tingin ng mga tao sa paligid ko hanggang sa ako na mismo ang naka-realize noon. Karirera akong tao, ambisyosa, ayaw nag-papatalo. Aminado ako doon. Sa kagustuhan kong mag-tagumpay sa buhay, natalo ako sa pag-ibig. 



Tinapon ko ang yosi sa sahig at inapakan ito. Inayos ko ang sarili at ngumuya ng chewing gum. Mahirap na at baka maamoy ako sa clinic. Isa akong psychiatrist, isang matagumpay na psychiatrist. Trabaho kong bigyan ng pag-asa ang mga taong gusto na sukuan ang buhay, mapaniwala sila na magiging maayos rin ang lahat kahit parang wala namang nangyayari. Kilala ako sa Manila bilang 'Best Psychiatrist in Town'. Karamihan sa mga pasiyente ko ay mga artista, teenager, at mga bata, edad 8 pababa. 



Bumalik ako sa clinic para mag-pahinga. Kaunting oras na lang ay uuwi na ako, wala ako masyadong pasiyente ngayon dahil karamihan naman ay tinatamad mag-punta o di kaya ay busy. Inayos ko ang mga gamit ko at nag-retouch. Nang mag alarm ang cellphone ko ay agad agad akong lumabas ng opisina ko. 



Habang nag-lalakad ay kita ko ang pag ngiti sakin ng mga tao sa clinic at pag-bati sakin.  Ngumingiti ako pabalik hanggang sa makalabas, agad akong dumiretso sa parking at hinanap ang kotse ko. Pag pasok sa kotse ay agad naman tumunog ang phone ko, si Cathy iyon, nag-aaya ng inom malapit sa condo ko. Paniguradong hindi nanaman nag-work ang fling na pinagmamayabang niya nung nakaraan, natawa ako at nag-maneho pauwi. 



Pag dating ko sa condo ay nandoon na si Sherina at Cathy, parehong umiinom ng beer. Si Cathy nag-cecellphone habang si Sherina ay pinapakialaman ang mga libro ko. Nang marinig nila ako ay pareho silang tumingin sa'kin. Tumakbo si Cathy at niyakap ako. Amoy na amoy ko ang beer sakaniya kaya kumawala ako sa yakap. Si Sherina ay abala pa rin sa pag tingin sa mga libro ko. 



"How's your day, Lei?" Bungad na tanong ni Sher. Umupo ako sa sofa habang inabutan naman ako ni Cathy ng tubig. Hinilot ko ang sentido ko at pumikit. 



"It's actually not that bad but I feel so tired," Tumabi si Sher sakin, hawak ang librong napili niya. Ganiyan siya tuwing pumupunta dito sa condo, akala mo ay nasa library. Laging may nadadalang libro tuwing galing dito. 



"Define tired," Ani Sher. Mag sasalita na sana ako nang biglang sumabat si Cathy, "Pagod." Sabi niya at natawa sa sarili niyang kalokohan. I saw how Sher rolled her eyes in annoyance, natawa ako doon at napa-iling na lang. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Everything, in Time.Where stories live. Discover now