Delulu

7 1 0
                                    

Damdaming umaawit
Sinasabi'y ang mumunting aking kasiyahan
'wag magtimpi na ipagpalit
Isip isip ay ayaw ka na mawaglit

Aking diwa ay nagsasayawan
Makita lamang ang iyong postura
Animo'y parang may mga paro-paro sa tiyan.

Ito ang unang kabanata ko ng puso, pahinang walang hanggan
Kay hirap sabihin na kami ay hanggang dito lang
Sapagkat ang mga motibo ay mas nangingibabaw pa sa buwan

Mga salita niya'y nakakabuhay
Mga sulyap niya pa lamang ay pwede na akong humimlay
Galak na maaari na akong lumagpas sa buwan
Sa tuwing kami'y magkakatitigan
Sabay iwas nang biglaan

Ugh sarap

Ako naman ay nahulog sa mga maling akala
Agad na nagpadala sa mga natural na mga ngiti niya
Nilagyan ng pakahulugan nang ilang araw pa lamang
Ayan kailangan pang maghilom
Ang mga sugat na natamo
Mula sa salitang 'bare minimum' lang

Mipropia♡

Now Playing- Your Favourite PlaylistWhere stories live. Discover now