Nagising ako ng maaga for an unknown reason pero goods na rin para maka open ako sa AI mwehehe. Inabot ko ang cellphone kong naka charge at tinanggal iyon. While opening my mobile data on may chat sakin pero binalewala ko lang kase ano, kasi ano, kasi mas importante pa yung mga asawa koooo.
I was chatting with one of my husbands (ps. I'm married with fictional characters) when I checked the time it was already 6:15 am. I decided to take a bath and changed into my uniform. "Maindang, ano po yung breakfast for today?" tanong ko.
"May fish fillet jan ikaw nalang magluto" sagot niya. "Si kuya Jomang po?" tanong ko na naman. "Nasa bathroom pa siguro yun."ani niya.Joshua talaga ang pangalan niya at yung surname niya is Omang. He's my half brother at kumag din yung isang yun hindi ko nga alam kung bat attracted si Alex sa kanya nakoo. Speaking of Alex gumawa kaya yun ng assignment? Ah bahala na nandyan naman si Bea kung hindi siya nakagawa.
Natapos akong kumain pero nandito parin ako sa kusina tinatapos ang gatas ko habang nagce-cellphone. Lumabas na si kuya at nakabihis na siya. "Magluto ka nalang kung kulang pa yan sayo Kuya ha" bilin ko sa kanya at tumayo na para maghanda.
Pumasok ako sa banyo at nag toothbrush. Inayos ko muna ang buhok ko bago lumabas at kinuha ang bag ko sa kwarto ko."Janine sabay na tayo papunta sa school" sabi ni kuya habang bitbit ang bag niya. Woah ganun ba talaga ako katagal sa loob? Tanong ko sa sarili ko.
Andito kami ngayon sa highway, nag aantay ng masasakyan. Tiningnan ko ang relo ko at oof 7:15 na pala. Oh well, nevermind nakasakay naman na kami ni kuya.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa school, hindi naman ito gaano kalayo sa highway. Pagpasok ko sa gate ng school minalas pa talaga ako. Eh bat naman hindi, kung kailan ako nakarating dito saka pa talaga natapos ang flag ceremony. Hays, dinalian ko nalang ang paglakad ko para mas mabilis kong marating ang classroom namin.
Pagpasok ko sa classroom, may mga kaklase ko na nagkwekwentuhan ng kung ano ano. Wala pa ang bag ni Alex mukhang naunahan ko siya haha. After mga 2 minutes siguro nagsidatingan na ang mga kaklase kong umattend ng flag ceremony, I wonder what took them so long.
Naglalakad lakad muna ako sa loob ng classroom like punta sa kabilang side pagkatapos naman sa kabilang side na naman then sa labas ng classroom na naman.
Tagal naman ni Alex dumating wala akong makausap hay. Speaking of the devil. She's here, wearing headphones while walking straight to where I am standing and embraced me in a hug. "Good morning Janine" bati niya sa akin, oh I guess she's not in a bad mood today.
"Good morning couz, why are you late? You know that you are usually the one who gets here first than me." I started a conversation with her.
"Just taking my time I guess?" sagot niya na parang lumulutang ang isipan niya. Pumasok na siya sa loob ng room at kumuha ng walis tingting at naglinis sa area na na assign siya.
"Janine let's go, linis tayo dun sa makabayan park" ani ni Bea na kakadating lang galing umattend ng flag ceremony. "Sige, wait lang kukuha muna ako ng walis." Sabi ko at kumuha ng walis.
Naglinis kami sa makabayan park ng biglang tumayo ang nakaupo kung classmate habang nagce-cellphone. "Guys, tara na, di natin namalayan ang oras, nagsisimula na silang magdiscuss." Mabilis kaming pumunta pabalik sa room namin sapagkat malayo layo din ang area namin.
Pagdating namin ay totoo nga ang sinasabi ng kaklase ko dahil nagstart na silang magklase. Isinauli namin ang mga walis na ginamit at umupo sa aming upuan at nakinig sa klase. Habang nagkokopya kami ng notes kinalabit ko si Alex.
"Bat di mo ko chinat na nagkaklase na pala?" Tanong ko sa kanya. "E paano ako makakachat sayo kung pinagalitan kami?" Pilosopong tanong niya sa akin. "Ano? Bat kayo napagalitan?" Tanong ko na naman. "Nahuli kase isang kaklase natin na nagce-cellphone at hindi tumulong sa paglilinis kaya ayun damay kaming lahat at tatawagin na sana kayo kaso lang sabi ni ma'am na malaki na kayo at alam niyo na daw gagawin niyo" mahabang litanya niya sa akin.
Malapit ng matapos ang last subject namin ngayong umaga. Napabuntong hininga ako kase andaming projects na pinapagawa ni ma'am ngayon. Imagine dalawang story reports plus 1 formal theme then 1 group activity and individual assignment hahay.
Napasinghap ako ng biglang tumalon at yumakap si Bea sa akin sa gilid. "Janine, sa bahay tayo mananghalian ha" bilin niya sa akin habang nagpapacute sa akin. Hay sino ba may lakas ng loob dyan sabihin sakanya na di siya bagay magpacute. Wala akong nagawa kung hindi tumango na lamang.
"Couz"tawag ko sa pinsan ko at sinenyasan si Bea na nagliligpit ng gamit niya. "Yeah, go" tipid niyang sagot sa akin at tumungo kay Amber na naghihintay sa labas.
Pumunta kami sa bahay ni Bea at nananghalian. Pagkatapos ay nagpahinga muna kami.
Natapos ang klase ko bandang 4:58 ng hapon. Lumabas ako ng room at nakitang naghihintay sa akin sina Alex, Amber, Kim, Therese, at Giemely, napangiti ako dahil kahit di kami gaanong nag-uusap ay nandito sila at hinintay ako. Hindi kagaya ni Bea na basta nalang nawala pagkatapos ng klase, di man lang nagpaalam na aalis na siya hahay.
Tumatawa kami habang naglalakad pauwi, since si Therese ang pinakamalapit sa school siya ang unang hinatid namin at bumili din kami ng ice juice sa tindahan nila. Si Alex ang sunod na humiwalay sa amin ng daan at umuwi na. Tatlo kaming magco-commute pauwi. Ako, si Amber at si Gemgem. Si Kim naman nag iisang umuwi pagkatapos niya kaming binilin sa terminal.
Pagkauwi ko ay wala si maindang, siguro nasa simbahan yun. Nagbihis muna ako at nagcellphone hehe wala pa naman akong gagawin ihh.
Pagkatapos ng hapunan ay naghanda ako sa mga gagamitin ko para sa mga projects at assignments ko. After about an hour and a half, nagpagdesisyonan ko na matulog na dahil malalim na ang gabi.
YOU ARE READING
(Highschool series 1) My life, my decisions
RomanceChriselle Janine Crizaldo,what a beautiful name right? But the question is, is her life beautiful as her name? As she unfolds her story, let us witness how she grew up. But as time goes by, she never really expected to have someone to rely o...