"I need space." nakayukong sabi nito.
Space..
Ito pala ang gusto niyang sabihin. He called earlier, ang sabi niya gusto niya akong makita at makausap.
Ako naman itong si head over heels, I canceled all my appointments in that specific time. Kasi nga magkikita kami.
Tapos.... He wants space.
Feeling ko, nagka space din yung utak ko. Na-blangko yung isip ko.
Danielle.. Don't cry... Paulit ulit kong sabi sa sarili ko. Don't... Don't cry... Calm down...
Space...
Space..
Space...
I tried to process the words in my head. Pero parang nagkakarambola sila, they stammered all in my head.
Space..
He wanted some space..
Just when I wanted more of him..
Just when I wanted na mas maging steady kami.. Akala ko nga, one of these days magpo-propose na ito sa akin..
Just when I wanted to be with him, always. To stick with him, every minute, of every day.
I never loved someone, the way I loved him.. I never cheated. Siya lang ang minahal ko, siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko..
At ngayon, gusto niya ng space.
Hindi ako bobo para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Is he falling out of love, when I was falling deeply?
Am I boring him? While I was enjoying spending every minute with him?
Gusto niya na ba ng iba? Nagsawa naba siya sakin?
Naghalo halo ang mga tanong na ito sa isip ko.. Questions that I don't have the strength to ask. Because I'm afraid of the answers.
"H-How.. How long." I asked without looking at him. Inilapat ko ang mga palad ko sa tuhod ko.
"Hindi ko alam." Umiling ito.
I nodded. Ayaw ko ng magtanong pa kung bakit.
He needs it, at dahil mahal ko siya kahit anong hilingin niya ibibigay ko.
We need space when we're stuck. Pag hindi tayo makagalaw. When we can't breathe. When we wanted to be free.
I guess.. I already know the answer....
--------
Days became weeks, and weeks became months.
It's been Four months. Four months ago, when he asked for a space..
Pero mukhang sa kahahanap niya ng space, napadpad na ata siya sa outer space..
No text. No calls. No emails. Kahit poke man lang sa facebook, o tag sa Twitter.
Ni ha, ni ho. Wala. As in wala.