Soon I will be graduating na! What course should I take? I'm thinking to take nursing course, but I'm scared because what if hindi ko kaya mag fail ako? Hindi pa naman ako matalino unlike others they are good at memorizing and good at communication skills tapos ako wala hindi ko agad nasasaulo mga inaaral at mahiyain ako makipag-usap sa mga tao na hindi ko kilala pero kapag makipag-usap sa mga strangers sa online para lumandi kaya ko walang ka hiya-hiya.
Final mag n-nurse ako. Sure na sure na ako!
Ma-chat nga si Rain at guluhin.
"Madamerism! Pa kopya sa Physics mamaya."
May online kami ngayon at hanggang ngayon ay online class pa rin dahil sa COVID na 'to. Sana matapos na dahil nakakainip na sa bahay na puntahan ko na lahat ng sulok ng bahay namin dahil sa sobrang inip. Balita ko ay mawawala na online class next year dahil bumababa na ang rate ng cases kaya possible na mag full face to face na. Ibig sabihin sa 1st year college ko ay face to face na. Meeting new classmate, friends and environment which make me nervous at the same time excited!
"Gaga hindi pare-parehas daw mga tanong, iba daw sila sabi ni angelo." Reply nito.
"Na naman?! Ano ba 'yan and hirap naman maging bobo. Sino ba kasi nag pa-uso ng Physics na 'yan edi sana hindi tayo nahihirapan ngayon."
"Ang dami mo naman reklamo Eli open formula naman daw, isa pa google is the key." Kahit kailan 'tong babaeng ito napaka bad influence, pero dahil bobo ako why not 'di ba? Sabi nga nila work smarter not harder.
Maaga ako nagising ngayon dahil may quiz kami sa Physics ngayon at nag review din kahit konti para naman bawas conscience kapag nag google.
Nang matapos ang quiz namin ay expect ko naman na mababa makukuha dahil kahit si google ay hindi nito masasagot mga tanong sa quiz. Paano naman kasi gawa talaga ni Sir Aries yung mga question, siya mismo ang nag-isip kaya wala ka talagang makikitang sagot sa google. Mabuti na lang ay multiple choice at open formula kaya kahit papaano ay nakapag sagot ako kahit hindi sure. Sayang din kasi 5 points each problem at kapag nakasagot ka dito kahit mali ay may possible na mag ka 1-3 points depende kapag malapit ang sagot mo sa tamang answer.
"Ilan nakuha mo sis?" Message sa'kin ni Rain.
"5 ako na perfect ko yung identification part mabuti na lang talaga na review ko 'yon pero sa problem solving syempre mali kasi 0 yung nakalagay nag babakasakali na lang ako sa 1-3 points na bibigay ni Sir."
"Ako 10 maiingit ka please." Sama nito, edi sana all!
"Okay."
"Nasa google yung isang problem, huwag tamad kasi maghanap."
"Whatever, naubusan kasi ako ng time nag try akong mag solve kahit papaano. Tsaka nag g-google lang ako kapag hindi ko na talaga alam. Alam mo naman ako ma konsensya akong tao."
"Kala mo naman totoo, tsk." Aba aangal kapa, at least honest ako kahit papaano unlike you, hmp.
Nag angry face na lang ako sa reply nito.
Wala kaming online class ngayon dahil Saturday, masipag lang talaga si Sir kaya ginawang Saturday ang quiz.
Dahil walang magawa sa bahay as usual ang routine ko lang kapag weekends ay kain tulog lang. Dahil isa akong productive na tao lahat ng mga assigments ko na binigay monday to Friday ay gagawin ko lahat sa Saturday. Sa araw ng Saturday ay doon ko lahat gagawin ang mga papass para sa next week, minsan hindi ko nagagawa sa Saturday lahat kaya ang plan ko minsan sa Sunday which is magpahinga, spending time with my family and doing the things I want ay hindi nagagawa dahil sa sobrang daming pinapagawa at sa pag-on ng pagiging tamad mode ko. Overall, I can manage my time in everything naman.
BINABASA MO ANG
Sweetest Sin
RomanceEvery happiness always comes with sadness. Every laugh can turn into tears. There is always an exchange of grief and suffering in every lovely moment with the person you love. Loving the person that is not meant for you is hard. Started: June 24, 20...