There's someone for you

1 1 0
                                    

May isang taong laging nandyan para sayo. Siya yung taong hindi nagsasawang magparamdam ng kahalagahan mo. Taong aalalahanin ka, iintindihin ka, dadamayan ka. Taong isasakripisyo lahat para lang sayo. Para lang magtagal kayo, taong hindi na iintindihin ang pride niya para lang mapatawad mo. Yung ipaglalaban ka kahit na lagi mo nalang siyang isinusuko, taong iiyak sa harap mo, magmamakaawa para lang wag mong iwan. Siya yung taong hindi nagsasawang humabol sayo kapag naglalakad ka palayo. Pero anong ginawa mo? Sinayang mo. Hinayaan mo siyang matutong pabayaan ka. Hanggang sa tuluyan na siyang sumuko.

Silent Q and ThoughtsWhere stories live. Discover now