Introduce your self

25 3 2
                                    

So here's the 4th chapter. Sana hindi kayo nainip. :)



CHAPTER 4


I looked around me. Maraming mga estyudyante na magkakasama, grupo-grupo, bawat isa ay may mga kaibigan. Sana ay magkaroon din ako ng kaibigan katulad nila.


"HUI!" hinawakan niya ako sa balikat.


huuuh! Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.


"ay sorry erica ,hayaan mo hindi na ulit kita gugulatin..sorry talaga" napakamot siya sa ulo.


Kumuha ako ng notebook at ballpen sa bag ko at nagsulat.


*Okay lang Ford.* Nginitian ko siya. He smiled back.


"Siya nga pala, tara na at baka malate pa tayo. First day pa naman ngayon."

Tumango ako bilang sagot sa kanya..


Hindi kami naging magkaklase ni Ford. Senior na kasi siya habang ako naman ay Junior. Hinatid niya lang ako sa class room namin. At habang naglalakad kami ay napansin ko ang mga mata ng mga babaeng napapatingin at kinikilig sa kanya. Nagkibit-balikat na lang ako.


"Ito ang class room niyo. Yung class rom namin ay sa taas. Puwede mo akong puntahan doon kapag my kailangan ka. Yung mga body guards mo ay hindi ko na pinasunod dahil alam ko na naiilang ka at ayaw mo na palaging may nakasunod sayo tama?" Napatango ako.


"salamat."


"Okay lang yun. Basta magpromise ka na wag kang mahiyang puntahan ako. Or." Iniabot niya sakin ang isang maliit na bagay. Parang Flash drive lang ang liit nun. "Pindutin mo yan kapag may emergency." Napatango ako at ngumiti. He grinned. Ang guwapo niya.


"That's all. Good luck." Pagkatapos ko siyang kawayan ay pumasok na ako.



-CLASS ROOM-



"Good morning students." Bati ng kakapasok lang na teacher. Sobrang luwag ng ngiti ko. Sa harapan ako pumuwesto para mas maintindihan ko ang mga magiging topic. 12 lang kami sa class room namin. Hindi ito kalakihang School kaya hindi marami ang estudyante dito. Okay daw to sa isang naninibagong tulad ko. And it's more safe.



"Since today is our first day of class, we will start it by a game." Everyone cheered. Pati ako ay naexcite.


"The rule is very simple. Group yourselves into 6. So that means we'll be having 2 groups. Find your group now." Naging maingay silang lahat sa pagbuo ng grupo. May humila sa aking babae at sinali ako sa grupo nila.


"This game is entitled 'Getting to Know your name', kilalanin niyong lahat ang nasa grupo niyo. Then the first one to memorize your group members name will come forward. Ready? Game!" They became loud again sa pagpapakilala. Kumuha ako ng notebook at ballpen at nagsulat doon.

I'll never goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon