Ang panaginip raw natin ay base sa malilikot nating mga imahinasyon. Kadalasan nating napapanaginipan ay iyong mga bagay na hinahangad nating makamit sa buhay maging ang mga sitwasyong nais nating mangyari sa hinaharap. Minsan naman ay nananagininip tayo ng mga taong may malalabong mukha na tiyak na hindi na natin magagawang alalahanin sa oras na tayo ay magising. May nakapagsabi rin na ang panaginip raw ay taliwas o kabaliktaran sa kung anong meron tayo sa totoong buhay.
Ngunit bakit nang minsang managinip ako ng isang taong hindi ko kilala ay klaro ang mukha nito hanggang sa aking pagising at nagawa pang magpakita sa akin?
YOU ARE READING
Sweet Dreams, Lylan
FanfictionThis is a story of a girl who has several dreams about a guy she has never met , but then one day, the man of her dreams suddenly appeared next door to her apartment.