"Oh maluwag pa! Sakay na!"
Dali-dali kong inayos ang dala kong bag nang may tumigil na bus sa harap ko. Kahit hindi ako sanay bumyahe mag-isa ay wala akong choice, ginusto kong mag-aral sa malayo kaya kasalanan ko rin 'to. Maaga akong gumising dahil 10:00 A.M ang schedule ko ng entrance exam, halos isang oras ang byahe papuntang school na papasukan ko kaya't alas otso y media pa lamang ay nag-aabang na ako ng masasakyan.
Hindi nagsisinungaling ang konduktor nang sabihin niyang maluwag pa dahil pagkapasok ko ng bus ay agad akong nakaupo sa may bandang gitna. Doon ako sa dalawahang upuan para mas madali akong makakababa kung sakali, medyo masikip rin kasi kung doon ako sa tatluhan uupo.
"Kuya pa-Highway po?" tanong ko sa konduktor nang tumapat siya sa akin para mangolekta ng bayad.
"Ay naku pa-Bayan kami ineng, saan ka ba bababa?"
"Ay sa may Waltermart Dasma po sana." nag-aalangang sagot ko dahil baka bigla akong pababain, wag naman sana, nakakahiya.
"Ayun, sa bayan kana lang mismo bumaba ineng, tas lakarin mo na lang pa-Walter. Malapit lang naman iyon."
Tumango na lamang ako at hinanda agad ang pambayad pagkasabi niya nun. "Sige po, magkano?"
"Estudyante?" tanong niya na tango lamang ang isinagot ko. "35 lang."
Habang tumatagal ay parami na nang parami ang sakay ng bus kaya napilitan akong umisog malapit sa bintana nang may umupo sa tabi ko. Abala ako sa pagtanaw sa labas kaya hindi ko na nagawang lingunin kung sino iyon. Kanina pa ako kinakabahan dahil baka bigla akong lumagpas sa pupuntahan ko, nahihiya pa naman akong tanungin yung konduktor kung malapit na ba o hindi. Wala rin akong load kaya hindi gumagana ang Google Maps sa cellphone ko.
Nakakaramdam na ako ng liyo, bukod kasi sa hindi ako sanay sumakay sa bus e nakatapat pa sa'kin yung aircon. Hindi ko naman kasi abot kaya hindi ko magawang patayin.
"Saan ka 'toy?"
"Walter Dasma po."
Napukaw ang aking atensiyon nang singilin ng konduktor ang katabi ko. Mukha siyang matalino dahil sa suot niyang eyeglasses. Parehas kami ng destinasyon kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib kahit papaano.
"Ay pa-Bayan kami 'toy, dun kana lang rin bumaba."
"Sige po, magkano?"
"Estudyante? 30 lang."
Sabay kaming nagulat ng konduktor ng maglabas ito ng isang libo.
"Wala ka bang barya 'toy?" nag-aalangang tanong nung konduktor. Nakita ko namang napakapa yung katabi ko sa bulsa ng kaniyang bag na animo'y naghahanap ng barya. "Balikan kita ha, wala pa kasi akong panukli sa pera mo."
Hindi mapakali yung katabi kong lalaki kaya kinuha ko nalang yung wallet ko at kumuha ng 30 pesos at inabot yun sa kaniya. Nakita ko kasing puro blue bills ang nasa wallet niya at mukhang wala talaga siyang barya. Napalingon naman siya sa'kin at nagtataka akong tiningnan.
"Sure ka?" tanong niya sa'kin habang ina-adjust ang salamim sa mata, mukhang nag-aalangan pa siya pero kinuha rin naman yung inabot ko. Matapos nun ay binaling ko na lang ulit ang tingin ko sa labas ng bintana, muli na naman akong kinabahan dahil hindi na pamilyar sa'kin kung nasaan na kami. "Thank you." rinig kong sabi sa'kin ng katabi ko matapos niyang makapagbayad sa konduktor.
Ilang minuto pa ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo, patingin tingin rin ako sa aircon, iniisip kung tatayo ba ako para maabot ito upang patayin o wag na lang. Napansin ata ako nung katabi ko kaya inabot niya ito para sakin at pinatay, inabutan rin niya ako ng mentol na candy na ikinagulat ko pero tinanggap ko rin naman. Tumango na lamang ako nang kaunti para magpasalamat.
YOU ARE READING
Sweet Dreams, Lylan
FanfictionThis is a story of a girl who has several dreams about a guy she has never met , but then one day, the man of her dreams suddenly appeared next door to her apartment.