••• Selene •••
I stretched my arms and blinked my eyes numerous times. It's almost four in the afternoon but Uno isn't here yet. Kanina pa ako rito sa isa sa mga bench ng school, malapit lang sa room ni Uno habang nakaharap sa laptop ko. May klase pa kasi siya hanggang 3:30 pm pero mas pinili ko na lang na hintayin siya rito sa labas para diretso na rin namin matapos itong activity.
"Gago, kanina ka pa ba?!" Kaagad na napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon.
As usual, he is wearing that wide smile again, but never wore any bag on him. So ironic.
"Oo tanginamo!" tugon ko. "Kanina pa ako rito at halos isang oras na akong naghihintay sa'yo," dagdag ko pa.
"Sorry na. Nakakagigil kasi yung prof namin e. Nag-overtime ng halos kalahating oras," paliwanag niya habang nakabusangot ang mukha pero kaagad din naman siyang ngumiti nang humarap siyang muli sa akin mula sa pag-aayos ng kaniyang nagusot na manggas ng unimporme.
"Ilibre mo ako," saad ko saka nagsimula na ulit mag-type sa laptop ko. Bukas na kasi ang deadline at ngayon ko lang naisipan gumawa and since Uno is busy from his other subjects. Ito lang din ang subject na magkaklase kami and I know, he is much more busy than me these past few days since he assisted me from the hospital so he could catch up from his missed classes.
Marahang umupo siya sa tabi ko habang naka-dekwatro ang paa. "Oo na. Ano ba kasi ang gusto mo? Spicy ice cream?" tanong niya na nagpatigil sa akin sa pagta-type.
Marahang hinampas ko siya sa kaniyang kaliwang balikat kaya kaagad na napaayos siya ng upo. "Sige Uno, hindi na lang kita isasama as group member dito sa activity ha. Bahala ka diyan!"
Akmang tatayo na ako nang hawakan niya ang aking kaliwang braso. "Ikaw naman hindi ka mabiro. Joke lang naman. Ito na nga, bibili na ng pagkain mo, señorita," saad niya kaya't muli akong umupo sa aking kinauupuan.
Alam niya naman na ayaw ko ng lasa niyon but he always suggests that flavor because that's his favorite.
Marahan siyang tumayo saka tumalikod pero hindi pa siya nakakahakbang ay nakaramdam na ako ng kirot sa aking ulo.
Kaagad na napahawak ako sa aking ulo habang nakahawak naman ang isa kong kamay sa handle ng bench. Halo-halong sakit ang nararamdaman ko at hindi ko maintindihan kung kailan hihinto ang pagkirot ng ulo ko. I can't explain why am I continuously felt this pang of pain given that I know I am perfectly and physically fine.
Halos mahulog na rin ang laptop na nasa lap ko, mabuti na lang ay nasalo agad iyon ni Uno.
I felt his hands over my shoulders but I can still feel the extreme pain in my head. Napapikit na rin ako sa sobrang sakit at tila may namumuo na ring luha sa mata ko sa sobrang sakit.
"I kept my promise, mahal ko," he sweetly said, enveloping me on his arms.
After he loosen his arms on me, I saw his wide smile that made my heart fluttered. "Narito na muli ako, at ikaw ang rason kung bakit ako umuwi mula sa military. You are all of my reasons," he added.
What the man said from my head brought chill down to my spine. In a sudden unknown vision that happened in just a second, I don't know if it is still okay.
Kaagad na iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Uno na paulit-ulit tinatawag ang aking pangalan. I felt my heart thumped uncontrollably and I don't know why I felt something strange everytime I saw him, although, I haven't saw his face or even who he is.
His voice is too sweet to be true but I am not certain if he is real or it is just because of bumping my head, causing me to see someone whom I don't know existed.
BINABASA MO ANG
Finding You
RomanceSelene Reyes crossed the street when she got struck by a speeding car. But as soon as she opens her eyes, a strange man appears in her head, and everything starts to become bizarre. She doesn't know why and who was this person but she finds herself...