>>[Introduction]<<

162 3 0
                                    

>>[Introduction........]<<

Ramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko. lalong lalo na sa kaliwang tagiliran ko

May naramdaman akong malamig na liquido na nanggagaling sa aking tagiliran 

Tubig?

Sinubukan kong kapain ang malamig na liquido na nangagaling sa aking kaliwang tagiliran kahit na hinang-hina na ako

Ngunit hindi pala tubig ang nakapa kong liquido kundi dugo, dugo KO iyon.

Tsaka lamang nagrehistro sa utak ko ang mga bagay bagay, kinidnap ako at dinala dito sa gubat na ito sinubukan kong manlaban para makatakas pero saksak sa tagiliran ang inabot ko kaya ngayon nakahandusay ako sa lupa

"T-tulong"mahinang sabi ko

Pero sino pa ba ang maaaring makatulong sa akin gayong nasa isang madilim na gubat ako na nakasisigurado akong hindi pupuntahan ng kahit na sinong tao

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at hinintay ang aking nalalapit na kamatayan ng ilang saglit pa ay may narinig akong mga yabag ng paa, mga yabag ng paa na papalapit sa akin

Agad kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang mukha ng isang dalaga na nakadungaw sa aking mukha 

"T-T-Tu---"

"Tulong?"pagdudugtong niya sa sinabi ko

Isang tango na lamang ang itinugon ko sa kanya kahit nahihirapan akong gumalaw.Umupo ito sa tabi ko at tiningnan ang sugat ko.

"Paki-usap tulungan mo ako dalhin mo ako sa pinakamalapit na ospital"ang sabi ko sa kanya

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin iyon sa kanya dahil nararamdaman ko na ilang sandali na lang ay babawian na ako ng buhay.

Pero hindi siya nagsalita at bagkos ay tumayo at sinabing

"Kahit na dalhin kita sa ospital sinisigurado ko sayong hindi ka na din makaka-abot" 

Tama siya siguradong bago pa ako madala sa ospital ay bawian na ako ng buhay

"Pero--"pabiting sabi niya

"Pwede ka pa namang mabuhay, hindi nga lang bilang isang tao, kundi bilang isang BAMPIRA" 

 ~black_prinxesz.xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

my GIRLFRIEND is a VAMPIRE....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon