Kabanata 2

234 11 1
                                    


Silent Noise

"Halika, Yena. Lunch tayo rito!" tawag sa akin ni Viana at kumaway pa sa akin.

I am holding my lunch that my father made for me. Nahihiya pa nga ako dahil hanggang ngayon ay binabaunan pa rin ako ng daddy ko kahit grown-up na ako. Baka ma-bully na naman ako dahil parang bata pa rin akong ituring ni daddy. I don't want to upset him though, siguradong masasaktan ang damdamin niya kung tatanggihan ko ang mga niluluto niya para sa akin.

Dahan-dahan at walang imik akong naglakad kung nasaan sina Viana. Kasama niya sina Cha at Jude. Wala si Gael dahil busy siya, student council president kasi. Si Zeno naman ay hindi ko alam kung nasaan. I heard that he is with his girlfriend. 

"Lagi ka nang sasabay sa amin, ha? Kapag may nang-aasar sayo, sabihin mo lang sa amin at uupakan ni Jude," sabi ni Cha at siniko si Jude na katabi lang niya.

"Bakit ako?" tanong ni Jude at saka sumubo ng kanin.

"Alangan ako? Ikaw ang lalake kaya dapat ikaw." Caeli hissed.

Nilabas ko ang lunchbox ko kaya natigil sila sa pagkukulitan. My hot pink lunchbox is the center of attraction for them, it is embarrassing. Habang ang mga pagkain nila ay binili na rito sa cafeteria, ako ay galing pa rin sa bahay. 

"Ano'ng baon mo, Yena?" tanong ni Viana at hininto ang pagkain.

"Siguradong masarap 'yan, lutong ng parents niya, eh!" sabi ni Caeli.

"Luto ng mommy mo?" tanong ni Jude sa akin.

Binuksan ko ang lunchbox at hindi na ako nagulat sa mga hinanda sa akin ni daddy. Hindi lang naman kasi sa garden magaling si daddy, nang mamatay si mommy ay sinikap niyang maging magaling sa lahat ng gawaing bahay. He doesn't want me to grow up thinking that there's missing in my life. Lagi ko pa rin namang nami-miss si mommy pero masasabi ko na hindi ko naramdaman na may nawala sa buhay dahil na rin sa pagsisikap ni daddy.

"Wow, parang galing Japan yang lunchbox mo, Yena!" namamanghang usal ni Viana.

"Nakakainggit naman! Gusto ko rin ng sushi! Tapos may eggroll pa!" Ngumuso si Caeli.

"Luto ng mommy mo?" ulit ni Jude sa tanong niyang hindi ko nasagot kanina.

Kinuha ko ang whiteboard na bigay ni Zeno sa akin kahapon. Tahimik lang silang inaabangan kung ano ang isusulat ko at nang mabasa na gawa ng daddy ko ito ay napatango na lang sila. Mabilis kong binura ang sinulat at nagsulat ulit nang panibagong mensahe.

'Patay na ang mommy ko.'

Sandali silang natigilan at napatitig sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at saka kinuha na ang chopsticks na kasama sa baon ko.

"Sorry to know that, Yena." Tinapik ni Viana ang balikat ko at tinanguan naman ng dalawa.

Ngumiti lang ako, sa totoo lang ay hindi naman na masakit sa akin na wala na ang mommy ko. Tanggap ko naman na dahil sobrang tagal na rin, Hindi na siya babalik kahit pa umiyak ako nang umiyak at magmakaawa na ibalik siya sa akin. Life doesn't always work the way we wanted and that's okay and acceptable.

Pinagbibigyan ko sila ng tig-iisang roll ng sushi dahil marami naman itong ginawa ni daddy. As I watch them eat the food my father made for me and compliment it as if it was the food on earth, I realized that I am very lucky that my daddy still has a time to make me lunch. Nang marinig ko ang kwento ni Viana na wala nang time sa kanya ang parents niya at hindi niya nararamdaman ang presence ng mga ito kahit pareho naman itong buhay, I suddenly miss my daddy. Nalaman ko rin na umalis na rin pala si Jude sa mga umampon sa kanya at kailangan niyang magtrabaho sa murang edad para lang mabuhay. Si Cha naman ay hindi kasundo ang ama dahil nanakit ito.

Enjoying The Rain (After School Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon