Prolouge

6 0 0
                                    

Prolouge

"Ma, naman.. please don't tire yourself too much." I pleaded as I saw how my mother massaged the bridge of her nose.

Pagod itong ngumiti at ako naman ang tinapunan ng tingin nito. She looked at me like it's enough seeing me. "Mas hindi ko kakayanin na ikaw ang mahirapan anak,"

I closed my eyes tightly. Tears slowly started to pool my eyes. Naiiyak ako sa sitwasyon ni mama. I wish I could help her. I wish I could be out there, in the forest to help her hunt our food. I wish I was also out the forest to collect woods to sell to our neigbourhood.

"Mama I'm so sorry."

Umiling ito sa akin at pinilit akong paupuin sa kahoy naming upuan. Despite her age she's beautiful like a brave warrior.

Our house is just small.. simula nang lumipat kami dito sa Barrio Mausok ilang taon na ang nakararaan natuto na akong makuntento sa meron kami.

Marami na kaming pinagdaanan sa lugar na 'to.. sa lugar na 'to nasubok ang tibay ng loob namin ni Mama. I was scared pero hindi ko naman pwede ipakita.. natatakot akong madagdagan ang problema ni Mama.

Gustong gusto niya akong pag aralin. And I wanted too, but in our case? That's impossible.

"Ano ka ba Isabel? Isang araw lang ako nawala." Natatawang hinaplos ni Mama ang pisngi ko kaya lalo akong naluha.

I'm weak and fragile. Nakakainis ang isiping 'yon.. my mother always need to prioritize me kahit nahihirapan na siya. Kahapon hindi siya umuwi dahil sigurado nag doble trabaho ito.. nakakakain naman kami ng maayos pero pahirapan makahagilap ng pagkain.

Siguro ay hindi kuntento si Mama sa kinikita niya. She had told me once that we never lived like this.. my father loved us.

But he left. At hindi na nag kuwento pa si Mama. Hindi ko rin naman siya hinanap since I have forgotten what he looked like.

"Saan po ba kayo galing? Did you tire yourself from work again?"

Umiling ito at bahagyang nakangiti. "Ayos lang ako anak.. may plano ako para sa 'yo."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at taka siyang tinignan. She has plans? But what? "Anong pong plano?"

"Mag aaral ka."

I felt like my world stopped spinning for a second.

Parang mga huni nalang ng ibon at sigawan ng tao sa labas ang tangi kong naririnig. Sa apat na sulok ng bahay namin ay namayani ang katahimikan. I was speechless.. hindi ko alam ang sasabihin.

Mag aaral ako? But why?

Never in my life I still imagined myself studying. Nag aral naman ako pero tumigil ako last year.. I just could bear it. Alam kong nahihirapan si Mama para sa tuition ko noon ang I can't do anything about it.

Sunod sunod akong umiling. "There is no need, Ma. Tutulungan nalang po kita mag trabaho.. pangako po hindi ako mabilis mapagod."

"No, Isabel. Nakapagdesisyon na ako. Matagal ko 'tong pinag ipunan. Sa Halpher Village ka mag aaral." Determinado na ang tono ng pananalita niya at parang wala ng pipigil sa kanya!

What is happening? Parang kakarating niya lang galing trabaho tapos biglang gusto niya akong pag aralin? At sa Halpher Village pa? Masyadong malayo 'yon..

"Ma.. malayo." Halos maiyak ako nang sambitin ko ang katagang 'yon.

I can't do it. Not this time.

My mother held my hand while flashing me a soothing smile. Napakaganda ni Mama. I can't imagine why my fathet would leave her.

"Do this for you anak. Do this for us. Makakatulong to sa atin, at lalong lalo na sa 'yo. Mas magiging maayos ka sa Halpher. Mag enroll ka for scholarship.. alam kong matalino kang bata, Belle. Kakayanin mo, naiintindihan mo ako?"

Naiiyak man ay tumango ako. Natatakot ako.. natatakot akong malayo kay Mama.

I must admit na mahina ang loob ko. Duwag ako. I always look for her. Hindi ko kaya mag isa. But seeing her in this state, I made up my mind. I need to follow her. "Sige po.." bulong ko habang nakayuko.

She lifted my face and her eyes softened. "Sa linggo palang ay sasakay ka na ng tren. Huwag kang mag alala, padadalhan kita ng malaking pera.. matagal ko na itong pinaghahandaan."

Lalo akong naiiyak sa naririnig. Mama was preparing for my studies.. lalo kong gustong tuparin ang gusto niyang mangyari. We've been trough a lot now. She deserves better.

I need to go to that village.

"Hindi ko po kayo bibiguin."

"Good."

Pag katapos ng usapang 'yon nag handa na ako ng hapunan. Siguradong pagod si Mama at kailangan niya ng maganang kain.

But have I ever told you who am I?

I'm Isabel Morticia, a simple poor girl who lives in Barrio Mausok. Hindi maganda ang pamumuhay dito sa totoo lang.. magulo at maingay dito. Parang walang araw na walang mag aaway.. pero kailangan namin 'yon tiisin para makisama.

Wala akong ipagmamalaki bukod sa nanay ko. Siya lang ang kakampi ko.

I shrugged off the negative thoughts kasi nag hahanda na din ako ng pagkain. I didn't want to distract myself while doing household chores.

"Mag ayos ka na ng gamit Belle ah? Mas maaga dapat nag sisimula ka na mag ayos.. plano ko nga rin ay bukas palang aalis ka na."

"Ma.." napanguso ako. "Pinapaalis niyo na po ba ako? Hindi niyo po ako mamimiss?"

Mom chuckled and wave her hand at me as if I'm telling her the most ridiculous thing in the world.

"Mas maaga mas maganda.. nakapag simula na din kasi sila sa unang semester ng klase.. you'll learn alot from there. Ano nga pala ang kursong nais mong kunin?"

For a second i fell silent. Dahil sa bilis ng mga pangyayari kahit kurso ko ay hindi ko na naisip.. pupunta ako roon ng hindi alam ang gusto kong kurso?

"Ano ho ang mga itinuturo nila?"

"They specialize Military since gusto nilang well protected ang village. Meron din silang Spell Casting course. Major in Arts, Cookery, at marami pa. Hindi ko na maisa isa. Malaking eskwelahan iyon anak. Kahit anong naisin mong kurso.. makukuha mo." She winked at me.

Isinubo ko muna ang kanin na may sabaw.. sinabawang gulay lang kami dahil 'yon lang naman ang kaya. Ibinagay daw ang gulay kay mama ng kaibigan kaya nakatipid kami ngayong araw.

Sa edad kong ito hindi ko pa nadidiscover ang kakayahan ko. O may kakayahan ba ako? Iniisip kong normal lang ako. May mga ganoon naman eh.

"Wala naman ho siguro akong kakayahan, Ma.. ilan taon na rin ako. Kung meron ay dapat noon palang sana." Marahan kong sabi na ikinatawa niya.

"Hindi natin alam, Belle. Hindi natin masasabing wala nga."

Si Mama kahit kailan hindi nag sabi tungkol sa kakayahan.. o kung meron ba siya no'n. Hindi kasi palakuwentong tao si Mama. Tahimik lang at laging nakamasid sa akin.

"Kung meron man po.. lilitaw din agad."

Nginitian niya lang ako. Many days had passed and the time came at kailangan ko nang umalis.. hindi ko naisip na gano'n kabilis ang lahat.

The day came and I was constantly feeling alone already.. hindi pa nga ako umaalis pero nalulungkot na ako.

"Mag iingat ka doon.. wala ako para protektahan ka. Hindi kita masasamahan dahil kailangan kong mag trabaho dito. Pangako pipilitin kong makita ka."

Kumurap ako upang pigilan ang nag babadyang luha sa mata ko.

I gasped. I need to do this.

Halpher Academy (School Of Gifteds)Where stories live. Discover now