-Kabanata XXXIII-

8.3K 186 21
                                    

-Kabanata XXXIII-
Kailangan

"S-sir.." Mahina ang boses ni Bettina ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mariing pagtitig niya kay Franco.

Pakiramdam ko'y nanghina ang mga buto ko nang maramdaman ko ang unti unting pagkalas ng mahigpit niyang pagkakakapit sa akin. Napawi ang ngiting kanina lang ay siya ang dahilan. Naninikip ang dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinahalata.

"F-franco," I called him. Ngunit lalo ata akong nawalan ng kulay nang marinig ko ang pangalang sinambit ng bibig niya.

Tuluyan ding nalaglag ang kamay ko sa ere na balak sana siyang pigilan. Nag init ang sulok ng mata ko. Bumalik balik ang tingin ni Bettina sa amin. May dala pa siyang paper bag na nagsusumigaw ang pangalan ng mamahaling restaurant at ang isa sa mga sikat na chef sa bansa. Iminuwestra ni Franco ang lamesa niya upang ilagay doon ang pagkaing dala nito. Bigla tuloy akong nanlata at parang gusto ko nalang bawiin sa kanya ang pagkaing dinala ko para sa kanya. Kumpara sa dala niyang pagkain ay alam kong mas masarap iyon kaysa sa akin.

Hindi ko naman pala kailangan pang mag alala sa kanya. Mapait akong napangiti.

Humakbang ako paatras ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang barito niyang boses. Ilang libong boltahe ang nanawid sa sistema ko nang maramdaman ko muli ang mainit niyang palad sa akin...humahaplos at ipinagsasalikop ang isa't isa. Lumagapak ang tingin ko doon at mabilis na umangat upang titigan ang seryoso niyang mukha. Halos matunaw ang buto ko nang magtama ang paningin namin.

"Leave us now, Bettina. Cancel all my appointments." Mariin itong nakatitig sa akin. Pakiramdam ko'y matutunaw ako sa lalim nito.

"P-pero Sir, malaking pera ang mawawala kapag—" Dinig ko ang pag angal sa matinis na boses ni Bettina. Akma akong iiwas ng tingin kay Franco upang sulyapan si Bettina ngunit naging mariin ang paghawak nito sa kamay ko. Para bang sinasabi niya na sa kanya lang ako tumingin.

"F-franco, uuwi nalang ako. Umattend ka na sa meet—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumilim ang tingin nito sa akin.

"I don't care about the money, Umeca. My girlfriend is here, and you're my girlfriend. I want to have some time with you and money is not enough to replace it." Seryosong saad nito. "So leave us now, Bettina. Tell them, I'm busy with my girlfriend." Bumaling ang tingin nito sa namimilog na matang si Bettina.

"S-sir.."

Hindi ako nakahulma ng salita at tanging pagtitig nalang sa gwapo niyang mukha ang nagawa ko. Pakiramdam ko'y nasakop ng mga paru-paro ang sistema ko. Nakakapanghina..

"C'mon baby, let's continue." Hindi niya pinansin ang hinaing ni Bettina. Halos manigas ang buo kong katawan nang hapitin niya ang beywang ko paharap sa kanya. "Fix this for me." Dugtong niya pagkatapos ay kinuha ang dalawa kong kamay at ipinatong sa dibdib niyang hanggang ngayon ay nagsusumigaw pa rin sa init.

Napatitig ako sa kulay puting polo na hanggang ngayon ay perpekto pa ring nakasabit sa kanyang katawan. Narinig ko ang marahas na pagkalampag ng pintuan ngunit hindi niya ako hinayaang lumingon dahil sa pagdiin ng hawak niya sa beywang ko. Alam kong magsolo nalang kami... walang Bettina na nakapaligid. Pakiramdam ko'y nasa ilalim ako ng makapangyarihang hipnotismo na basta nalang sinusunod ang bawat gusto niya.

"Touch me, baby." His voice was sexy, dumagdag pa ang mariin nitong titig sa akin. Napalunok ako at wala sa wisyong hinaplos ang dibdib niya...pababa. Ramdam ko ang paglalim ng hininga niyang marahas na sumasalpok sa leeg ko.

"F-franco," I called him.

"Hmm.. Why baby? Gutom ka na ba?" Lumayo siya sa akin at bahagyang hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako sa init dulot ng palad niya. Bahagya pa akong nangaligkig dahil sa libu libong boltaheng dumaloy sa sistema ko.

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon