Simula

106 12 6
                                    

Simula

"Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataong magkaroon ng isang kaibigan." sabay abot ko sa kanya ng isang kwintas na may pendant na may nakasulat na.. Summer, ang pangalan ko.

"Ano 'yan?"

Napanguso na lang ako sa tanong niya. Halata naman kasing kwintas 'yung ibinibigay ko. At nakakainis lang talagang isipin na may gana pa siyang itanong kung ano 'yan.

"Kwintas. Tanda na naging magkaibigan ta'yo." Nginitian ko lang s'ya dahil masaya ako.

Masaya dahil tatanggapin ng nag-iisa kong kaibigan ang bagay na ako mismo ang nagpakahirap na gumawa.

Kinuha n'ya ito at napakamot na lang sa nakita.

"Nag-abala ka pa... Sorry kung wala akong mabibigay sa'yo."

"Okay lang. Naibigay mo na kasi 'yung pinaka-mahalagang regalo na natanggap ko... Ikaw. Masaya na ako, basta nand'yan ka." sabay labas ko pa nung isa pang kwintas mula sa aking bag.

"Pati.. Mayroon din ako." Sabay suot ko ng kwintas na may nakalagay naman na pangalang.. Grey, pangalan niya.

Mas lumapit pa s'ya sa akin. Nakaupo kasi kami ngayon sa isang damuhan. Mainit sa balat ang araw. Pero hindi naman kami naiitan sapagkat ramdam namin ang lamig ng simoy ng hangin.

Tinitignan namin ng sabay ang mga puno sa paligid. Walang salita ang kayang magpaliwanag sa nararamdanan ko ngayon..

"Sana ganito na lang tayo palagi..." Sabi n'ya sabay higa sa may damuhan. Pumikit s'ya tila bang nilalasap n'ya ang bawat segundo ng Summer.

"Pwede naman.. Kaso nga lang... Nakakalungkot lang isipin na estudyante na tayo bukas..." sabay higa ko na rin sa damuhan.

Tinitignan ko kung gaano kaganda ang kanyang mukha habang nakapikit..

Haba ng kanyang pilikmata, pula ng kanyang pisngi at tangos ng kanyang ilong. 'Yang mukha na yan ang dapat hindi ko malimutan. Mukha ng nag-iisa kong... Kaibigan

"'Wag kang magbabago ha... Grey." sabi ko sa kanya not knowing that he’ll do the exact opposite of it

*End*

Hindi ko nanaman alam kung ano ang pumasok sa kokote kong ‘to kung bakit nanaman ako nag-sulat ng bagong story.

Sayang naman kasi ‘yung idea na pumasok sa isip ko.

Pati guys, ‘wag kayong mag-alala.. Hindi maa-apektuhan ang update ng iba ko pang story.

At isa pa.. Short story lang ‘to. I hope na suportahan n’yo rin ‘to.

3 Days FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon