1st- Invitation

3 0 0
                                    

MARGARITA'S 

First Longing 

Invitation 


Lumaki ako na lahat ng tao sa paligid ko, sakit ng ulo ang tingin sa akin. Isang dagdag. Pampagulo o 'di naman kaya ay dahilan ng kaguluhan. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang tingin nila sa akin. Hindi naman kasi gano'n ang turing nila sa aking mga kapatid. Kaya madalas akong maghanap ng kasagutan kung bakit... hindi din ako favorite tulad nila. 


But I think... part ng buhay ang hindi mahanap ang mga kasagutan. Sometimes we just let it be. That's because the more we enforce force on looking or longing for something or someone, the more we're getting hurt. 


Everyone called me patapon ang buhay. 


I learned how to drink alcohol at a very young age. I also tried cigarettes. Band. I'm the last rank student in the whole school. Wala akong ambag sa lipunan. Tamang... anak lang ng kilalang tao kaya nandito sa mundo. 


Nanginginig kong binuksan ang isang liham na naka-address sa aking bahay pagdating ko. I'm not sure whether to open it. But in the end, I decided to close it and toss it wherever.


I sighed and stared at the ceiling. 


Should I go? 


Pumikit ako ng mariin at tiningnan ang cellphone kong matagal ng nakatengga dahil hindi ko s'ya nagamit nang mag-observe kami sa dagat ng ilang buwan. Ngunit sa kamalasan ay lowbat ang cellphone ko kaya chinarge ko muna. Tumayo ako para tumingin kung may pagkain pa ba sa ref ko. Malas wala. Anong kakainin ko? Yelo? 


Tiningnan ko ang sarili sa malaking salamin at napailing na lang. I can't go out like this! My hair is so dry! My skin is so dry too! I can't believe it. Dapat i-dispose ko na ang skincare ng brand na ginamit ko last time kasi hindi s'ya effective sa balat ko. And oh my god! My under eyes?! Parang hindi ako natutulog my god! I checked my nails and wala s'yang color. Eww lang talaga! 


My god! Am I still a human being?! 



Naglakad ako sa telephone ko at tinawagan agad ang kakilalang parlorista para ayusan ang aking buhok at nails din! Dumating naman kaagad ang glam team at nagkwentuhan lang kami ng mga kalandian nila sa buhay. They even wanted me to date some guys! Mga hunk daw. Why not? Lemme try after my report sa office. 


Dahil matagal tagal kaming nag-uusap ng baklang nag-aayos sa buhok ko ay naalala ko ang cellphone ko. Nabuhay na pala s'ya. 


Ang daming message but I just look at two particular people. I just put reactions to their messages but didn't bother to reply. Wala pa akong nails. Naiinis akong makita na plain habang nagcecellphone. 


Nakipagkwentuhan na ulit ako sa mga baklang nag-aayos sa akin ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinilip para tingnan kung sino at umirap nang makita ang kung sino ang tumatawag. 


"Someone's calling. Should I leave, senorita?" 


The Siren's Longing MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon