Itong storya na 'to, tungkol ito sa crush ko na tatlong taon ang agwat namin sa isa't isa. Mahal na mahal ko 'tong lalakeng 'to. (syempre alangan namang babae ang mamahalin ko! Ano ako? TBoom?) HAHAHA. at syempre, isasama ko narin ang biography ko at biography niya. :D
Simulan ko muna sa Biography ko..
.
.
.
.
.
.
Ako nga pala si Ronnalyn Salas. Pwede niyo din akong tawaging Roanne. Hmmmmmm..... Di ko na alam king ano na sasabihin ko tungkol sakin. Di ako kagandahan at maraming pimples. Mukha DAW akong MATARAY pero ang totoo niyan, HINDI AKO MATARAY pag nakilala na. :) Secret Keeper ako, pero once na siraan mo ko, sisiraan din kita plus papagkalat ko yung sikretong mo. :3 Medyo masama talaga ugali ko pero sobrang bait ko pag nirespeto. :) Maraming humuhusga sakin na sinasabi nila na ang LANDI ko DAW, pero di yun totoo. :3 May pagka TBOOM ako, siguro 10%. Pero BABAENG- BABAE ako. :D Isang magaling na singer......... SA BANYO xD HAHAHAHAHAHAHAHA.
Simulan ko na nga storya..
.
.
.
Nung grade 4 ako (year 2011), bandang hapon mga 3pm may practice kaming Barrio Poblacion para sa Araw ng Parokya sa Eskwela sa SJA. Syempre, lahat ng Barrio Poblacion nagkumpul- kumpol sa Basketball Court ng Sportfield namin para magpractice ng cheer at nung steps para sa Carinosa kasi isa ako sa mga kasali sa Intermission number namin kasi hinatak ako nung teacher namin. Habang nakaupo kami sa sahig ng court, naguusap kami ng kaklase ko. Nanahimik kami sandali ng kaklase ko pagkatapos naming magusap. Then may katabi yung kaklase ko na 1st year lalake siya. Nakipag usap yung 1st year na yun sakanya tapos eto naman 'tong kaklase ko, nagmayabang dun sa lalakeng 1st year. Ayun! Sinabi tuloy sakin "Uy ate oh! Ang yabang ng kaklase mo." well, unang pagkakakilala ko dun sa guy e yung pagka FC niya. Tapos sinabi ko dun sa guy, "Pagpasensyahan mo na, ganyan lang talaga yan. HAHAHAHAHAHAHA." Di ko natanong kung anong pangalan nung guy sa sobrang kulit niya kasi may mga ka- batch siyang ka- harutan. Mabait din naman kahit papaano 'tong guy na 'to.
Well, ever since then di ko na naaman pangalan niya. Saklap lang diba. HAHAHAHAHA. Joke lang.
Grade 5 & 6 hindi ko parin nalalaman pangalan niya, hinanap ko yung mukha niya sa Fb at Twitter para malaman ko pangalan niya pero hindi ko siya mahanap.
Ngayong grade 7 na ko, nagsagawa ang school namin ng English Campaign, well kailangan naming mga Josephians that day na magenglish. Then bago matapos yung program, nagjamming ang sikat na banda sa school sanay akong tawagin yung banda na yun na KnS kaya ayan nalang itatawag ko. Kumanta yun ng Need You Now then nagulat ako nakita ko yung guy na kumausap sakin dati. Actually, ka- duet niya yung girl bestfriend niya. Narealize ko, ang din niya palang kumanta so, naging idol ko yung guy. Pero di ko pa siya crush nun. August 2013, ibinalik ulit yung Araw ng Parokya sa Eskwela. Barrio Poblacion ulit ako. Ka- barrio ko nanaman si kuya Idol. (yung guy na kinausap ako nung grade 4) Naulan nung araw na yun, tumakbo kami ng mga kasama ko para makasilong. Then andun si kuya Idol, nakasilong na siya bago pa umulan nun. Then saktong naisip ng mga kasama ko na dumaan sa may bandang maluwag na space ng assigned practice hall namin. Andun din si kuya Idol. Naisipan kong tignan yung ID niya pag nadaanan namin siya. Dumaan na kami sa harap niya. Nung nasa harap ko na siya, tinignan ko ID niya. Nakita ko yung pangalan John Raeniel Armorente. Tapos may naalala ako na may nagplug sakanya as well, di ko na babanggitin yung pangalan niya dito. Kaya nasabi ko sa sarili ko "omg siya pala yun." nung natapos yung practice, dali dali akong umuwi. Kinuha ko sa drawer yung cellphone ko at hinanap ko sa messages ko yung number niya. Nung nasave ko na number niya, tinext ko kaagad siya. Sinabi ko, "Hii :) Roanne Salas heree. :)) Josephian; Grade 7; JoBos :D" naghintay ako ng 1 hour or 2 hours. Ang tagal niya magreply. Tapos suddenly biglang tumunog cellphone ko kala ko kung sino lang yun pala si kuya Raeniel na AKA kuya Idol. Nireply niya sa text ko, "Ah. Hello :)) Kanino mo nakuha number ko? :))" nagGM muna siya bago niya ko piniem. Nireply ko, "Kay ate Kate Hernandez po :)" well yung Kate Hernandez na yun, kakilala niya. In other words, TROPA niya. Nireply niya naman sa reply ko sa text niya "Ahh. Kilala mo? xD" Then di na ko nakapagreply sakanya nun kasi nacut na Unli ko. Kaya, ginawa ko nalang sinearch ko nalang pangalan niya sa Fb then minessage ko siya dun. Sinabi ko, "Hi!! :)) Sorry, di na ko nakapagreply sa text mo nawala na unli ko nun e. anw, opo kilala ko si ate Kate :)" inaccept niya FQ (shortcut ng Friend Request) ko.
kuya Raeniel's Bio...
.
.
.
.
Pinanganak ng October 13, 1997 magka- birthday kami pero year 2000 ako pinanganak. Parang KWAGO yung mata niya. May pagka malaki yung mata niya. Dahil sa eyebugs Magaling siya maggitara at kumanta. Math Wizard siya. Favorite Subject niya daw kasi yun. May pagka malandi siya. Dejoke. Medyo kapit siya sa mga magaganda pero syempre kasama ako sa mga magagandang yun. Joke. Hahahaha ang feeler. Btw, di ko pa naman siya ganun kakilala, pero ang daming naming pareho sa isa't- isa. Parang MEANT TO BE nga kami e. :3 Dito na nagstart yung pagkaka crush ko sakanya.